Walang gana akong naglalakad habang hawak ni Ronald ang kamay ko. "Ano ba, Yana?" Inis na bulong niya habang patuloy na tinitignan sina Jealyn na ngayon ay naglalakad na papasok ng mall.
Hinatak ako ni Ronald paupo at pilit na nagtago sa likod ng isang malaking paso malapit sa entrance dahil napahinto roon sina Jealyn. "Gusto mo bang malaman kung sino 'yung kasama niya?" Tumango ako. "Edi huwag kang maingay at sumunod ka na lang sa mga sasabihin ko!"
Umupo na lang ako at tumulala sa mga taong pumipila sa mga rides. Kitang kita ko rin ang ferris wheel mula rito kaya naman inilabas ko ang cellphone ko at sinubukang kuhanan iyon kaso ay humahanap pa lang ako ng anggulo, bigla na lang akong napatayo dahil sa paghatak ni Ronald.
"Ano ba?" Inis kong usal habang pilit na binabalanse ang sarili dahil sa biglaang paghatak niya. Napatayo ako ng maayos at nagpanggap na parang walang dahil napatingin ang mga taong dumadaan sa itsura ko. Yumuko at tumikhim. Bwisit na Ronald 'to.
Pagkapasok ay walang segundong sinayang si Ronald at agad akong hinatak, sinusundan kung saan pumunta sina Jealyn. Lahat ng pasukang stores nina Jealyn ay pinapasukan din namin o kung masyadong halata ay naghihintay lang kami sa labas, nakatago sa likod ng basurahan, pader, o mga pasong malalaki.
Pagod na pagod na ako sa mga paghatak ni Ronald pero wala akong magawa dahil desidido talaga siyang malaman kung sino 'yung kasama ni Jealyn. Kahit sa malayo ay kitang kita ang makinis at maputing balat ng babae, idagdag pa na naka pula siya at shorts kaya lalong tumingkad ang kulay niya.
Ang mahabang buhok ng babae ay sumusunod sa bawat galaw niya. Pasimple kong hinawakan ang buhok kong pakiramdam ko ay naninigas at sagana sa split ends.
"Tama na. Pagod na ako. Suko na ako" hingal na hingal na usal ni Ronald habang pabagsak na umupo sa sahig. Umupo rin ako sa tabi niya. Naiwala niya si Jealyn at sinubukang hanapin kanina ngunit dahil siguro sa pag-ikot ikot namin ay sumuko na siya.
"Akala ko hanggang mamaya pa natin sila susundan." Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Bakit? Gusto mo pa ba silang sundan? Hmm?" Hindi ako kumibo. Hindi ko alam. Gusto kong malaman kung sino at ano niya ang babaenh kasama niya but It'll sound possessive, right? Wala naman kaming relasyon ni Jealyn bukod sa pagkakaibigan at ang kaibigan at hindi dapat possesive sa kaibigan niya. We should let our friends have other friends.
"Tara." Nagulat ako ng akmang tatayo siya. Agad ko siyang hinatak pabalik at inilingan. "Huwag na! Pagod na ako. At isa pa..." kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin.
"Isa pa ano?"
"Uhh, kung gusto naman niya na makilala natin, I mean, ikaw," dahil mukhang ayaw naman niya akong kausap, "ipapakilala naman siguro niya sa iyo 'yung babae, hindi ba?"
Natahimik siya. Nagtitigan kami ng ilang sandali. Kitang kita ko ang concern at lungkot na magkahalo sa mga mata niya. Why? Masyadong intense ang mga tingin niya kaya hindi ko kinaya. Nag-iwas ako ng tingin, tumingala, sinusubukang pabalikin ang mga nagbabadyang luha.
Why am I feeling this way, anyway? Magkaibigan lang kami so I sould be happy for her, right? Especially if she already found the one. Magkaibigan kami at hindi ko alam pero parang hindi iyon sapat sa akin.
"What do you want to do now? Uwi na o laro pa?" Why do I feel like he's asking if I'll still fight or I'll announce defeat? Ang simple ng tanong niya pero iba ang naiisip ko. "Yana... cheer up. Magpa-pasko na, oh." Ang presensya ni Ronald ngayon sa tabi ko ay nakatulong sa pagkalma ng magulo kong sistema.
I tried to smile. Ayokong malungkot siya dahil nalulungkot ako. "I'm happy naman, ah?" I even faked a laugh para lang ma-justify ang sinabi ko. But no matter how I try to fake it, I know he will know what I truly feel.
"I'm sorry..." nagulat ako ng bigla na lang akong nakakita ng luhang pumatak mula sa mga mata niya. Agad niyang pinunasan ang mga iyon ngunit huli na. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. "Kung hindi kita pinilit na sundan si Jealyn, sana hindi ka malungkot ngayon, hindi ba?"
Umiling ako. "No. It's not your fault, okay? Don't pity me, please. I hate it." Nag iwas muli ako ng tingin dahil damang-dama ko na ang bukol na bumabara sa lalamunan ko.
"If I didn't force you na gumala ngayon, hindi sana natin sila nakita." We ended up going home that day.
Pagkauwi ay nag-stay pa ng ilang oras si Ronald dahil nagyaya si Ate Kristine na manood ng isang bagong release na movie. Dahil sa pamimilit ni Ate ay walang nagawa ang kaibigan kundi ang manood na rin.
Umupo ako sa pang-isahang upuan habang si Ronald ay nasa lapag, kumakain ng fries. Panay ang lingon niya sa akin. Kung hindi aalukin ng fries ay inumin naman ang iniaabot kaya tinatawanan ko na siya. He's being extra sweet just because he thought he's at fault kaya ako malungkot.
I'm not that sad naman. I mean, I feel so curious about the girl earlier and the fact na hindi tumatawag si Jealyn o kahit mag-text man lang ay lalo kong naiisip na that girl must be special to her.
"Alam niyo, kung hindi ko lang kayo nakitang lumaki ng magkasama, iisipin kong mag jowa kayo ngayon." Ani Ate Lea habang nakatitig sa amin. Isiniksik kasi ni Ronald ang sarili niya sa inuupuan ko kaya naman pinagkakasya namin ngayon ang mga sarili sa isang maliit na upuan.
"Kadiri, Ate." Ani Ronald na siyang ikinatawa ko.
"Picture-an ko kayo." Agad itinaas ni Ate Kristine ang cellphone niya at itinutok iyon sa amin. Mabilis kong isinandal ang ulo ko sa balikat ni Ronald at nag peace sign. Naka ilang kuha rin si Ate at iba-iba ang pose namin. Mayroong wacky, serious, at mayroong nakayakap kami sa isa't isa.
While doing that pose, Ronald leaned closer, trying to whisper kaya naman mas lalo ko ring inilapit ang sarili. "Happy ako na makita ulit ang mga ngiti mong totoo."
Hindi ako nakapagsalita. Nang kumalas ay mabilis kong in-excuse ang sarili ko. Patakbo kong inakyat ang hagdanan patungo sa kwarto at agad na nagkulong doon. Hindi ko pa man nasasarado ng tuluyang ang pintuan ay mabilis ng nagsipatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Bakit ba kasi ang hirap magmahal?
Noong hindi ko matanggap na nahulog ang damdamin ko kay Jealyn ay nahirapan ako at nalungkot. Ngunit bakit ngayong tanggap ko na ay ganito ang nangyayari? Kung kailan handa na ako, saka naman siya lumayo. Pakiramdam ko ay nasa dulo ako ng isang kwebang madilim, malamig.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiyak. Basta ang malinaw sa akin ay mahapdi na ang mga mata ko at nagbabara na ang ilong ko pero hindi pa rin nagpapapigil ang mga luha ko sa pagtulo.
Nakatulog akong umiiyak. Paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko at ayokong tumayo. Pakiramdam ko ay lalagnatin ako. Kahit gusto pang matulog dahil sa sakit ng ulo ay pinilit kong kuhanin ang cellphone ko at tinignan kung may importanteng mensahe ba roon.
As usal, pangalan ni Marco ang una kong nakita kaya naman iyon agad ang binasa ko at nag reply na rin ako.
Marco:
Good morning. Don't forget to eat your breakfast.
Me:
Morning.
Ronald has a message, too pero tungkol lang iyon sa pag-uwi niya kagabi. Tinignan ko lahat ng messages ngunit hindi ko nahanap ang pangalan ni Jealyn.
Last night I prayed na sana paggising ko ay may matanggap akong good news and the good news that I really want right now is seeing Jealyn's name on the top of my inbox pero wala.
Ibinaba kong muli ang cellphone at nagpasyang itulog na lang ang lahat ng nararamdaman. Tanghali na nang muli akong magising at dahil lang iyon sa isang malakas na katok sa pintuan ko.
Nabawasan na kahit papaano ang sakit ng ulo ko ngunit inaantok pa ako. Hindi ko sana papansinin ang kumakatok kaso ay sunod namang tumunog ang cellphone ko. Padabog kong tinignan iyon at nakitang si Ate Lea ang tumatawag.
Ano bang problema ng mga ito? Pinatay ko ang tawag niya at pumikit ulit. Kaso ay mas lalong lumakas ang pagkatok kaya naman wala na akong nagawa. Pinilit kong tumayo at padabog na binuksan ang pinto ngunit tila nawala ang kaluluwa ko nang makita kung sino ang nandoon.
Ang mahabang itim na buhok ay napakapamilyar sa akin. Pati ang ngiting ipinapakita ang mga ngiping pang toothpaste commercial ay sobrang pamilyar. Kumurap-kurap ako at kinusot pa ang mga mata, iniisip na panaginip lang ito.
"What?" Aniya at tumawa. Napatitig ako sa kaniya at halos mawala lahat ng dugo sa katawan ko nang kumindat siya habang nakangiti. Oh my heart... "Ilang linggo lang akong nawala, parang gulat na gulat kang makita ako, ah?" Aniya sa isang mapang-asar na tono.
Jealyn wearing a black t-shirt and tattered pants is standing in front of me no with her iconic smile. Her looks changed. Her hair grew longer and her skin was whiter than before but her eyes remains the same.
"Missed me?" Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa harap ko, ngingisi-ngisi na tila walang nangyari. She's smiling like she never left without telling me. She's smiling like she didn't ignored my calls and text messages before. She's smiling like she's did not went on a date yesterday.
Acid-like liquid filled my stomach and heart. Mahapdi. Masakit. It breaks my heart seeing her here, smiling while I still remember vividly everything she did.
"What are you doing here?" Usal ko nang makabawi.
Tumaas ang kilay niya. "Why? You don't want me to be here?"
Gusto ko. Gustong gusto. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang mga ngiti niya.
Even after everything you did, my heart still beats for you. Kahit siguro isang taon mo pa akong ignorahin, titibok pa rin ng mabilis ang puso ko para sa'yo, Jealyn.
"I like it when you're here..." pabulong at hindi makatingin sa kaniya ng diretso kong sinabi. Narinig ko ang mumunting tawa niya bago ako hinatak para sa isang yakap. Kumalabog ang dibdib ko at hindi ako makahinga.
"I missed you, too." Bulong niya.
"Kumain na muna kayo." Sa gulat ay naitulak ko si Jealyn ng wala sa oras. Napaatras kaming pareho at sabay na napalingon kay Ronald na nakatayo malapit sa hagdanan habang nakahalukipkip at nakangisi.
Pinamulahanan ako ng mukha at parang gusto kong magpalamon na lanh sa lupa. Tumikhim ako, sinusubukang pakalmahin ang puso kong gusto na yatang kumawala sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay kung magtutuloy-tuloy ang ganito kalakas na pagtibok ay mababali lahat ng ribs ko.
"Ayaw niyong kumain? Sabagay mukhang makita niyo pa lang ang isa't isa ay busog na kayo." Ani Ronald nang walang magsalita sa amin ni Jealyn. Nagkibit balikat siya habang pababa ng hagdan.
Hindi ako makatingin kay Jealyn kahit na ramdam ko ang mga titig niya sa akin. "Uh, baba na tayo." Usal ko at patakbong bumaba, hindi na siya hinintay pa.
Dinatnan ko sa hapag si Ronald na agad nakangisi sa akin. Lumipat ang tingin niya sa likod ko at mas lalong lumawak ang ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin nang bumalik ulit sa akin ang mga mata niya pero hindi siya nagpatalo.
Hanggang sa pag-upo ko sa tabi niya ay nakakalokong tingin ang ipinupulok niya. Dumating si Ate Lea at pinaupo si Jealyn sa harapan ko. "Huwag kang mahihiya. Kumain ka ng marami. Ang petite mo." Ani Ate habang tinitignan ang katawan ni Jealyn.
"Payat lang tignan yan, 'te pero kapag hinampas ka niyan, siguradong lubog hanggang hypodermis mo." Usal ko
"Wow ha? Ano 'yung hypodermis? Saka bakit mo alam na malakas manghampas si Jealyn? Hinampas ka na ba niya?" Sabat naman ng bida-bidang Ronald.
"Shut up."
Napuno ng asaran at pikunan ang hapag dahil kay Ronald. Mukha namang masyadong sinunod ni Jealyn ang sinabi ni Ate na huwag siyang mahihiya dahil siya ang pinakamalakas na mang-asar.
Mabuti na lang ay nagawa kong tiisin ang dalawa at hindi ako nag walk out sa sobrang inis at kahihiyan. Masyado nilang sinasamantala ang nararamdaman ko.
"Can we talk?" Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang biglang magsalita si Jealyn sa gilid ko. Nandito kasi ako ngayon sa kusina, katatapos lang maghugas ng plato nang bigla siyang lumapit.
"Sure." Ngumiti pa ako upang maitago ang nararamdaman. Nauna siyang maglakad palabas at nakasunod lang ako. Nagulat ako nang magtuloy-tuloy siya palabas ng gate at kumaway lang kay Mama na nasa tindahan. "Ipinagpaalam na kita. Sa convenience store tayo, ayos lang ba?" Tumango ako.
Nang buksan niya ang pintuan ng kotse para sa akin ay parang gusto kong umatras. Hindi ko alam kung kakayanin ko ba na mapag-isa kami sa loob ng maliit na sasakyan.
Pagpasok ko ay mabilis siyang umikot at sumakay rin. Walang nagsalita s aming dalawa hanggang sa makarating na kami sa convenience store. Mabilis akong bumaba dahil pakiramdam ko ay kailangan ko ng sariwang hangin. Huminga ako ng malalim habang hinihintay siya sa labas.
Umupo ako sa isang upuan sa dulo at siya naman ay dumiretso sa loob. Kita ko ang pakikipagtawanan niya sa cashier na animo'y matalik na magkaibigan. Napangiti ako. The Jealyn I know is back. 'Yung Jealyn na palakaibigan at palangiti.
Nang makabalik ay agad niyang iniabot sa akin ang chocolaye ice cream na binili. "Thanks." Usal ko.
"That's nothing compare to what you did to me.." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You accepted me."
"Ofcourse, bakit naman hindi kita matatanggap? I told you, I'm not against the LGBT community."
Nag-iwas siya ng tingin. Kumagat ako sa ice cream. Ngumiti siya sa akin. "And thank you for accepting yourself, Yana. I know nahirapan ka but you did it, anyway. Nagawa mong tanggapin at mahalin ang sarili mo at masaya ako dahil doon."
Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya habang siya ay titig na titig sa akin, patuloy na sinasabi ang mga salitang mukhang matagal niyang kinimkim. "I want you to know na I still like you. Mahal na nga yata, eh." She laughed. "Yana, can I ask you a question?"
Her serious voice is like an enchantment. "What is it?" Kahit kinakabahan ay pinilit ko pa ring magsalita.
Huminga siya ng malalim. "Will you be my girlfriend?"