"Tanya, why do you keep changing your number? Hindi na kita ma-contact!" Natulala ako sa mukha ni Vandol habang hindi nawala ang bolang talbog nang talbog sa dibdib ko. Tinignan ko ang entrance ng mall, kinakabahan na baka lumabas bigla si Rigal at makita akong kasama ang ex ko. "And why are you avoiding me? Wala ka na ba talagang planong bumalik sa 'kin?" "Vandol..." Sinubukan kong bawiin ang braso ko mula sa kanya pero humigpit lang lalo ang kapit niya sa 'kin. Tumingin ulit ako sa entrance ng mall. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko; Rigal, please... wag ka munang lumabas. "Bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko ha?! Kinalimutan mo na ba 'ko? Gano'n-gano'n na lang iyon?" "Vandol, please... let me go." Panay ang bawi ko sa braso ko pero ayaw niya pa rin akong bit

