Chapter Eighteen

2017 Words
It's been a week since I received that message from Jealyn at isang linggo na rin noong last na pumunta si Ronald dito. Wala tuloy akong mapagsabihan ng mga naiisip ko. But that's alright. Ronald's situation is worse than mine. If he wants to take a 'me time', I support him. Bored na bored na ako rito sa bahay. Gising-kain-nood-higa-repeat ang routine ko araw-araw. Minsan ay lumalabas kasama sina Ate at minsan ay nagbabantay sa tindahan na siyang pinakagusto ko dahil nakakakain ako. Wag nga lang papahuli kay Mama. "Hindi ganyan! Araw-araw na lang nating nilalaro 'to tapos hindi mo pa ma-gets!" Natawa ako ng mag-away ulit ang mga batang naglalaro. Nandito ako sa tindahan ngayon, nagbabantay habang pinapanood ang mga bata. Wala rin naman akong ibang gagawin at lakad dahil wala namang nagyayaya. Wala ngang nag te-text sa akin kahit na si Marco man lang kung ayaw akong kausapin ni Jealyn. "Habulan na lang!" Sigaw ng isang batang lalaki na kadarating lang. Nakikita ko pa lang ay alam kong amoy na amoy na sa balat niya ang pawis. "Ayaw namin. Hindi ka naman namin bati!" Nagulat ako ng isnaban ni Kulot ang bata. Nag-asaran lang sila. "Oh, sige!" Sigaw ko nang may maisip. "Mag bring me tayo. Ang premyo, limang pisong lollipop!" Wag lang papahuli kay Mama. Mabilis na tumakbo palapit sa akin ang mga bata. Lahat sila ay may malalawak na ngiti sa mukha at kitang-kita ang sigla sa kanilang mata, kabaligtaran marahil ng mga pinapakita ng aking mga mata. "Sigurado 'yan, Ate Yana, ha? Baka mamaya kami mapagalitan kay Mama mo." Usal ni Kulot na siyang pinakamalaki sa lahat pero siya ang nasa pinakaharapan. Tumango ako. "Promise. Ako ang magbabayad ng premyo, wag kayong mag-alala." Nasigawan silang lahat dahil sa sinabi ko. Napatingin ako sa diretso at saktong lumabas naman si Paolo mula sa kanila. Mukhang may practice game dahil naka uniporme siya. Tinanguan niya ako kaya ganoon din ang ginawa ko. "Yieeh, ligaw mo nga si Kuya!" Nagulat ako sa biglaang sigaw ni Kulot. Hindi gaya noong nakaraan na tinatanong pa niya ako kung ligaw ko raw ba ang kuya niya, ngayon ay tila siguradong sigurado na siya sa sinasabi. "Kung sabagay ay maganda ka naman. Pwede ka na siguro. Pasado ka na sa akin bilang magiging asawa ni Kuya!" Hindi ko na napigilan at natawa na talaga ako ng malakas. Sinamaan ako ng tingin ni kulot na siyang lalong nagpatawa sa akin. Ang malalaking mata niya ang dahilan kung bakit mukha siyang manikang galit. "Ang bata-bata mo pa, alam mo na ang pag aasawa? Ilang taon ka na ba?" "Seven! Nakikita ko iyon sa tv. Hindi ba ganoon? Kapag niligawan mo ang isang tao ibig sabihin, gusto mo siya maging asawa?" Natahimik ako. "Ang sabi ni Kuya, huwag mong ligawan kung hindi mo nakikita bilang asawa ang isang tao kaya ikaw Ate, nakikita mo ba si kuya bilang asawa mo? Ligaw mo siya hindi ba?" Tingin ko may sumanib na kung ano sa katawan ni Kulot at ganito ang mga sinasabi. "Hindi ko nililigawan ang Kuya mo, kulot." Mahinahon kong sabi, sinusubukang ipaliwanag sa kaniya ng maayos ang gustong iparating. "Hindi ko naman sinabing ikaw nanliligaw kay Kuya! Lalaki ka ba? Lalaki lang kaya ang nanliligaw!" What the hell? "Ah, basta!" Sabi ko na lang dahil alam kong hindi ako mananalo kay kulot. "Sasali ka ba sa laro o hindi? Ang dami mong sinasabi." "Syempre sasali. Ako nga pinakamagaling sa bring me, eh." "Ang yabang mo, Kulot! Bagal mo namang tumakbo." Anang isang batang hindi ko alam ang pangalan. Sinaway ko sila at sinimulan na ang laro. Una kong pinadala ay slipper na red at halos lahat sila ay nakapagdala naman. Hindi ko alam paano ko pipiliin ang mananalo sa larong ito pero bahala na.  Nakakailang laro na kami at mukhang pagod na rin sila pero walang nag rereklamo. That's how life works. Paulit-ulit ang ginagawa. Pabalik-pablik ka lang, paikot-ikot pero kahit anong pagod ang nararamdaman mo, nagpapatuloy ka pa rin. Ang iilan sa mga bata ay umayaw na dahil tinawag ng mga nanay nila. Si Kulot ang ang tatlong batang babae na lang ang natira sa kaninang pitong bata na naglalaro.  Dumating si Paolo at tinawag si Kulot ngunit hindi sumunod ang bata kaya hinayaan na lang niya. Binati niya pa ako ng magandang hapon kaya naman ibinalik ko rin ang bati. Hindi kami close ni Paolo pero nagkakausap naman minsan. "Pabili." Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Ronald sa harapan ko. Tawang-tawa siya sa reaction nakuha niya mula sa akin. "Kumalma ka. Ako lang 'to." Aniya Ang dating itim niyang buhok ay naging blonde na. "Bakit ka nagpakulay?" Sinalubong ko siya sa may pintuan. Narinig ko pang binati ni Mama ang buhok niya nang lumapit ito para mag mano. "Bagay mo ang kulay. Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tumawa si Ronald. "Na-busy lang po, Tita. Kayo naman napaghahalataang miss na miss ninyo ako!" Umiling lamang si Mama at pinakawalan na si Ronald. Agad namang lumapit sa akin ang kaibigan at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. "Okay na..." bulong niya na hindi ko agad nakuha. "Okay na ang?" Nasalo ko ang kamay niya bago pa niya ako mahampas. Oh, kilalang-kilala kita, Ronald. "Biro lang. Masaya ako para sa iyo." Nginitian ko siya at niyakap ulit. Life, no matter how hard it is, siguradong makakatanggap pa rin tayo ng mga 'kaginhawaan' at hindi lang puro sakit. That's what I just realized right now. Ronald has been suffering for years now at saan siya dinala ng pagtitiis at paglaban niya? Sa premyong matagal na niyang minimithi. Samantalang ako ay wala pa yata sa kalahati ang mga paghihirap ko para lang makuha ko ang gusto ko. "By the way, na-contact mo na ba si Jealyn? Panay ang tawag sa akin, eh." Umupo siya sa inuupuan ko kanina. "Liana, papagmiryendahin mo si Ronald!" Sigaw ni Mama mula sa labas. "Opo!" Mabuti pa siya ay naalalang pagmiryendahin samantalang ako na kanina pa nagbabantay rito ay hindi man lang naalalang kamustahin kung buhay pa ba. "Halos araw-araw yata ay tumatawag at nag tetext ang babaing 'yun. Minsan ay hindi ko na lang rinereplyan dahil paulit-ulit lang ang mga tanong..." Dumating ang batang babae na siyang nanalo sa palaro kanina. Matapos iabot ang tinapay at softdrinks kay Ronald ay iniabot ko naman ang limang lollipop na pangako ko sa mga bata. "Ano 'yun?" Inginuso ni Ronald ang mga candy'ng binigay ko lang. "Ah, nagpalaro kasi ako kanina. Premyo niya 'yun." Tumango lang siya at nagsimula ng kumalit ulit. Masaya ako na nakabisita na siya rito matapos ang isang linggo pero hindi ko alam kung bakit nawalan ako bigla ng gana. Pakiramdam ko ay gusto kong magkulong at matulog na lang. "...Ang sabi pa pala ni Jealyn, susubukan daw niyang pumasyal dito bago o pagkatapos ang pasko. Hindi ba talaga siya nag memessage sa iyo?" Inilingan ko lang si Ronald at pilit na ngumiti. "Hayaan mo, sasabihan ko siya. Ang gulo niyong dalawa..." "Huwag na, Ron. Kung gusto niyang tawagan o itext ako, sana kusa niyang gawin at hindi dahil sinabi mo lang." Naalala ko na naman ang huling mensahe niya. Hindi ko iyon binanggit kay Ronald at kahit kanino man. At simula rin noon, tinigilan ko na rin siyang i-text. If she wants to communicate with me, sana ay matagal na niyang ginawa, hindi ba? Kaso hindi. Sinabihan pa nga akong huwag ng tumawag sa kaniya dahil abala siya. Ni hindi nga siya nakapagpaalam noong umalis siya. "Sabagay, pareho kayong babae kaya pareho kayong mahirap intindihin..." hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi ni Ronald. Bahalansiya diyan. Iniinggit lang ako na sa kanya ay nagtetext at tunatawag si Jealyn habang sa akin ay hindi. Kinuha ko ang cellphone ko para sana mag selfie na lang kaso ay nakita kong may mensahe si Marco roon. Binasa ko iyon ngunit typical na pagbati lang niya. Mula umaga,tanghali, hapon, at hapunan ay bumanati siya sa akin at minsan ay nagtatanong kung kamusta ang araw ko. Dahil bored ay rinereplyan ko siya paminsan-minsan ngunit iniiwasan ko na maattach. Napag-usapan naman na namin ang tungkol sa kung ano ang estado namin at nilinaw ko ulit sa kaniya na magkaibigan lang kami. "Hello?" Napaangat ako ng tingin kay Ronald. Nagkasalubong agad ang mga tingin namin. "Nandito kina Yana, why? Uuwi ka?" Paulit-ulit na ganoon ang nangyayari sa araw-araw. Pupunta si Ronald, tatambay kami sa bahay o hindi kaya ay sa convenience store, magpapalipas oras sa social media. Nakahiligan ko na rin ang pagpapalaro sa mga bata at tuwang-tuwa naman sila dahil sa mga candy'ng pinamimigay ko. Minsan ay napagalitan pa ako ni Mama dahil akala niya ay kumukuha ako ng walang bayad. Ipinaliwanag ko sa kaniya na nagbabayad ako kaya naman natahimik na rin siya. "Ilang araw na lang, pasko na. Mamimili kami bukas ng Papa niyo. Anong gusto ninyong handa?" Isang gabi, habang kumakain kami ay naglilista si Mama ng mga bibilhin para sa pasko. Mabilis na sinabi nina Ate ang mga gusto nila ngunit hindi ako nakisabay. Pakiramdam ko nga ay hindi ako excited sa pasko hindi gaya nang mga pasko'ng nagdaan kung sana ako pa mismo ang nagpepresinta na mamili. Mabilis na lumilipas ang mga araw at habang tumatagal ay lalo lang akong nawawalan ng gana. Hindi pa ulit nakakabisita si Ronald dahil mas naging abala siya sa pasko. Nagkabaligtad yata kami. Noon ay siya lagi ang hinahatak ko para lumabas dahil ayaw raw niya sa pasko samantalang ngayon ay ako ang nandito, nakakulong sa kwarto habang abala ang lahat sa pagbili ng mga regalo at handa. "Sige na kasi. Sa twenty, kain tayo sa labas. Siguradong twenty four hanggang twenty five ay pareho tayong busy kaya hindi tayo nagkikita." Nakahiga ako sa kwarto habang nakalapag sa tabi ko ang cellphone. Katawagan ko si Ronald at naka loud speaker lang iyon. Tinitigan ko ang kisameng puno ng mga glow in the dark stars na pinagdidikit ko noong isang araw. Tuwing umuulan kasi ay hindi ako nakakalabas at hindi ko nagagawang pagmasdan ang mga bituin kaya naisipan kong ilagay ang mga iyon. "Kung hindi ka sasama ay hindi kita kakausapin buong taon next year." Pumayag na lang ako kahit na hindi ko talaga feel lumabas. Kung saan kami kakain ay hindi ko alam. Ipinaubaya ko na lang iyon sa kaniya at dahil masaya raw siya, sagot niya ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko na-survive ang pagkainip ko sa nagdaang mga araw. Mamaya na ang alis namin ni Ronald kaya naman nagpaalam na ako kina Mama. Mukhang nakausap na rin naman sila ni Ronald dahil alam nila kung ano ang gagawin ko kaya ipinagkibit balikat ko na iyon. "Magpapabili ako ng pambalot ng regalo. Nagkulang 'yung mga binili ko noong una." Tinanguan ko lang si Ate.  Sinundo ako ni Ronald at dumiretso kami sa mall. Dumiretso kami s aisnag fastfood chain at doon kumain. Ayaw sana namin dito ngunit wala kaming choice dahil puno ang mga nauna naming napili. Pagkatapos kumain ay dumiretso kami sa parke sa likod ng mall. "Sarap yata sa bagong taon diyan..." itinuro niya ang malaking ferris wheel sa harapan namin. Mahaba ang pila sa halos lahat ng rides dito kaya naman naupo lang kami ni Ronald. At isa pa, mukhang wala rin naman siyang balak sumakay. "Kung kayang sasakay ako diyan sa katapusan, anong oras kaya magandang sumakay para eksantong alas dose ay nasa tuktok ako?" Nagkibit balikat ako. Luminga ako sa paligid at kumunot ang noo ng makita ang familiar na mukha. Tinitigan kong mabuti ang babaeng naka kulay pulang crol top at high waisted shorts na tinernohan niya ng puting sneakers. "Ronald..." kinalabit ko ang kasama habang patuloy na tinititigan ang babae. Nakatayo iyon malapit sa isang rides na hindi ko alam ang tawag. May kasama itong babaeng mahaba ang buhok at maputi. "Si Jealyn ba iyon?" Bulong ko. Naramdaman kong tumayo ang kasama kaya naagaw niya ang atensyon ko. Kunot noo niyang tinitignan ang itinuro ko. Ilang minuto bago siya tumango ng wala sa sarili. "Si Jea nga. Sino 'yung kasama niya? Girlfriend niya?" Wala sa sarili niyang usal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD