"Seval, ano na namang ginagawa mo rito?" Sinundan ko ng tingin si Seval nang dire-diretso siyang pumasok sa bahay namin ni Rigal. Umupo siya sa sofa. Sinilip ko ang labas ng bahay, baka mamaya'y biglang bumalik ang asawa ko't maabutan niya ang kapatid niya rito; baka kung ano na namang masama ang isipin niya. "Nag-away na naman kayo ni kuya 'no." "Ano? Anong sinasabi mo riyan?" Inayos ko ang buhok ko bago sinara ang pinto. Ganoon na ba 'ko kamukhang stress para mapansin niyang hindi kami okay ni Rigal. "Wag mo ng i-deny. Halata kay kuya. Badtrip siya pagdating sa office kanina." Bumuntong hininga ako. Simula kaninang umaga ay wala na talaga kaming kibuan ng asawa ko. Magsasalita lang siya 'pag may kailangan o iuutos siya sa 'kin. Ako nama'y kikibo lang 'pag importante talaga ang

