(Flashback) "HAPPY THIRD ANNIVERSARY, MY LOVE." Abot-langit ang sigaw ko habang na sa kotse kami ni Vandol. Patalon-talon ako sa upuan, sinasabayan ang malakas na tugtog namin sa sasakyan. Minsan nga'y nauuntog pa ako ta's mapapatingin sa 'kin ang boyfriend ko saka siya tatawa nang malakas. Tinulak ko siya nang pagtawanan niya na naman ako. "Tanya, wag kang malikot; nagmamaneho ako," sita niya habang tumatawa-tawa pa. Sagad ang ngiti ko sa sobrang galak. Kakagaling lang namin sa isang road trip at pabalik na kami sa Manila. Kung saan-saan nga kami napadpad kanina. In-enjoy namin bawat sulok na madadaanan namin; inabot tuloy kami ng gabi. "Yeah... Na.. na... na..." Sinasabayan ko ang maingay na tugtog sa kotse. Winawagayway ko pa ang kamay ko na parang na sa concert kami. Hinawakan

