Prologue
Si Savilyn isang babaeng may kakaibang katangian. Bukod sa kanyang inosenteng mukha at magalang na pananalita, nakatago ang totoong ugali na masama. Ayaw nyang nalalamangan, gusto niya laging siya ang bida. Magaling siya mag balat kayo na kunwari mabait pero ang totoo ay punong-puno ito ng galit . Mahuhulog ka sa kanyang matamis na dila na parang ang bait at ‘di kayang manakit.
Magaling siyang mag manipula at magpanggap na parang siya ang totoong biktima.
“ Lyn, kailan ka magbabago? Bakit ba ganyan ang ugali mo? Hindi ka pa na kuntento ginagamit mo ang mga inosenteng tao. Ano ba ang pinaghuhugutan mo? Bakit ganyan na lang kasama ang ugali mo? Hindi ka ba natatakot sa karma? Hindi ka ba natatakot na baka isang araw bumalik sa'yo lahat ng mga ginagawa mo sa iba? Gaano ba kalalim ang sugat diyan sa puso mo, para umabot ka sa ganito? Sino nga ba ang nauna? Saan nga ba itong lahat nag umpisa? Gumising ka na, at isipin ang iyong mga pinaggagawa. Kailan ka magtatanda kapag ba nalaos ka na?” Seryosong tanong sa kanya ng kanyang ate. .
Hindi ito sumasagot pero kita sa kanyang mga mata ang inggit at puot. Alam nyang marami itong pinagdaanang hindi maganda. Pero hindi ito dahilan para maging masama ang ugali niya.