"Ang kapal ng mukha mong--" "Claire, enough." Humarang si tito nang akmang susugurin ako ni Claire. Tumalim din ang tingin ko sa kanya. Ako pa ang makapal ang mukha ngayon sa aming dalawa samantalang siya 'tong dikit nang dikit sa asawa ko. "Mabuti pa't umuwi ka muna," kalmadong ani tito. Napairap ako't napabuga sa hangin. Buti't wala si tita kundi malamang niyan ay kakampihan niya ang bruhang 'to. Siya pa 'tong may ganang tignan ako mula ulo hanggang paa at saksakin ako ng matalim na tingin at irap. Pinanlisikan niya 'ko ng mga mata na parang sasabunutan niya 'ko kundi lang nakaharang si tito. "Claire, umuwi ka na muna." Kumapit si tito sa balikat ni Claire, pilit itong kinakalma. "What? But I just got here, tito." Maarteng kantyaw ni Claire. Napatingin ako sa asawa ko; napaiwas d

