Alas dose na ng gabi at heto ako sa may garden, habang kanina pa binabalik-balikan sa isip ang mga nangyari. Simula sa una, hanggang huli. I am thinking if what am I doing right now is right.
I mean, everything seems to be happening so fast and I am overwhelmed. Overwhelmed to the point na hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. 'Yung tipong you know what's happening and you know what you want pero parang litong-lito ka pa rin?
'Yung gutom ka at may pagkain sa harapan mo pero para kang walang gana. Nanlalambot.
Before I decided to tell Marco about what I feel, I was so determined and eager to tell him everything but his reactions seems so surreal that it's making me feel confused again. Like, hindi pa naman siguro ganoon kalalim ang feelings niya for me, right? Ilang weeks pa lang simula noong nagkakilala kami and kailan lang niya sinabi na manliligaw siya so dapat ang feelings niya is shallow pa, 'diba?
But why is his reacting like he's already liking me for years? Or am I underestimating love? Or dapat bang tawaging love if it's new.
Kinuha ko ang phone ko na nakalapag sa gilid. Maliwanag ang buwan ngayon na siyang ikinatuwa ko. I love watching the moon. I believe na moon has something in her that can make me feel at ease unlike the sun, sun is making my head hurt even more.
Binuksan ko ang camera ng phone ko at saka itinutok iyon sa maliwanag na buwan. Hindi maganda ang kuha pero ayos lang naman. Halata namang moon kahit papaano. Pinost ko ang letratong iyon sa lahat ng social media accounts ko at lahat ay may caption na 'lead me to where I belong, please...'
Pagkatapos ay pinatay ko ang cellphone ko at inilapag ulit iyon sa gilid. Malamig at amoy paskong hangin ang nanuot sa ilong ko ng suminghap. Ilang weeks na lang ay pasko na...
If Jealyn was a man, may mararamdaman din ba akong kakaiba sa kaniya gaya ng nararamdaman ko ngayon? I doubt it. Marco is a man pero hindi niya napaparamdam sa akin ang kung ano mang napaparamdam ni Jealyn.
I feel platonic towards Marco. It's the love of a friend, if there's such thing. Napansin ko ang paggalaw sa may bandang gate kaya naman agad na nabaling doon ang atensyon ko.
Tinitigan ko iyon at tumayo na ng makitang tuloy-tuloy ang paggalaw at ang tila pagsubok na pumasok. "What the hell?" Usal ni Ate ng mabuksan ang gate at magtama agad ang tingin namin.
Last time I checked, it's already past twelve am at ngayon lang siya uuwi? Tinaasan ko siya ng kilay. "Over time sa trabaho at matagal ang byahe." Defensive na sabi niya na ikinangisi ko.
"Oh? Bakit ka defensive?" I want to tease her para naman malibang ako kahit papaano.
"Hindi, ah! Matagal naman talaga kasi ang byahe." Pinagpatuloy niya ang paglalakad palapit sa akin. Inilapag niya ang isang paperbag ng sikat na cake shop at inilabas ang ilang balon ng cheesey mamon mula roon.
"Ano 'to? Para hindi ako magsumbong?" Agad akong nakatanggap ng isang malakas na hampas sa kaniya. "Ano ba? Saka hindi ako naniniwala na matagal ang byahe mo. Anong oras na kaya! Wala na dapat gaanong sasakyan sa kalsada."
Masamang tingin ang ipinukol sa akin ni Ate at sinuklian ko iyon ng matamis na ngiti. Hinayaan ko na lang siya kung late siya nakauwi. Ang mahalaga naman ay ligtas siya at may dala siyang pagkain.
Habang pinapanood ang buwan at hinihintay na antukin ay inubos ko ang mga mamon na dala niya. Makalipas ang ilang minuto ay nagpasya na akong pumasok dahil late na rin at nagsisimula na akong matakot.
Mabagal ang lakad ko pati na rin ang pagbubukas ng pintuan ng kwarto dahil baka magising sina Mama. Nakita ko pang kumakain si Ate sa kusina pero hinayaan ko na lang.
Humiga ako sa kama at tumulala lang hanggang sa tuluyan ng nakatulog. Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Maiingay na ang mga bata sa labas, mga masasayang naglalaro dahil ito ang unang araw ng bakasyon. Pumipikit-pikot pa ang mga mata ko nang magpasyang tumayo at maghilamos na.
"Kain na..." ani Mama pagkababa ko. Tumango lang ako dahil wala pa sa mood na magsalita. Habang nagtitimpla ako ng kape ay siya namang pagbaba ni Ate Kristine na inaantok pa. Makahulugan ko siyang nginisian pero inignora lang niya iyon at dumiretso na sa tabi ni Mama at natulala.
Umupo ako sa tapat nila at kumuha ng isang tinapay na hindi ko alam ang tawag. Hindi ko maiwasan na hindi rin matulala gaya ni Ate. Required ba ito kapag bagong gising at nagkakape?
Matagal bago ako natapos mag almusal dahil mas marami pa akong oras na ginugol sa pagtulala at pang-aasar kay ate kaysa sa pagkain. Dumiretso ako sa labas at nagpasyang panoorin ang mga batang kahit tirik na ang araw ay hindi nagpapa-awat sa paglalaro.
"Hala ang daya!" Sigaw ni Kulot, 'yung batang babae na nakatira sa tapat ng bahay namin. Hindi ko alam ang totoo niyang pangalan dahil mula noong baby siya ay kulot na ang tawag sa kaniya ng lahat.
"Hindi! Mali ka kasi. Dapat ay sa pang-fifty ka pa lang bubukaka!" Inis naman na paliwanag ni Tintin na taga-kabilang kanto at umabot lang dito. Kilala rin siya ng lahat kasi ang nanay niya ay isa sa mga dakilang chismosa na nagtitinda ng isda.
Inulit nila ang nilalaro nilang ten-twenty o kung ano man ang tawag doon. Nalibang ako sa kakapanood sa kanila lalo na tuwing nagkakapikunan sila kaya hindi ko namalayan ang oras.
Kung hindi ko pa nakitang pumarada ang tricycle ni Papa sa gilid ay hindi ko mapapansin na oras na ng tanghalian. Agad akong tumayo at sinalubong siya. "Pa." Bumagal ang lakad ko nang matanaw ang mga taong nakasunod sa kaniya. Ngiting-ngiti si Marco habang may hawak na maliit na bouquet, kasunod ay ang nakasimangot na si Ronald.
Nagkatinginan kami ni Ronald at sinenyasan ko siya. Nagkibit lang siya ng balikat at masamang tinignan si Marco. Napalingon ako kay Papa na pinapanood ang ekspresyon ko kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Manliligaw mo raw, Yana?" Aniya sa seryosong boses. Hindi ko alam kung tatango ako o hindi. Hindi ako makatingin ng diretso kay Papa dahil sa intense ng tingin niya. Ano ba kasing ginagawa ni Marco rito ng walang pasabi? At may pabulaklak pa.
Lumabas si Mama mula sa tindahan at agad na nagtangong kung bakit kami nakatayo sa gitna ng garahe. "Nandito si Marco. Manliligaw raw ng anak mo." Ani Papa.
Agad na nagtaas ng kilay si Mama habang nakatitig sa akin. Nagkibit balikat na lang ako. Hindi ko alam kung bakit naisipang pumunta ni Marco rito. Malinaw ko namang sinabi sa kaniya na ihinto na ang panliligaw pero heto siya at may lakas pa ng loob na humarap sa magulang ko.
Pinapasok kami ni Mama sa loob. Nagpahuli ako dahil gusto kong tanungin si Ronald kung anong ginagawa nilang dalawa rito. "Hindi ko alam. Nakita ko lang 'yan na kausap si Tito sa may paradahan." Aniya habang iritado pa ring nakatingin kay Marco. "Akala ko ba si Jealyn na?"
Agad ko siyang sinenyasan na huwag maingay dahil baka marinig nina Mama. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanila ang nararamdaman ko kay Jealyn o kung sasabihin ko, paano?
Paano kung hindi nila matatanggap? Ano ang magiging reaction nila? Baka magalit sila sa akin. Nakakatakot.
Pinaupo ni Mama sina Marco at Ronald sa lamesa dahil kakain na raw. Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang nakita na ganito ka seryoso si Papa dahil madalas ay nagbibiro at nantitrip siya.
"Anong meron?" Ani Ate Lea na kagigising lang yata. Hindi ko alam dahil ngayon lang naman siya lumabas ng kwarto mula kagabi. Kasunod niya ay si Ate Kristine na inunahan agad siya sa puwesto.
Nakaupo si Papa sa kabisera at sa tabing kaliwa niya ay si Mama. Ako ang katabi ni Mama at katabi ko naman ay si Ate Kristine. Ang sa tapat namin ay ang magkakatabing sina Ronald, Ate Lea at Marco.
"Kanina ka pa po, Pa?" Aniya habang nakatingin sa seryosong si Papa. Tango lang ang isinagot nito kaya naman nabaling sa amin ang tingin ni Ate at mukhang doon niya na-realize kung anong meron.
"Ikaw 'yung lalaki noong birthday ni Yana, hindi ba?" Aniya kay Marco na mukhang ngayon ay tinatamaan na ng hiya dahil tahimik na.
"Uh... opo." Napakamot pa sa batok si Marco matapos sumagot. Tumikhim si Ronald na nakaupo sa tapat ko, katabi si Ate Lea at agad ko siyang sinenyasan na manahimik.
"Anong ginagawa mo rito ngayon? Bakasyon kaya imposiblenh project." Sabat naman ni Ate Lea habang nagsisikuhan sila ni Ronald. Napailing na lang ako dahil mukhang nasabihan ni Ronald si Ate at nag tandem sila para gisahin itong isa.
"Uh, magpapaalam po sana ako na manliligaw kay Yana." Dumako sa akin ang tingin ng buong pamilya ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko sa hiya.
Maraming itinanong sina Ate sa kaniya at lahat naman ay sinasagot niya. Si Papa ay nanatiling tahimik at nagmamasid lang. Paminsan-minsan ay sumasabat si Mama lalo na kung ang usapan ay tungkol sa pamilya ni Marco.
Tama nga ako. Pinagkaisahan siya nina Ate sa pangunguna ni Ronald kaya naman panay ang sipa ko sa mga paa nila. Hindi naman nila ako pinapansin at tinuring na hangin ang mga sipa ko.
Natapos ang tanghalian ay hinatak ko si Marco palabas. Hindi ko nagustuhan ang biglaang pagpunta niya kaya naman balak kong komprontahin siya. Galing pa sa pagtawa dahil sa biro ni Ate nang sumunod siya sa akin palabas.
Kahit mainit ay pinili kong lumakad palabas ng kanto habang kinakausap siya. "Salamat sa pag punta pero sana sa susunod ay magsabi ka muna. Ayoko kasi ng binibigla." Mahinahon kong usal. Sinamahan ko pa ng bahagyang pagngiti para hindi gaanong awkward dahil kahit ako ay nahihiyang pagsabihan siya.
Marahan niya akong tinignan at tumango. "Alright. Sorry. Hindi ka kasi nag rereply simula kagabi kaya...akala ko ayos lang."
Umiling ako. "Marco, manliligaw or not, you should ask permission first before going to someone's house. Malay mo may mga bagay pala siyang ayaw ipakita sa ibang tao tapos bigla kang susulpot, edi ang awkward nun?"
Kumunot ang noo niya habang bahagyang tumatango. "So, may bagay ka na ayaw ipakita sa akin kaya ka ba nagagalit ngayon sa biglaan kong pagpunta?"
Napasinghap ako sa sinabi niya. Nagsisimula na akong makaramdam ng inis. Hindi ko alam kung mali lang ang pagpapaliwanag ko o talagang hindi niya nakuha ang punto ko.
"That's not my point, Marco. What I mean is, hindi dapat basta-basta nagpupunta sa isang bahay without the owner's consent. It's what we call respect."
Kumunot ang noo niya. "I get it. Sorry." Huminga ako ng malalim. Now I'm starting to feel guilty for scolding him pero mali naman kasi talaga siya hindi ba? "I'm sorry rin pala sa inasal ko kagabi. Nabigla kang ako at nasaktan kaya..." tumango ako.
Napag isip-isip ko kasi kagabi na platonic love or not, matagal na or bago pa lang, posibleng makaramdam ng sakit ang isang tao lalo na kung nagmamahal ito ng totoo. I estimated love and aaminin ko na mali ako roon.
This days, I am becoming more mature and sa palagay ko ay natututo na akong mag-isip muna before doing something. Especially if other people and their feelings are involve.
"That's fine. I understand your reaction naman. At first, medyo nainis ako, aaminin ko but then I realized na your reaction was normal. Masyadong mabilis ang mga pangyayari and its overwhelming for me kaya I always need some time to realize things."
Nagyaya siya na ipagpatuloy ang paglalakad hanggang sa kanto dahil uuwi na raw siya. Ayoko sana dahil ako ang mapapagalitan kung uuwi ako ng hindi siya kasama dahil sasabihin nila na pinauwi ko ngunit mapilit siya. At isa pa, naisip ko na nandoon si Papa kaya makakapag paalam siya ng maayos.
Pagdating sa paradahan ay wala si Papa. Ang sabi ay kaaalis lang daw dahil may pasaherong nagpahatid sa bayan. Inasar pa ako ng mga driver dahil kay Marco na idinaan ko na lang sa tawa.
Nang makasakay na si Marco at makaalis ay saka naglakad ulit ako pauwi. Pagdating sa bahay ay nadatnan kong nag momovie marathon sina Ate. Agad kong nakuha ang atensyon nila, lalo na si Ronald na tumayo pa mula sa pagkakadapa.
"Umuwi na? Buti naman." Aniya agad.
"Bakit kasi hindi mo na lang ligawan iyang kapatid namin, Ron? Boto kami sa iyo." Sinundan ng mala demonyong tawa ni Ate Lea ang sinabi. Halos masamid naman si Ate Kristine sa pagkabigla na siyang lalong ikinatawa nila.
Tinitigan ako ni Ronald kaya naisipan kong asarin na rin siya. Kinindatan ko siya at sinimulang haplusin ang braso niya. "Eww!" Agad siyang lumayo sa akin kaya naman halos mamatay ako kakatawa.
Iniwan ko sila roon at umakyat sa kwarto. Bahala na sina Ate kay Ronald tutal ay halos araw-araw namang nagpupunta iyon dito lalo na't bakasyon na.
Kinuha ko ang cellphone ko na hanggang ngayon pala ay nakapatay. Naalala kong pinatay ko ito kagabi habang pinapanood ko ang moon at ngayon na lang ulit mabubuksan.
Pagbukas ay sunod-sunod ang notifications mula sa social media accounts ko at ang iilang mensahe galing sa mga kaklase, kay Ronald at kay Marco. Binasa ko ang lahat ng mensahe ni Marco at halos lahat ng iyon ay nagpapaalam na pupunta rito at humihingi ng tawad patungkol sa pagpatay niya ng tawag kagabi.
Naguilty tuloy ako kaya naman nagtipa agad ako ng mensahe sa kaniya.
Me:
Hi! Text me when you get home. Kao-open lang ng phone ko dahil pinatay ko kagabi, the reason why I didn't saw your text messages. I'm sorry rin if I kinda scolded you kanina without knowing na you texted me pala and I'm the one at fault kasi I didn't get to read your message.
Bumaba ako sa sala at nakisalo sa panonood nila ng movie na hindi ko alam kung tungkol saan. Hindi nagreply si Marco pero ipinagkibit balikat ko na lang iyon dahil baka hindi pa siya nakakauwi.
Tawa ng tawa sina Ronald dahil sa pinapanood samantalang ako ay hindi maintindihan ang nangyayari. "Hello?" Napalingon ako kay Ronald nang bigla siyang magsalita. May kausap pala sa phone.
Tahimik lang siya at tumatango-tango na animo'y nakikita siya ng kausap niya. Mukhang may sinasabi ang nasa kabilang linya at nakikinig lang si Ronald. "Sabihin ko?" Aniya at nilingon ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Alright. Ingat. Update mo na lang ako palagi. Yeah, bye." Suminghap siua matapos ibaba ang phone. Nag-angat siya mg tingin sa akin. "Tara sa labas. May sasabihin ako." Tumango ako at nagpatiuna na sa paglabas.
Sumandal ako sa pader at humalukipkip. Tumayo siya sa harapan ko at seryoso akong tinignan. "Jealyn called. Pinapasabi niya na hindi ka niya ma-message dahil lowbat ang phone niya."
That's explain why wala siyang message mula kagabi. "Bakit? Nasaan ba siya?"
Mukha namang alinlangan si Ronald sa sasabihin kaya tinaasan ko ng kilay. Kung iyon lang pala ang sasabihin ay sana sa loob na lang niya sinabi. Bumuntong hininga siya na siyang ikinagulat ko ngunit hindi ko alam na mas ikakagulat ko pala ang susunod na sasabihin niya.
"Jealyn asked me to tell you na hindi na siya sa school natin papasok. Nakabili raw ng maliit na company ang daddy niya sa kabilang province at doon na sila mag stay simula ngayon..." Laglag ang panga ko habang pinakikinggan siya.
"And she asked me to tell you na she's sorry kasi hindi nakapag paalam ng personal. She tried to tell you raw noong nag mall tayo pero nagka-emergency noon at pinauwi siya agad, hindi ba?" Tumango ako.
"Kaya hindi siya nakapagpaalam. Hindi muna natin makikita si Jealyn starting today hanggang sa makapasyal ulit siya rito and I think, next year pa iyon mangyayari."