Chapter Twenty Two

2621 Words

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kaya naman kinabukasan ay mukha akong panda. Madaling araw na ay gising pa ako at nang patulog na sana ay siya namang saktong pagkatok ni Ate Kristine sa kwarto ko kaya wala akong nagawa kundi ipagpaliban ang tulog. Matapos maghilamos at subukang magmukhang hindi puyat ay bumaba na ako. Dinatnan ko roon si Ronald na nakaupo sa sala. "Ang aga mo?" Nag-angat siya ng tingin sa akin at hindi na itinago ang mapang-asar na ngisi. "Tanghali na kaya. Alas diez na, oh " inginuso niya ang orasan na nakasabit sa dingding namin. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at dumiretso sa kusina para maghanap ng makakain. Sumunod si Ronald sa akin. "Coffee?" Umiling lang siya kaya naman ang para sa akin lang ang tinimple ko. "Akala ko ba aalis ka ngayon? Bakit ka nandito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD