"Sorry po, tito..." Pinunasan ko ang mga luhang pumatak sa pisnge ko matapos kong i-kwento kay tito ang ilang detalye ng mga nangyari sa amin ni Rigal. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit anong pigil ko'y bumabagsak pa rin ang mga luha ko. Napakadali kong maiyak; dala na rin ng sikip sa dibdib ko. "Your relationship got complicated." Hindi ako nakapagsalita. Nakayuko lang ako't pinipigilan ang sarili na maluha na naman. Hindi ko masabi ang buong kwento kay tito pero minabuti kong hindi maging bias sa side ng story ko. Alam ni tito noon pa man na minsan akong nagkamali pero pinaliwanag ko sa kanya na kahit kailan ay hindi ko na inulit iyon. May sumaksak lang sa puso ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Seval. Nawala ako sa ulirat noong gabing iyon; gusto ko na lang kalimutan ang na

