"Good morning," sumulpot si Tanya sa kusina habang nagluluto ako. Isang linggo na ang lumipas, kahit papaano'y nawawala na ang mga sementong naipon sa dibdib ko. Hindi ko na ulit siya nasigawan, sa wakas ay napipigilan ko na ulit pagbuhatan siya ng kamay kahit minsan ay badtrip o wala ako sa mood. Ang ganda ng gising ko. Naghanda ako ng buttered fried rice at ilang ulam na paborito ng asawa ko. Habang piniproto ang bacon napatingin ako sa kanya na titig na titig sa 'kin. Para siyang tangang nakangiti pero f**k, ang ganda ng ngiti niya. "Anong nginingiti mo riyan?" Nilapag ko sa mesa ang mga hinanda kong almusal. Umupo siya saka umiling. "Buti naisipan mong magluto ng almusal?" "Para sa akin lang dapat 'to." Naglapag ako ng pinggan sa pwesto ko. "Pero kung gusto mo, kumuha ka." Hin

