"Saan ka na naman galing?!" Tinulak ko siya pagkapasok na pagkapasok niya sa pamamahay namin. Wala na 'kong pakialam kung makita niya 'kong umiiyak; sobrang binabaliw niya na ako. Wala talaga siyang pake! Tinignan niya lang ako saka niya kinandado ang pinto. "Saan ka galing, Rigal?!" Mariin kong pinunasan ang mga luha ko sa pisnge. Ayoko ng umiyak pero ang kulit ng mga mata ko, umaapoy sila sa init. "Tangina?" Tinignan niya 'ko na parang gulat na gulat siya. "Napapa'no ka puta?!" Umiling-iling siya saka ako nilagpasan. Dire-diretso siyang umakyat papuntang kwarto namin. Biyak ang puso ko nang pagmasdan siya. Ilang minuto pa 'kong nanigas sa kinatatayuan; gano'n lang? Gano'n lang ang sasabihin niya?! Tumakbo ako para sundan siya. Naabutan ko siya sa kwarto na nakaupo sa kama, nagtatan

