Chapter Seventeen

2336 Words
"She's not answering my calls." Walang gana kong tinignan si Ronald na nakaupo sa harapan ko. Nandito kami sa convenience store at sinusubukan kong tawagan si Jealyn. Dito napiling tumambay ni Ronald dahil maingay sila Ate sa bahay at isa pa, ayos na rin sa akin dahil baka malaman pa nina Ate ang tungkol kay Jealyn. "Try mo ulit. Baka busy lang." Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Tinawagan ko ulit at mas lalo lang akong nadismaya nang hindi niya ulit iyon sinagot, gaya ng mga nauna kong tawag. Hindi ko alam kung may problema ba siya sa akin kaya tila iniiwasan niya ako o talagang busy lang siya. Kanina naman ay nakatawag siya kay Ronald pero bakit ako ay kahit text, wala? At hindi pa niya sinasagot ang mga tawag ko. Huminga ako ng malalim habang inilalapag ang cellphone ko sa mesa. Nakatitig lang si Ronald sa akin. Umiling ako sa kaniya at dumukmo. "Baka busy nga lang. Try mo na lang again later." Ginaya pa niya ang tono at boses ng pananalita ng phone operator or kung ano mang tawag dun. Tawang-tawa siya sa ginawa samantalang ako ay nanatiling nakadukmo.  "Tumawa ka girl! Nag e-effort akong magpatawa rito samantalang no react ka diyan?" Hindi ko na lang siya pinansin. I'm sad. Ganito pala ang pakiramdam kapag tila iniiwasan ka ng isang taong malapit sa iyo, ano? Kung dati pa lang ay nalaman ko na na ganito pala kahirap, sana hindi ko na lang ginawa kay Jealyn noon. Now I understand the saying 'nasa huli ang pagsisisi'. Iyon mismo ang nararamdaman ko ngayon. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Jealyn noong iniiwasan ko siya? Ano kaya ang mga tumakbo sa isip niya? Nakaramdam ba siya ng inis gaya ng unti-unti kong nararamdaman ngayon? Nag angat ako ng tingin ng biglang tumayo si Ronald. Nakatingin siya sa loob ng store kaya sinundan ko ng tingin at nakitang nandoon ang mga basketball player at iilang cheerdancer na pare-parehong nakauniporme at may tatak ng isang sikat na Catholic school. Tinaasan ko siya ng kilay ng mamula-mula ang pisngi. "Gusto mo ice cream?" Nilingon kong muli ang loob. Napangisi ako ng makitang nandoon sila banda sa pwesto kung saan ang lalagyan ng ice creams. "Ayoko 'yang itsura mo, ha. Ano? Chocolate or cheese?" Masungit niyang sabi. "Choc'let." Masungit siyang tumango saka umalis. Pinanood ko siya kung ano ang gagawin niya. Ang pagkakaalam ko ay isa sa mga iyan ay crush niya since elementary. Matagal na kaya akala ko ay nakalimutan na niya pero nang makita ko ang reaction niya at ang pamilyar na mukha ng kapitbahay namin ay nakumpirma kong may gusto pa rin siya rito. Napahinto si Ronald pagkapasok dahil nagtutulakan iyong mga basketball player. Tumatawa ang mga ito at tila nag-aasaran at hindi napansin si Ronald na nakatayo kaya naman noong itulak ng naka jersey number fifteen 'yung lalaking may number eight jersey ay natamaan nito si Ronald. Napataas ang kilay ko at napatayo nang makitang bahagyang napasandal si Ronald sa may pintuan at kitang kita ko kung paano naapakan ng lalaki ang paa nito. Mabilis na nilingon ng grupo si Ronald. Mukhang humingi sila ng paumanhin base sa reaksiyong pagtango at bahagyang ngiting ipinakiya ni Ronald. Tumabi ang magbabarkada at inilahad ang daanan sa kaibigan. Nilingon ako nito kaya tumango ako. Hinayaan ko na siya sa kung anong balak niyang gawin sa loob. Ibinaling ko ang atensiyon ko sa cellphone na hanggang ngayon ay walang mensaheng natatanggap galing kay Jealyn. Huminga ako ng malalim habang binabasa ang mga mensahe ni Marco na puro update lang sa kung anong ginagawa niya. He's persistent pero that would change my feelings. Hay nako, Jealyn Martinez. Anong ginawa mo sa sistema ko at bakit ganito ako ka-attach sa iyo ngayon? Hindi na ako nag-reply kay Marco at nagpasyang susubukan ko ulit na tawagan si Jealyn sa huling pagkakataon. Last call. Kung hindi pa niya ito sasagutin ay hahayaan ko na lang muna siya hanggang siya na ang unang mag message. "Sagutin mo na, Jealyn. Huli na ito... sa ngayon." Bulong ko bago pinindot ang numero niya. Kumakabog ang dibdib habang pinakikinggan ko ang bawat pag-ring ng phone. Kinagat ko ang labi ko habang hinihintay kung sasagutin ba niya o hindi. "Sagutin mo na..." bulong ko at halos nanlaki ang mga mata ko ng biglang nahinto ang pag ring. Titignan ko na sana kung namatay ba o ano pero biglang may nagsalita sa kabilang linya. "Hello?" Aniya sa isang kalmadong boses. Kumabog lalo ang dibdib ko nang marinig ulit nag boses niya. Hindi ako nakapagsalita sa gulat. Finally, after how many trials, sinagot niya na!  "Hello? Yana?" "Uh.. hello?" I don't even know what to say! Kanina ang lakas-lakas ng loob ko tapos ngayon ay halos tumiklop ako, narinig lang ang boses niya. "Yana? Pasensya na busy kasi ako eh." Aniya. Narinig ko ang iilang kaluskos sa background niya.  "Uh, kung ganoon ay ibab-" nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ng mga pagkakabasag mula sa loob ng store. Mabilis ang naging paglingon ko roon at halos mapasigaw ng makita ang tatlong lalaki na dinudumog si Ronald! Walang sabi kong ibinaba ang cellphone at mabilis na tumakbo sa loob. Marunong lumaban si Ronald ngunit dahil sa kilos at dami ng kaaway ay dehado siya. Naunang nakalapit ang iba sa mga basketball player para awatin ang kasama nila habang hawak naman ng mga guard si Ronald.  Mabilis akong lumapit sa kaibigan habang sinusulyapan. Puro pasa ang mukha niya. "Tang*na! Kadiri ka!" Sigaw ng isa na gusto pa sanang sumugod ngunit napigilan agad siya ng Kuya ni Kulot, ang batang nakatira sa tapat ng bahay namin. "Anong nangyari?" Tanong ko kay Ronald ngunit masamang tingin lang ang ipinukol sa akin. Mabilis kong nakuha ang ibig sabihin niya kaya tumango ako at nilingon ang mga guard. "Kuya, ayos na po kami. Iuuwi ko na lang ang kaibigan ko."  "Sigurado po kayo, ma'am?" May pag-aalinlangan niyang sabi kaya agad akong tumango. Baka mamaya ay dalhin pa sa presinto ang mga ito lalo na't nakabasag ng mga inumin. Agad kong inalalayan si Ronald palabas doon. Kinuha ko ang cellphone ko para sana tawagan si Papa at papasundo kaso ay tinawag ako ni Paolo, ang Kuya ni Kulot kaya nabaling sa kaniya ang atensiyon ko. "Bakit?" Kunot noo ko siyang pinagmasdan habang lumalapit siya sa amin. Nilingon ko si Ronald na nasa gilid ko at nakatulala sa kung saan. "Uuwi na kami. Hindi kami ang magbabayad ng mga nabasag sa loob dahil halata namang kasalanan ng tatlo mong kaibigan." Dire-diretso kong sabi nang tuluyan na siyang nakalapit. Umiling siya at sinulyapan si Ronald na abala naman ngayon sa cellphone. "Hindi. Huwag ninyo problemahin 'yun. Ihahatid ko sana kayo pauwi kaya kita tinawag." Pumalakpak ang tenga ko sa narinig. Agad kong nilingon si Ronald na matalim ang tingin sa akin na siyang ikinagulat ko. Pasimple siyang umiling. "Uuwi na rin naman ako kaya kung iniisip ninyong abala, hindi man." Ani pa ni Paolo habang pinaglalaruan ang susi ng kotse niya. "Sorry. Ayaw niya, eh." Itinuro ko si Ronald. Tinitigan niya ito saka marahang tumango makalipas ang ilang segundo. "If ayun ang gusto niya...ninyo, sige. Mauna na ako. Ingat kayo." Tumango lang ako at bahagyang kumaway habang pinagmamasdan siyang lumayo. Magkasing-edad lang kami ngunit mas matured pagmasdan si Paolo dahil sa mga pinong kilos nito. Marahil ay natutunan niya sa eskuwelahan. Maganda rin ang hubog ng katawan pati na rin ang kutis. "Tara na..." napalingon ako kay Ronald ng bigla siyang nagsalita. Nagulat ako nang makita ang isang tricycle na nakaparada sa harap niya. "Sakay na, Yana." Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari ngunit ako ay may ideya. Hindi magiging ganito ang reaction ni Ronald kung hindi nangyari ang naiisip ko. Pagdating sa bahay ay nakita kong naka-park doon ang kotse ni Paolo na ginagawang salamin ng mga batang naglalaro. Mabilis akong bumaba mula sa tricycle, kasunod ay si Ronald. Ako ang nagbayad.  Pagpasok ay dinatnan namin si Ate Lea na nasa mini garden ni Mama, nagdidilig ng mga roses na tanim. Napalingon siya sa amin at hindi kami pinansin ngunit agad ding bumalik agad ang tingin niya nang marealise niya siguro ang kalagayan ng kasama. Mabilis niya pinatay ang tubig at lumapit sa amin. "Nakipag-away ka?" Aniya agad habang tinitignan ang mga sugat sa mukha ni Ronald. "Hindi ko akalaing nakikipagsuntukan ka pala.." aniya Inilingan ko siya. Napakagat siya sa labi ng makuha ang ibig kong sabihin kaya naman hinatak na lang niya ang kaibigan sa loob. Narinig ko pa ang mga reaction ni Ate Kristine at Mama. Kinuha ko ang cellphone ko ng mag vibrate ito. Notification lang pala galing sa social media at isang mensahe galing kay Jealyn. Agad ko iyon binuksan. Jealyn: Anong nangyari? Narinig kong may nabasag tapos bigla kang nawala. You okay? Agad akong nagtipa ng mensahe para ireply. Me: Ronald and some random dudd got into a fight. Sorry hindi ako nakapagpaalam kanina nabigla kasi ako kay Ronald. Matapos isend iyon ay sinulyapan ko ang mga tao sa loob ng bahay mula sa pinto. Ginagamot ni Ate Kristine ang mga sugat ni Ronald habang nagsasabi-sabi naman si Mama at sa gilid niya ay si Ate Lea na tumatango-tango. Napalingon sa akin si Ate Lea at agad ko siyang sinenyasan na may pupuntahan lang saglit. Tumango siya. Tinignan ko si Ronald na ngayon ah nakapikit dahil ginagamot ni Ate ang pasa sa gilid ng mata niya. Mabilis akong umalis doon at lumabas. Tumawid ako ng klasada habang nginingitian ang mga batang isa-isang tinatawag ang pangalan ko. Gusto nilang makipaglaro ako ngunit sinabi kong sa susunod na lang at may importanteng gagawin. Dumiretso ako sa bahay nina Paolo. Nakita ko ang nanay niya na nakikipag-usap sa kapitbahay nila. "Aling Nida, si Paolo po?" Nabaling sa akin ang atensyon nila. "Paolo! Hanap ka ni Liana!" Sigaw niya at saka ipinagpatuloy ang pakikipag kwentuhan. "Ligaw mo si Kuya?" Napatalon ako ng biglang sumulpot si Kulot sa tabi ko. Nilingon ko ang mga kalaro niya na nakatingin dito at mukhang hinihintay siya. "Bakit ka nandito? Nililigawan mo Kuya ko, 'no?" Inosente ngunit may panghuhusgang sabi niya. Umiling ako habang nagpipigil ng tawa. "Hoy! Nililigawan ni Ate Yana si Kuya ko!" Sigaw niya sa mga kalaro. Napailing ako habang pinagmamasdan siyang makipag-usap sa mga iyon. Manang mana talaga sa ina. "Bakit?" Napalingon ako nang biglang sumulpot si Paolo sa gilid ko, kung sana nakatayo si Kulot kanina. "Kamusta si Ronald?" Nagkibit balikat ako. "Puro bugbog. Ano ba ang nangyari?" "Sorry." Suminghap siya. "Nagbibiruan kasi kami tapos napagtripan siya ni Orea. Pinilit manlibre kaya nainis si Ronald at sinabihan si Orea kaya ayun, napikot." "Eh kasalanan naman pala talaga ng mga kaibigan mo, gaya ng hinala ko. Parang ang liit na bagay lang, nanuntok na agad." Tumango siya sa sinabi ko. Nagtagal ako roon dahil ikinuwento pa niya ang lahat ng nangyari, mula umpisa hanggang sa huli. Inasar-asar pa ako ni Kulot kaya naman lalo akong nagtagal. Kung hindi ako tinawag ni Mama dahil uuwi na raw si Ronald ay baka hindi pa ako nakakauwi hanggang ngayon. Ayaw magpapigil sa pag-uwi ni Ronald kaya hinayaan ko na lang. Para rin makapagpahinga na siya dahil mukhang wala siya sa mood. Ikaw ba naman mabugbog ng tatlong barako, tignan ko lang kung hindi ka mawala sa mood. Inihatid siya ni Papa at hanggang pag-uwi ay hindi rin tumigil ang bibig ni Mama sa kakasermon. Wala tuloy akong naging choice kundi ang magkulong sa kwarto upang maiwasan ang sermon ni Mama. Naligo ako at ginawa ang mga routine bago humiga. Kinuha ko ang cellphone ko at pinatay ang oras sa pagtingin ng mga gamit sa online shop. Paulit-ulit lang na ganoon hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan ay hindi nagpunta si Ronald ngunit patuloy ang pagte-text namin. Paulit-ulit na ganoon lang ang ginagawa ko isang linggo mula nang magsimula ang bakasyon. Inip na inip na ako at dagdag pa na hindi talaga nagtetext si Jealyn. Kahit update sa social media niya ay wala. Nang tanungin si Ronald ay sinabi niyang patuloy naman daw ang text nito ngunit hindi na kasing dalas ng dati. Si Marco ay hindi pa rin tumitigil kahit na ilang beses ko ng sinabihan. Hindi ko na lang pinapansin minsan lalo na't hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala ng tunay naming status. "Tumawag si Jealyn kanina sa akin. Nag message na ba siya sa iyo?" Isnag gabing magkausap kami ni Ronald ay iyon agad ang sinabi niya. Suminghap ako nang makaramdam ng hapdi sa dibdib. Para akong sinasakal habang iniisp si Jealyn na kausap si Ronald. Bakit sa kaniya ay nagagawa niyang tumawag at mag message ngunit sa akin ay wala kahit man lang seen sa mga mensahe ko? "Hindi..." bulong ko, pinipilit na itago ang sakit na nanunuot sa sistema ko. Ganti ba ito ni Jealyn sa akin dahil sa pag-iwas ko sa kaniya noon? Ginagawa ba niya ito para mapaalam sa akin kung ano ang naramdaman niya noong siya 'yung iniiwasan ko? Kung oo, ayoko na. Hindi ko kaya. Hindi ako makakatulog sa kakaisip kung bakit naging ganito ang mga pangyayari. Kung kailan naman natanggap ko na ang nararamdaman ay saka naman siya unti-unting lumalayo sa akin. Saglit akong nagpaalam kay Ronald at sinabing tinatawag ako ni Mama kahit hindi dahil hindi ko na mapigilian ang pag iyak. Napakababaw na dahilan para sa mga luha ko ngunit hindi ko mapigilan. Hinanap ko ang numero ni Jealyn at walang alinlangang pinindot iyon. Bawat ring ay kasabay ng paglakas pa lalo ng tibon ng puso ko. Suminghot ako. Bawat ring ay lalong nadadagdagan ang mga iniisip ko at lalong nagbigay liyab sa mga iniisip ko nang patayin ang tawag. Tinignan ko kung nabasa ba niya ang mga mensahe ko. Nabasa niya. Panandaliang tuwa ang naramdaman ko nang makitang nagtitipa siya ng mensahe at tila isang bula nasagad pumutok ang tuwa ko nang mabasa ang mensahdng galing sa kaniya. Jealyn Martinez: Hi! Please stop calling me. I'm busy at hindi ko mahaharap ang tawag mo. Thank you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD