bc

Darling (Complete)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.0K
READ
one-night stand
pregnant
arrogant
scandal
doctor
popstar
sweet
bxg
lighthearted
city
like
intro-logo
Blurb

Masyadong komplikado at magulo ang buhay ni Nicole nang makilala niya si Dr. Keith Darlington. Nakadama agad siya ng matinding atraksiyon dito. Hinayaan niya ang kanyang sarili na maakit sa lalaki. She thought he was a good distraction from everything that was happening in her life.

They kissed and flirted. Sumama siya rito hanggang sa hotel room. He sweated bullets when his condom shredded on him. Lalong hindi napakali ito nang malaman nitong fertile siya. Tinawanan lang niya ito at sinabing wala itong dapat na ipag-alala dahil wala siyang kakayahang magbuntis. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan siya ng kanyang asawa.

Anong gulat na lang nila nang malaman nilang buntis siya sa muli nilang pagkikita.

chap-preview
Free preview
1
“I’M HOME!” anunsiyo ni Keith pagpasok na pagpasok pa lang niya sa loob ng unit nila ng pamangkin na si Charlene. Walang sumagot sa kanya kaya dumeretso na siya sa sala. T-in-ext siya ni Charlene at sinabi nitong nakauwi na ito. Nadatnan nga niya ito sa sala ngunit hindi  ito nag-iisa. Kasama nito ang nobyo nito na si Simon. Napansin kaagad niya na nakaupo sa magkabilang dulo ng sofa ang mga ito. Pilit na pilit ang pagiging kaswal ng mga ito. “Hi, Uncle! Welcome home!” masiglang bati sa kanya ni Charlene. Tumaas ang isang kilay niya. Masyadong mataas at matinis ang boses nito. Natuon ang mga mata niya sa suot nitong damit. Hindi kaagad mapapansin ngunit kung titingnan nang maigi ay gusot at bahagyang wala sa ayos ang damit nito. Naningkit ang kanyang mga mata. “Were you making out before I came in?” tanong niya habang paupo sa couch na nakaharap sa mga ito. Nagtatalo ang kalooban niya kung magagalit siya at pagsasabihan ang mga ito o matatawa siya sa nakikita niyang pagkapahiya ng mga ito. Namatay sa isang aksidente ang kuya niya na ama ni Charlene noong pitong taong gulang pa lang ang pamangkin niya. Mula noon ay naiatang na sa kanya ang lahat ng responsibilidad sa pangangalaga rito. Parang siya na ang pangalawang ama nito. He had been as nervous as hell. His older brother had been a wonderful father. Ito rin ang nag-alaga sa kanya mula nang maulila sila. Hindi niya sigurado kung magiging mabuting ama siya kay Charlene. Natakot siya na baka mawala rin ito sa kanya dahil sa pagkakaroon nito ng marupok na puso. Natakot siyang mag-isa. Matagal silang naghintay bago napalitan ng malusog na puso ang marupok na organ nito. Nag-iba ang ikot ng mundo niya dahil sa aksidenteng ikinamatay ng kuya niya. One moment, he was just an uncle who loved spoiling his niece and then suddenly, he had to be a surrogate father. Sa bandang huli, nagdesisyon siya na hindi na niya susubukan na maging pangalawang ama nito. He would just be the uncle. Sa palagay niya ay nagawa niya nang tama ang mga responsibilidad niya. Napakahirap lang paniwalaan na malaki na ito at may nobyo na. Hindi magtatagal ay ikakasal na ito at iiwan na siya. Hindi niya hinayaan ang kanyang sarili na malungkot. Ganoon talaga ang buhay. Basta masaya ang pamangkin niya, okay siya sa lahat ng bagay. Pulang-pula na ang mukha ni Charlene. “Of course not!” tanggi nito ngunit kulang na kulang sa diin. Mula pagkabata ay nahihirapan na itong magsinungaling sa kanya. He decided to play the cool uncle. Kahit na may parte sa kanya ang nais maging overprotective, alam din niya na hindi niya mababawalan ang mga ito. Normal na ginagawa ng magkasintahan ang ginagawa ng mga ito bago siya dumating. May tiwala naman siya kay Simon. He was a good man. Alam niya na hindi na nito sasaktan ang pamangkin niya. “Ako pa talaga ang lolokohin mo, ha,” nakangiting sabi niya sa pamangkin. Nais niyang maramdaman nitong hindi siya galit. May bahagi sa kanya ang hindi mapakali, ngunit hindi niya gaanong pinapansin. Iniisip na lang niya na parte iyon ng growth ni Charlene. Matagal na panahon na nahiling niya na sana ay maranasan din nito ang mga bagay na nararanasan ng ibang normal na kaedad nito. Hindi magiging masaya ang kabataan nito kung hindi nito mararanasang makipagnobyo. “Pinagdaanan ko rin ang ganyan noong kabataan ko,” dagdag pa niya. “Alam na alam ko ang style.” Natutuwa siyang pagmasdan ang lalong pamumula ng mga pisngi nito. “I’m... sorry, Doc,” hinging-paumanhin ni Simon sa nahihiyang tinig. Hindi rin nito masalubong ang kanyang mga mata. “You’re sorry? If you’re sorry, you have to promise me that you won’t do it again. Kaya mo?” nanunudyong hamon niya. Inabot niya ang isang platito ng cake sa coffee table. Sa sobrang kaabalahan ng mga ito ay hindi na nagalaw ang merienda. “Uncle!” naiinis na saway sa kanya ng pamangkin niya. “Stop it already. Go to your room and go to sleep. You’re tired.” Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata. Nagpakakumportable siya sa pagkakaupo. “You guys know how to protect yourselves, right? Birth control methods, that sort of stuff.” Nais niyang kilabutan sa nabuong image sa isipan niya. Charlene with a rounded stomach and very pregnant. Okay lang sa kanya na makipagnobyo ito ngunit hindi pa siya handa na ipamigay ito. Hindi pa siya handang samahan ito sa paglakad patungo sa altar. Masyado pa itong bata. Napaungol si Charlene. Ibinaon nito ang mukha sa isang throw pillow. “Oh, God. Please, let’s not talk about s*x, Uncle. Just kill me now.” Lalong namula ang mukha ni Simon. Hindi niya akalain na may kakayahang mag-blush ang isang confident at promising na doktor na katulad nito. Tila hindi nito malaman kung ano ang sasabihin sa kanya. Tila nais nitong tumalilis ng takbo palayo ngunit hindi nito magawa. Brave man. “I’m not a prude. Matagal kaming nanirahan sa Amerika. Hindi ko sigurado kung naapektuhan si Charlene ng pagiging liberal ng mga kaibigan niya roon. She can be conservative and a bit of a prude but I can’t really be sure. Baka sa sobrang pag-aalab ng inyong mga damdamin ay hindi n’yo na maalala ang ilang bagay-bagay kaya ipapaalala ko.” Tumingin siya kay Simon. “Please use a condom. Always carry one in your wallet.” Binalingan niya ang pamangkin niya na sigurado siyang humihiling na sana ay bumuka ang sahig at lamunin ito nang buo. “Magpapa-schedule ako sa OB. I’ll ask her for a pres—” “Just shoot me, Uncle.” Natawa siya sa sagot nito. “You can’t get pregnant yet. Hindi ka pa puwedeng magpakasal. Hindi ka pa tapos ng college. Magtatrabaho ka pa.” Alam niya na umaapaw ang pagmamahal nito sa nobyo nito at sigurado ito na si Simon ang nais nitong makasama habang-buhay. Ngunit alam din niya na napakarami pa nitong nais na gawin sa buhay nito. Napakarami pa nitong pangarap sa buhay. Nais niyang ipaalala iyon dito. Kahit na tunog-nagbibiro siya, seryoso siya sa mga sinasabi niya. Kagaya ng sinabi niya kanina, hindi siya konserbatibo at bukas palagi ang isip niya. Hindi siya makaluma mag-isip at sinisikap niyang intindihin ang takbo ng isip ng kabataan ngayon kahit na mahirap. There was nothing wrong with having s*x. Hindi niya pagbabawalan ang pamangkin niya kahit na hirap siyang iproseso sa isip niya na nasa tamang edad na ito para doon. Sa Amerika, sa murang edad ay may karanasan na ang mga kabataan. Charlene was twenty-two. Ang hihilingin lang niya sa mga ito ay ibayong pag-iingat. Hindi lang si Charlene ang marami pang pangarap, pati na rin si Simon na nasa ikalawang taon pa lang ng residency nito. “Hindi ko naman na kailangang lecture-an pa kayo ng iba’t ibang birth control methods, `di ba?” pagpapatuloy niya. “Alam n’yo na ang mga `yon. Itinuro na sa school.” Naiinis na binato siya ni Charlene ng throw pillow. Namamasa na ang mga mata nito. “God, Uncle, please stop embarrassing me!” Tila anumang sandali ay iiyak na ito. “Go away! I hate you!” Natatawang tumayo siya mula sa pagkakaupo at ginulo ang buhok nito. Naiinis na tinabig nito ang kamay niya. “`Love you, baby.” Naglakad siya patungo sa silid niya bitbit pa rin ang cake. “Mamaya na `ko kakain ng hapunan, matutulog muna ako. Ituloy n’yo na ang ginagawa n’yo. `Wag masyadong maingay. `Wag n’yo ring kalimutan ang mga bilin ko. Simon, I have con—” Charlene shrieked. “I’m gonna kill you! Kapag ikaw ang nakabuntis, humanda ka sa `kin!” Natatawang pumasok siya sa loob ng silid niya. Inilapag niya ang platito na may lamang cake sa desk niya. Pagkatapos ay pumasok na siya sa banyo. Habang nakatapat sa shower ay natatawa pa rin siya sa huling sinabi ng pamangkin niya. Nang magbinata siya ay nag-alala ang kuya niya na baka makabuntis siya bago pa man siya makatapos ng high school. Panay-panay ang bilin nito sa kanya noon. Alam niya ang mga priority niya kaya kahit na aminado siyang mahilig siya sa babae, nag-ingat siya. Siniguro niya na hindi siya makakabuntis. Palagi siyang nakakapag-isip nang matino at naaalala ang mga kailangan niyang gawin. Kahit na sinasabi ng babae na nagpi-pills ito, gumagamit pa rin siya ng condom. Hindi lang sa unwanted pregnancy siya nag-iingat, kinatakutan din niya ang sexually transmitted diseases. Hindi sa ayaw niyang magkaroon ng anak. Gusto sana niya ngunit nais muna niyang mahanap ang tamang babae na makakasama niya habang-buhay. Ang akala niya ay nahanap na niya ang babaeng iyon sa katauhan ni Charmaine ngunit hindi pala siya ang lalaking nakalaan para dito. Sa simula pa lang ay alam na niya ang pag-ibig na nararamdaman nito sa matalik nitong kaibigan kaya hindi na siya gaanong nagulat nang mas piliin nito si Sean—na kakambal ni Simon—kaysa sa kanya. Tanggap na niya ang kabiguan niya. Tanggap niya na hanggang kaibigan lang siya para dito. Tanggap na niya ngunit hindi ibig sabihin niyon ay hindi siya nasaktan. Kahit paano ay may kudlit pa rin sa dibdib niya kapag nakikita niya ang dalawa na magkasama. Espesyal pa rin si Charmaine sa puso niya. Isang bagay na natutuhan niya rito ay ang totoong kahulugan ng selfless love. Sa kabila ng kabiguan niya, masasabi niya na walang bahid ng kasinungalingan na masaya siya dahil masaya na ito. Masaya siya kahit na hindi siya ang dahilan ng kaligayahan nito. Naniniwala siya na may babaeng itinadhana para sa kanya. Isang babae na makakasundo niya sa maraming bagay. Isang babae na magiging matalik din niyang kaibigan bukod sa pagiging asawa. Isang babae na mag-aalaga sa mga anak niya. Hindi na niya gaanong pinalawig ang pag-iisip tungkol sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Mas may posibilidad yata na mauna ang pamangkin niya sa pag-aasawa at pagpapamilya. Naniniwala siya na kusang darating ang lahat sa tamang panahon. Sa ngayon ay dapat niyang mas pagtuunan ng pansin ang trabaho at ilang mahahalagang bagay. Paglabas niya ng banyo ay binuksan niya ang telebisyon. Kinain niya ang cake habang nanonood ng balita. Paubos na ang cake pagdating ng showbiz news portion. “Jerome Henney, umamin na sa relasyon nila ni Jessie Gerona. May mensahe rin siya sa kanyang dating asawa na si Nicole Kim.” Inilipat na niya ang channel bago pa man matapos ng news anchor ang mga sinasabi nito. Hindi niya kilala ang mga artistang nabanggit nito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook