Hindi ako makapaniwala na nagawa kong sabihin sa kaniya iyon. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin at tanging mabibigat na hininga lang niya ang naririnig ko. Baling bali na ang paniniwala ko noon na ang lalaki ay para sa babae lang. Hindi ako makapaniwala na ako mismo ang babali noon. Lumaki akong siguradong lalaki ang magugustuhan ngunit tignan mo ngayon, ako mismo ang nagsabi kay Jealyn na kami na. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi pa rin nagsasalita ang kausap ko. Kinakabahan ako. Ang tanging nakakapagpakalma sa akin kahit papaano ay ang pakiramdam na kahit tahimik ay kalmado at hindi awkward ang pagitan namin. Ito na marahil ang isa sa pinaka the best na pasko'ng mararanasan ko. "What?" Hindi makapaniwalang usal ng kausap makalipas ang ilang minutong katahimikan. Natawa

