Naging okay naman kami sa mga sumunod na araw nang mapaliwanag ko na sa kanya kung bakit naiwan kina Claire ang relos ko. Hindi ko lang maintindihan kung ba't bigla-bigla na naman siyang sinumpong. Relos, relos ko na naman ang problema niya na naiwan ko umano kay Claire. Tangina, nagkita lang ulit kami ng mga tropa ko sa bahay ni Claire. Anong magagawa ko kung doon nila gustong magkita-kita. "Saan--" hindi niya 'ko pinatapos. Binato niya sa dibdib ko ang relos ko. Kunot noo kong tinignan ang naluluha niyang mukha. Para akong nadudurog sa lungkot ng mga mata niya pero tangina kasi, wala naman siyang dapat ikalungkot. Parang siyang baliw, palagi na lang akong pinaghihinalaan. "Napapa'no ka na naman?!" Nilapitan ko siya; marahas niya 'kong tinulak. "Anong problema mo?!" Talagang pinapai

