"Iwan mo na ako, Tanya! Umalis ka na rito!" Tangina; pasong-paso na akong makita siya. Ngayong binibigay ko na sa kanya ang kalayaan, ayaw niya namang umalis; parang gago talaga. "Hindi iyon ang gusto ko, Rigal. Ano ba? Wag mo namang painiwalaan si Vandol, please..." "Tangina! Hindi ko na alam kung sinong papaniwalaan ko. Sasabog na ang utak ko sa 'yo! Umalis ka na sa harapan ko bago pa magdilim ang paningin ko." Ayokong mapagbuhatan na naman siya ng kamay. The more na nagtatagal siya rito, the more na napapaso ang dibdib ko. Lalo lang akong hindi makahinga sa presensya niya. "Rigal, please... ayoko ng ganito. Ayokong umalis... mananatili ako..." Mariin akong pumikit. Kung ano-ano pa ang sinabi niya na lalo lang nagpasikip sa dibdib ko at gumulo sa utak ko. Pagod na pagod ng ipros

