"San ka na naman galing?" Umawang ang labi ko nang tumayo't siya't lagpasan lang ako. Halos biyakin niya ang puso ko habang pinapanuod ko siyang maglakad paakyat sa kwarto namin, parang wala siyang narinig. "Saan ka kako galing?!" Tumakbo ako paakyat ng hagdan para habulin siya. Nakarating kami sa kwarto't lahat hindi pa rin siya nagsasalita. Nakakunot lang ang noo niya habang tinatanggal ang butones ng polo niya. Bandang huli, siya pa ang yamot; diyaan siya magaling, sa pag-reverse-reverse niyang ganyan. "Ano ba Rigal?! Tinatanong kita kung saan ka galing!" Hinagis niya ang polo sa sahig nang mahubad niya iyon. Napaatras ako nang makita kung gaano kalaki ang katawan niya na isang hampas niya lang sa 'kin ay tatalsik na ako. "Hindi mo alam, Tanya? Hindi mo talaga alam?!" Umatra

