Chapter Twenty

2582 Words
My jaw dropped at her straightforward questions. Hindi ako makapaniwala na sa tanong niya. Kumakabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay iniwan na ako ng tuluyan ng kaluluwa ko. Nakatingin siya ng diretso sa akin samantalang ako ay hindi ko magawang pantayan ang mga titig niya. "I'm..." hindi ko maituloy ang sasabihin. Ang dami-dami kong gustong sabihin pero hindi ko magawa. Parang lahat ng salita sa isip ko ay nagkabuhol-buhol. "I'm not forcing you. I'm sorry kung nagmukhang fino-force kita." She smiled. "Alam ko naman na mahirap para sa iyo ito. Kailan lang nang aminin mo na you like me, and hindi ko alam if you still like me after I left without telling you and constantly ignoring your calls. I mean," nag-kibit balikat siya, "I didn't totally ignored your calls and text. I was just so busy with arranging things dahil kalilipat lang naman ng family namin..." Tumango ako. Lahat ng pangamba noong nakaraan ay parang bulang bigla na lang naglaho. Ang marinig ang mga paliwanag niya ay siyang nakapagpakalma sa akin. "Ang sabi ni Ronald, nag-alala ka raw at palaging nagtatanong tungkol sa akin..." kumunot ang noo. I never asked Ronald about her! What the? "Kaya gusto kong mag-sorry if napag-alala kita. Sana pala ay nag text ako sa iyo noon. Now I regret everything." Tumawa siya habang ako kay hindi pa rin maka-move on sa sinabi niya patungkol kay Ronald. "I..." tinaasan niya ako ng kilay, naghihintay sa sasabihin ko sa kauna-unahang pagkakataon. "I never asked Ronald about you..." mas lalong tumaas ang kilay niya. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi talaga ako komportableng tumitig sa mga mata niyang tila nag-aapoy. Hindi ko alam na posible pala iyon. Na kahit gustong gusto mo ang isang bagay, may mga pagkakataong hindi mo kayang titigan iyon. Gaya ko, gustong gusto ko ang mga mata ni Jealyn ngunit hindi ko magawang titigan ang mga iyon. Parang kinukurot ang puso ko.  "Really?" Tumango ako. "Pero tuwing tumatawag ako sa kaniya, sinasabi niya na kinukumusta mo raw ako? May pagkakataon pa na pinasabi mo raw na miss mo na ako kaya nagpilit akong umuwi rito ngayon kahit na aalis dapat ako kasama ang pamilya." "What? May lakad ka dapat ngayon?" Wala sa sarili siyang tumango. "Eh, bakit ka nandito?" "Ha? Kasi ang ang sabi ni Ronald ay namimiss mo raw ako. Ayoko namang ma-miss mo ako ng bongga kaya nagpaalam ako kina Papa na mamamasyal dito." Hindi ko alam kung magagalit ba ako kay Ronald o matutuwa sa ginawa niya. Ang kaso, napurnada ang lakad niya kasama ang pamilya at hindi maganda iyon lalo na't ako ang dahilan. Huminga ako ng malalim, iniisip kung pauuwiin ba siya o ipagpapatuloy ang pag-uusap namin. Natutuwa ako at kinikilig na nagawa niyang umuwi rito dahil lang sinabi ni Ronald na nami-miss ko siya. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Ronald ang ideyang iyon pero magpapasalamat ako sa kaniya mamaya. "Sandali..." sinundan ko ng tingin ang pagtayo niya. Pumasok siya sa loob ng convenience store at nakita kong bumili siya ng ice cream at saka bumalik dito matapos magbayad. Iniabot niya sa akin ang isa kaya naman nagpasalamat ako at kinuha iyon at agad na binuksan. "You know what?" Tinignan ko siya at inabangan ko ang sasabihin niya. "Ang sarap pala sa pakiramdam ang ganito..." "What do you mean? Kumain ng ice cream? Masarap talaga." Tumango pa ako, ipinapakitang agree ako sa sinabi niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Tinaasan ko siya ng kilay habang halos mawalan na ng hininga kakatawa. "No, I'm sorry. Wait." Sumimangot ako nang hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. May mali ba sa sinabi ko? "Sorry sa pagtawa. Hindi ko lang talaga napigilan kasi nagulat ako." Tumango lang ako. "What I mean is, yes, masarap nga ang ice cream pero mas masarap na kasama kita ngayon." Kumabog ang dibdib ko. Lagi na lang bang ganito? Kakabahan na lang ba ako palagi sa tuwing nandiyan siya? Ngumiti siya sa akin bago inabala ang sarili sa pagkain ng ice cream. Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan siya ng litrato. "Isa pa." Aniya at nag pose. Naka-side ang mukha niya, nakapikit, habang hawak malapit sa bibig niya ang ice cream. Kinuhanan ko siya ng litrato at ipinakita iyon sa kaniya pagkatapos. Ginugol namin ang oras na iyon sa pagkain, pagkuha ng litrato, at pag-uusap. Ikinuwento niya kung bakit kinailangan niyang lumipat ng school at ang mga ginawa niya noong mga panahong hindi niya ako naco-contact. Naalala ko 'yung message na na-received ko galing sa kaniya. Hindi ko pa iyon nababanggit at hindi ako sigurado kung dapat ko pa bang banggitin iyon ngayong alam ko naman na ang mga dahilan niya. Maybe she's just so stress that time kaya nagawa niyang mag-text ng ganoon. Hinatid niya ako pauwi at hindi na siya nagtagal pa sa bahay dahil kailangan din daw niyang umuwi bukas ng madaling araw sa bagong bahay nila para ituloy ang naudlot na lakad kasama ang pamilya. Nagpaalam ako sa kaniya at nagpasalamat. Nag-iwan pa siya ng mga pinamili niyang snacks kanina na akala ko ay para sa kaniya ngunit ibinigay niya sa akin.  Dumiretso ako sa kwarto at itinabi ang mga pagkain at para na rin makaligo. Pagkatapos ay bumaba ako para tulungang mag gawa ng mango float si Ate Lea. "Bakit ang aga mo namang ginagawa 'to?" "Mas matagal sa ref, mas masarap." Aniya habang maayos na inile-layer ang bawat mango. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at tahimik na tinulungan siya. Ang kaso ay palpak daw ang mga gawa ko kaya pinaalis niya ako roon. Imbes na patulan pa si Ate ay umakyat na lang ako sa kwarto at nagkulong. Naisip ko si Jealyn at ang tanong niya kanina. Kahit na sinabi niyang hindi niya ako pine-pressure ay na pe-pressure pa rin ako ng kaunti. Kada naiisip ko iyon ay kumakabog ng malakas ang dibdib ko at hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng mukha. Paano kung sasagutin ko siya? We'll do the things couples do, right? So, magde-date kami? Eat and hangout, watching movies together, chill nights. Is holding hands while walking a requirement to be an effective partner? Kung oo, edi gagawin din namin iyon kung sakaling sagutin ko siya? Napayakap ako ng mahigpit sa unan ko habang iniisip kung ano ang itsura namin ni Jealyn kapag ganoon. She'll say I love you at syempre, ibabalik kor in iyon sa kaniya. Para akong hindi makahinga habang iniisip ang mga gabing palagi kaming magtatawagan, ang mga text messages na ina-update ang isa't isa sa kung anong ginagawa namin, pagpapaalam kung may lakad man... Naputol ang lahat ng iniisip nang biglang tumawag si Ronald. Padabog kong sinagot iyon at tawa niya ang bumungad. "Hello? Yana?" Aniya sa boses na tila kinakalma ang sarili mula sa pagtawa. "What?" Masungit kong usal. Ang chill ko lang na nag i-imagine rito tapos biglang tatawag. "Ang sungit mo naman. Punta ka rito sa bahay? Nandito si Jealyn." Nanlaki ang mga mata ko. "Ano? Sunduin kita?" "Hindi na. Nagkita at nagkausap naman na kami kanina." Naririnig ko ang ingay sa background niya. Mukhang nagkakasiyahan sila. "Sure ka? Nandito rin ang mga kasamahan niya sa journalism, eh. Pati si Marco." What? Napaupo ako sa gulat. Anong ginagawa ni Marco roon? Araw-araw na nag tetext si Marco sa akin at madalas ay hindi ko siya nare-reply-an ngunit kung may pagkakataon naman ay sinusubukan kong reply-an siya. "Si Marco?" Hindi ko maitago ang gulat sa boses ko. Narinig ko ang bahagyang paghina ng ingay. Mukhang lumayo siya sa mga kasamahan. "Yup. Si Marco na manliligaw mo. Hanggang ngayon ba? Ang akala ko ay busted na?" "Oo. Sinabi ko na sa kaniya na magkaibigan lang kami. Ilang beses na pero patuloy pa rin siya sa pag te-text at miminsang tawag na madalas ay hindi ko naman nasasagot." Paliwanag ko. Siguradong kasama si Marco roon dahil kaibigan niya ang iilang miyembro ng journalism at ang alam ko ay maging siya, miyembro rin. "Ano bang meron diyan sa inyo?" "Ah, wala. Nag kita-kita lang kami tapos saktong dumaan si Jealyn pero saglit lang daw siya." Tumango ako kahit na hindi naman niya nakikita. "Babyahe iyan bukas ng madalinh araw dahil may lakad kasama ang pamilya..." Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Ronald. "Updated ka, ha? Ano na ba ang status ninyo?" May panunuya sa boses niya. Naalala ko tuloy ang sinabi ji Jealyn kanina na sinasabi ni Ronald sa kaniya na namimiss ko siya. "Secret. Chismoso ka masyado." "Ang damot. Anyway, 'yung Marco mo, sinasabi rito na mukhang may chance raw siya sa iyo. Totoo ba?" Kumunot ang noo ko. Clearly, hindi totoo ang sinasabi ni Marco sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang intensiyon niya o ang dahilan niya sa kung bakit niya ipinagkakalat na may pag-asa siya sa akin gayong wala naman. "Hindi. Nilinaw ko sa kaniya na magkaibigan lang kami."  "Oh? Eh, bakit ang sinabi niya sa mga kasama namin ay may pag-asa raw siya sa iyo? Na malapit mo na raw siyang sagutin? Narinig pa nga ni Jealyn, eh." Ang inis ay unti-unting namutawi sa akin. Nakilala ko si Marco bilang isang mabuti at gentleman kaya naman hindi ako makaisip ng posibleng dahilan niya sa ginagawa ngayon. "Tawag ulit ako mamaya. Tinatawag ako ni Jealyn, mukhang uuwi na." Tumango na lang ako kahit na hindi niya nakikita. Nang marinig ang tunog na hudyat ng pagputol sa tawag ay agad kong hinanap ang numero ni Marco at nag-iwan ng mensahe roon. Ako: Hi. Can we talk? In person sana. Tumulala ako sa mga bituin sa kisema ng kwarto ko. Dahil maliwanag pa ay mukhang matamlay ang mga ito. Noong makasama ko si Marco ay nakita at naramdaman ko ang kabaitan sa kaniya. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na magagawa niya ang bagay na ganito. Hindi naman big deal kung sabihin niya sa buong mundo na may pag-asa siya sa akin ngunit ang bumabagabag sa akin ay ang huling sinabi ni Ronald. Narinig ni Jealyn ang mga sinasabi ni Marco at hindi iyon nakakatuwa para sa akin. Ano kaya ang reaction ni Jealyn nang marinig iyon? Tumunog ang cellphone ko para sa isang mensahe galing sa kaklase. Binuksan ko iyon at kumunot ang noo nang mabasang nagtatanong siya tungkol sa amin ni Marco. Aniya ay crush daw niya si Marco at gusto niyang linawin kung totoo bang kami na? What the hell? Dahil sa natanggap na mensahe ay tuluyan na akong nainis. Hindi ko na hinintay pa ang reply ni Marco at mabilis na tinawagan siya. Nakailang ulit ako ngunit hindi siya sumasagot kaya naman nag send ulit ako ng mensahe. Ako: May importante akong sasabihin. Busy ka ba? Can we talk? Kahit na alam kong abala siya dahil siguradong nandoon pa sila kina Ronald ay sinubukan ko pa rin siyang tawagan ngunit hindi pa rin sumasagot kaya naman hinayaan ko na. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya bago ako mag conclude. Gusto ko siyang makausap muna bago pa tuluyang mapatid ang pasensya ko dahil nakatanggap ulit ako ng mensahe na halos kagaya lang din nang nauna, nagtatanong kung kami na nga ba ni Marco. Lahat iyon ay rinepyan kong hindi kaya naman lalo lang nila akong tinadtad ng mga tanong. Ang iba ay tumawag pa. Mayroong mga nag te-text at tumatawag na hindi ko kilala ang numero at hindi ko alam kung saan nila nakuha ang numero ko. Nag text si Ronald na nagsasabing umalis na si Jealyn sa kanila. Wala pa akong natatanggap na mensahe mula kay Jealyn at gusto ko man siyang i-text ay hindi naman magawa dahil kinakabahan. Sa tuwing naaalala ko ang tanong niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa nasasagot ay kinakabahan ako. Para akong bulateng binudburan ng asin at hindi mapakali. Muling naglibot ang isipan ko sa kung paano kami ni Jealyn kung sasagutin ko siya. Kung malambing at maalaga na siya ngayon, paano pa kaya kung kami na? Magagawa ko kayang maging malambing din sa kaniya? Ang lakas ng tama ko kay Jealyn, leche. Halos mapamura ako nang biglang tumunog ang cellphone ko oara sa isang tawag. Inis pa ako noong una dahil naputol ang mga iniisip ko ngunit nang makita kung sino iyon ay tila na blanko ako. Para akong na mental block. Sa nanginginig na kamay ay sinagot ko ang tawag ni Jealyn. "Hi..." salubong niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, narinig pa lang ang boses niya. "Hello. Nakauwi ka na?" Kinagat ko ang labi ko at pilit na pinakalma ang sarili.  Pakiramdam ko ay namumutla na ako dahil sa sobrang kaba. "Yup. Kauuwi ko lang. Galing ako kina Ronald kanina." "Yeah. Sinabi nga niya.." now what, Yana? Hindi ako makaisip ng idudugtong sa sasabihin. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin na hindi rin naman nagtagal dahil sa bahagyang tawa niya. "Bilis ni Ronald, ah? Sinabi rin ba niya na ipinagkakalat ng Marco mo na malapit ng maging kayo?" May panunuya sa boses niya. Bahagya akong nainis ngunit mas namumutawi ang kaba at kilig. Nagseselos ba siya? "Marco ko?" Sige lang, Yana. Magpanggap ka lang na walang alam. "Yeah. Marco mo. Bakit? Hindi ba?" Kahit anong subok ay hindi ko mapigilan ang ngiti. "Hindi, Jealyn. Iba ang nagmamay-ari sa akin..." hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko ngunit ito ang pilit na isinisigaw ng puso ko. It's not bad to follow my heart sometimes, right? Sigurado naman ako at masaya. Hindi ko malalaman kung ano ang maaaring mangyari kung hindi ko susubukan kaya naman kahit na sigurado ngunit may takot ay itutuloy ko pa rin. Natahimik ng ilang sandali ang kausap ko. "Jealyn?" Hindi siya nagsalita kaya naman tinignan ko kung nandoon pa ang tawag at nandoon pa naman.  "Teka. Nabingi yata ako. Anong sinabi mo?" Aniya makalipas ang ilang sandaling katahimikan. Tumawa ako.  "Ang sabi ko, may ibang nagmamay-ari sa akin at hindi si Marco iyon." Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na umabot na sa puntong masakit na ito. Pakiramdam ko may c***k na ang mga ribs ko dahil palagi na lang akong kinakabahan. Nanlalamig din ang mga kamay ko at namamanhid. Hindi pa man ay para na akong hihimatayin sa kaba. "Kung ganoon, pareho pa la kaming walang pag-asa sa iyo?" Bulong niya. May kirot akong naramdaman nang maisip si Jealyn na nakasimangot dahil lang nalaman na wala siyang pag-asa sa akin. Tumawa ulit ako para maibsan kahit papaano ang kaba. "Nope." "Eh ano? Ang sabi mo ay may ibang nagmamay-ari sa iyo. Sino iyon? Papaupakan ko." Hindi ko na naigilan ang pagtawa ng malakas dahil sa huling sinabi niya. Hay nako, Jealyn. "Upakan mo na sarili mo, kung ganoon." Abot langit ang kaba ko at parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. "Ha?" Hindi ko alam kung narelax ako o lalong kinabahan sa sinagot niya. Ang tindi ng paghahanda ko para lang masabi iyon sa kanya pero 'ha' lang ang isasagot niya? "Ang sabi ko, may sagot na ako sa tanong mo kanina."  "Ano? Wait iinom muna ako tubig baka himatayin ako, eh." Narinig ko ang tunog ng bawat galaw niya, pati na rin ang pag-inom ng tubig. "Okay game." Aniya matapos ang ilang sandali. Huminga ako ng malalim. This is it. Wala ng atrasan ito. Sabi nga ni Ronald, it's now or never. Kahit nanginginig sa kaba ay nilakasan ko ang loob ko para lang masabi ang nararamdaman sa kaniya. Alam kong malaking hakbang ang gagawin ngunit gusto ko ito at papanindigan ko ito. "Okay... girlfriend mo na ako, Jealyn."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD