"Seryoso ka?" Tila hindi makapaniwala si Ronald matapos kong sabihin sa kanya ang tunay na nararamdaman. Napangisi ako habang nai-imagine ang itsura niyang gulat. Naiintindihan ko ang naging reaction niya dahil kahit ako naman ay hindi rin makapaniwala na hahantong ako sa ganitong sitwasyon.
Buong buhay ko, pambabae lahat ng ginagawa ko. Bihis lalake man ay alam ko sa sarili na babae ako at nakatatak sa akin na sa lalaki lang dapat mag kagusto ngunit saan ako dinala ng mga nararamdaman ko? Heto, nagmamahal ng kapwa babae.
Kung ako nga ay hindi pa rin makapaniwala sa mga desisyon ko. Siya pa kaya na simula noon ay nakita na niya akong magka-crush sa mga lalaki? "Yana, alam kong alam mo na boto ako kay Jealyn pero sana nagdesisyon ka dahil iyon talaga ang gusto mo hindi dahil palagi kong sinasabi na si Jealyn dapat ang piliin mo, ha?"
Tumango-tango ako na parang batang sinasaway ng nanay. "Yes, Ronald. Alam mo namang hindi basta-basta naaapektuhan ng ibang tao ang mga desisyong ginagawa ko, hindi ba? Atsaka hindi naman na ako magpapadalos-dalos."
"Mabuti kung ganoon. Iyon lang ba ang sasabihin mo? Ang boring naman." Nag asaran lang kami buong gabi. Tawa ako ng tawa sa mga kalokohang pinagsasabi ni Ronald kaya kinabukasan, pumasok na naman akong sabog. Huling araw na ito bago magbakasyon at sa bagong taon na ulit papasok.
Tanghali na ako pumasok dahil wala na rin naman gaanong gagawin. Natapos na ang mga exam namin noong nakaraang linggo at puro completion ng mga requirements na lang ang gagawin ngayon.
Pagdating ko sa room ay wala pa si Ronald kaya tahimik lang akong naupo sa upuan ko. Maiingay at magugulo ang mga kaklase ko dahil marami yata sa kanila ang hindi pa kumpleto ang mga requirments upang pumasa.
"Nagpasa ka ba ng compilation ng mga quizzes and activities mo sa Science, Yana?" Napatingala ako mula sa pagkakadukmo nang bigla akong kalabitin ng isa sa mga kaklase kong babae.
Tumango ako. Bumaba ang tingin ko sa isang brown envelope na dala niya. Sa ganoong lalagyan pinalalagay ang lahat ng quizzes at activities namin sa science at tingin ko, ngayon niya pa lang ipapasa ang sa kaniya.
"Wala pa ako. Hindi ko naman kasi alam na ipapasa ang mga iyon kaya hindi ko tinatabi 'yung mga akin." Malungkot at tila stress niyang sabi. Ipinagkibit balikat ko na lang dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin.
Umalis siya sa harapan ko ng walang imik. Bumaling ang tingin ko sa may bintana na kung saan tanaw ko ang mga kaklase kon lalaki na nakatambay sa labas. Nagsisigawan sila at tila may kinakantyawan.
"Wala kang laro mamaya? Practice tayo!" Anang isang babae na galing sa ibang section. Nakaharap siya roon sa gitna ng grupo ng mga kaklase kong lalaki tila nandoon ang kausap.
"Hindi ako pwede. Dumaan lang ako rito at uuwi rin agad." Kumunot ang noo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Bakit?" Lumapit 'yung babaeng taga ibang section sa kausap. "Palagi ka na lang busy ngayon mga nakaraan ah? Hindi na rin kita gaanong nakikita na kasama ni Amanda."
"Busy nga kasi ako. Teka nga hinaharang niyo daan pupuntahan ko si Yana." Tila nagpintig ang tenga ko ng marinig na binaggit ang pangalan ko. Kumabog ng mabilis ang puso ko at dali-dali akong dumukmo, nagpapanggap na tulog.
Narinig kong bahagyang nanahimik ang mga nasa labas pero may iilang nag-uusap pa rin. "Yana..." naramdaman ko ang pagkalabit ni Jealyn sa braso ko pero hindi ako gumalaw.
Bakit ba nandito siya? Kinakabahan ako at hindi alam ang sasabihin. Sana man lang nag text muna siya bago pumunta, hindi ba? Hindi 'yung nambibilga siya ng ganito, feeling ko aatakihin ako sa puso ng wala sa oras.
"Yana. May sasabihin akong importante." Osige na nga. Unti-unti akong nag angat ng tingin. Nasa gilid ko siya mismo at tiyan niya ang unang sumalubong sa tingin ko. Mabilis kong inangat ang tingin sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa akin. "Tara sa labas. Nasaan si Ronald?"
"Wala pa..." hindi ko ma proseso ang mga nangyari at nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad palabas ng room habang hawak ni Jealyn ang mga kamay ko.
Iilang estudyante ang tumitingin sa amin. "Sikat ka talaga, ano?" Usal ko habang sinusundan siya. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero palabas na kami ng school.
"Huh?" Lumingon siya sa paligid at saka nagkibit balikat. "Hindi naman. Marami lang nakakakilala sa akin dahil sa journalism at volleyball."
Nakita ko ang pamilyar na kotseng pula. "Sa'yo 'to?" Tanong ko ng makitang doon siya dumiretso. Lumapit ako sa kotse.
"Hindi. Kay Papa, hiniram ko lang. Wala pa ba si Ronald?" Umiling lang ako at pinanood siyang magpipindot sa cellphonr niya. "Ang tagal naman niya. Sabi niya kanina ay on the way na siya pero ilang minuto na wala pa rin."
I shrugged. "Baka na-traffic or mahaba pila sa sakayan. Saan ba tayo pupunta? May klase ah?"
"Huh? Wala." Wala sa sariling usal ni Jealyn habang nakatitig sa cellphone niya. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nanahimik na lang sa gilid.
Natanaw ko si Ronald na takbo-lakad ang ginagawa. Nahinto siya nang sensyasan ng traffic enforcer kaya hindi siya nakahabol sa mga naunang tumawid. "Ayan na siya." Kinalabit ko si Jealyn na abala sa cellphone at kunot noong nakatingin doon. Nakatawid na si Ronald nang mag-angat ng tingin si Jealyn sa kaniya at agad itong humalukipkip.
"Ang galing!" Sarkastikong usal ni Jealyn. Nginisian lang siya ni Ronald saka tinapik sa balikat ng nakalapit na. Agad naman itong hinawi ni Jealyn na siyang ikinatawa lalo ni Ronald. "Ang usapan alas siete dapat nandito na sa school! Alas nuebe na, Ronald!"
Pinanood ko lang sila na mag-usap. Todo paliwanag si Ronald at halatang tinanghali lang talaga siya ng gising dahil kanina ay sinabi niyang matagal ang bus tapos biglang naging naubusan ng gas ang motor at ngayon ay traffic naman daw. Iiling-iling ako habang pinakikinggan ang mga palusot niya na hindi tugma.
"Tara na lang." Itinulak ni Ronald si Jealyn papasok sa kotse. Hinatak naman niya ako paikot at pinagbuksan ng pinto sa passenger seat saka siya sumunod na pumasok sa likod. "May secret ako pero 'di ko muna sasabihin sa'yo, Jealyn." Mabilis kong nilingon si Ronald na sumusulyap sa akin habang nakangisi at taas-baba ang kilay.
"Ronald..." seryosong usal ko kaya naagaw ko ang atensyon ni Jealyn. "Pagpasensyahan mo na. Ganyan talaga 'yan kapag hindi nakakainom ng gamot. Saan tayo pupunta?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Mall. Last day ko ngayon, eh." Last day? Nakita niya siguro ang confusion sa itsura ko kaya tumawa siya at umiling. "I mean, bakasyon na niyan kaya last day." Tumango na lang ako at hinayaan na siyang tahimik na nag-drive.
Si Ronald ay kung ano-ano ang sinasabi sa likod at pareho na lang naming hindi pinapansin ni Jealyn. "Nauuhaw kaya ang mga isda?" Napa-facepalm ako sa narinig. "Tingin mo, Yana? Hindi ba sa college balak mong kumuha ng Biology Course? Dapat alam mo sagot sa tanong ko."
"Wala, tulog ako Ronald. Si Jealyn kausapin mo." Walang gana kong usal habang pinagmamasdan ang mabilis na paglagpas ng tanawin.
Puro bahay ang dinadaanan namin at iilan lang ang mga puno at bakanteng lote. Ano kaya ang itsura ng lugar na ito kung puno ito ng mga malalabong na puno? Hindi siguro ganito kainit na parang any minute ay matutunaw na ang kalsada.
"Ang KJ ninyong dalawa. Bagay nga kayo." Nakarating na lang kami sa mall ay kuda parin ng kuda si Ronald. Nilingon ako ni Jealyn pagkababa namin sa kotse.
"Kain muna tayo. Sana mo gusto?" Aniya habang nagpatiuna sa paglalakad papasok.
"Sa Vikings na lang, Jealyn." Ani Ronald pero ako ang tinignan ni Jealyn. Taas kilay siyang nakatingin sa akin at tila naghihintay ng sagot ko ngunit naputol iyon dahil kinapkapan siya ng guard.
Pagkapasok ay nakaharap siya agad sa akin, naghihintay pa rin ng sagot. "Sa Gerry's na lang. Mas mura compare sa Vikings." Mabilis siyang tumango at hinanap na kung saan ang daan papunta sa nasabing kainan gamit 'yung malaking parang tablet malapit sa entrance ng mall.
"Hindi ninyo talaga ako pinapansin, ano?" Ani Ronald habang nakasunod sa amin. Nagkibit balikat lang ako at sinabing, "umayos ka kasi. Para kang bata na first time mag mall."
Pagpasok sa kainan ay agad naman kaming inasikaso ng waiter. Sinabi ko ang gusto ko at ganoon din ang mga kasama. Kinuha ko ang cellphone ko dahil ganoon ang ginagawa ng dalawa at nakitang may text doon si Marco na bumati ng magandang umaga.
Magtatanghali na at ngayon ko pa lang nakita ang message niya kahit na kaninang alas sais pa iyon. Kahit na ganoon, nagtipa pa rin ako ng irereply. Binayi ko siya ng magandang tanghali at sinabing ngayon ko lang nabasa dahil abala.
Hindi ko pa man nabababa ang cellphone ay tumunog na ito. Nakapag reply na siya. Wala rin siguro siyang klase kagaya namin kaya hawak niya ang cellphone niya.
Marco Rubio Lewis:
Sabihin ko sana ayos lang na late reply but then hindi ako matahimik sa katotohanang may mas importante pa pala sa akin :)
Kumunot ang noo ko sa nabasa. What the hell? Magtitipa na sana ako ng mensahe ng tumunog ulit ang cellphone ko para sa panibagong message na galing din sa kaniya.
Marco Rubio Lewis:
Joke lang, haha. Nasaan ka? Puntahan kita kain tayo lunch.
Honestly, I like his name. It's kinda unique and yayamanin. Well, mayaman naman talaga siya at bagay sa kaniya ang pangalan niya. But then, name can't change someone's feelings towards the other, 'diba?
Nagtipa ako ng mabilisang mensahe dahil dumating na ang orders namin at kasalukuyan iyon na inilalapag ng waiter.
Ako:
Sorry. Wala ako sa school. Next time na lang. Thank you
Matapos i-send ay ipinasok ko na ang cellphone sa bulsa ko. Ang mga bag namin ay iniwan namin sa kotse ni Jealyn para wala raw kaming bitbit at mas madaling maglakad-lakad.
Suminghap ako at napangiti ng maamoy ang bango ng pagkain. Ang amoy ng pinaghalong garlic, butter, at seafoods ng seafood rice ay siyang nakapagpakalam ng tiyan ko.
"Favorite ko ang seafood rice." Out of nowhere kong usal habang nakatitig sa pagkaing umuusok pa.
"Walang nagtanong, Yana." Anang katabi kong si Ronald habang nagsisimula ng kumain. "Hindi ikaw ang kausap ko, Ronald." Usal ko saka kumuha na ng pagkain.
Naging matagal ang pagkain namin dahil naubos agad ang kanin at naghanap pa si Jealyn at Ronald. Hindi ko lubos akalain na ganito kalakas kumain si Jealyn. Tahimik kaming tatlo at akala mo nasa eating contest kung makasubo.
Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na kinuhanan ng litrato si Jealyn habang nakatulala sa isang banda at ngumunguya. Ang pisngi niya ay nagmistulang pisngi ng ng mga chipmunks na siyang ikinatuwa ko.
"Oops." Namula ako ng biglang umulaw ang cellphone. Hindi ko napansin na nakaon pala ang flash kaya naman nahalata tuloy ang ginawa ko. Halos mabulunan naman si Ronald dahil sa gulat at pigil na tawa.
Agad kong iniabot sa kaniya ang tubig gamit ang naginginig na kamay. Awkward. Pasimple kong tinignan si Jealyn at nakitang ganoon na ulit ang pwesto niya. Imbes na kuhanan pa siya ng letrato gaya ng gusto ko, itinabi ko na lang ang cellphone at nag-focus na lang sa pag ubos ng inumin ko.
Nang matapos kumain at makapagpahinga ay nag-aya si Ronald na maglaro kaso ay may tumawag kay Jealyn at sinabing pinauuwi na siya. Wala kaming nagawa kundi ang umuwi na lang din dahil boring daw kung kaming dalawa lang ni Ronald ang maglalaro.
Sa biyahe ay nakatulog ako sa sobrang busog at nagising na lang na nasa bahay na. Mabilis ang pagpapaalam namin dahil nagmamadali raw si Jealyn. Pagpasok ko sa bahay ay humihikab pa ako.
"Wala kang pasok?" Ani Mama habang nakasilip mula sa tindahan niya.
"Wala po." Hindi na siya nagsalita at hinayaan na lang akong pumasok.
Nagpalit ako ng damit pambahay at saka patalong na humiga sa kama. Ilang minuto kong tinitigan ang kisame habang hawal ang suot na kuwintas. Ito 'yung regalo ni Jealyn.
Naalala kong hindi niya ito napuna kanina pati na rin ang post ko tungkol sa mga ibinigay niyang regalo kaya naman kinuha ko ang cellphone ko para sana sabihin sa kaniya ang napansin ngunit bakit pa? Umiling ako at inilapag ulit ang cellphone kaso ay tumunog ito para sa isang mensahe.
Mabilis kong kinuha iyon, umaasa na si Jealyn iyon kaso ay galing lang pala kay Marco.
Marco Rubio Lewis:
Good afternoon. Snacks tayo.
Imbes na replyan ay hinayaan ko nalang. Anong irereply ko roon, hindi ba? Pumikit ako at binalika ang mga nangyari kanina. Naalala ko ang litrato ni Jealyn habang kumakain at hindi ko mapigilang hindi matawa.
Hindi ko lubos akalain na malakas pala siyang kumain. Kung sabagay, volleyball player siya at halos lahat ng kilala kong player ay malalakas kumain.
Biglang nag pop up sa isip ko na sinabi nga pala ni Jealyn na may importante siyang sasabihin. Gusto ko man siyang tawagan ay hindi ko magawa dahil mukhang may importanteng nangyari base sa tawag na natanggap niya at sa pagmamadali niyang umuwi.
Nakatulog ako sa kaiisip kung tatawagan ko ba siya, kung itetext o hahayaan na lang. Nagising ako na madilim sa buong kwarto dahil hindi ko naman binuksan ang mga ilaw bago ako nakatulog kanina.
Kahit na pipikit-pikit pa ay pinilit kong tumayo at binuksan na ang ilaw. Bumalik ako sa kama at kinuha roon ang cellphone ko na tadtad ng mga mensahe mula kay Marco. Hindi ko alam kung dahil ba bagong gising ako o talagang naiirita ako sa mga mensahe niya.
Puro iyon pagbati na nakadipende sa kung anong oras na at ang iba ay puro pagaayang kumain. Kumalam ang sikmura ko ngunit tamad pa akong tumayo kaya humiga ulit ako ngunit hindi para matulog kundi para hayaan munang gumising ang kaluluwa kong inaantok pa.
Maya't maya ang tunog ng cellphone ko at dahil lahat iyon sa sunod-sunod na mensahe ni Marco. Should I text him and tell him to stop? Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na tawagan siya.
Naiinis ako at isa pa, naalala kong sasabihan ko nga pala siya tungkol sa desisyon ko kagabi. Balak ko sana kanina sabihin sa school kaso ay sinundo ako ni Jealyn at nawala na sa isip ko.
Hindi pa man natatapos ang unang ring ay agad na niya itong sinagot. Hindi ko na naman maiwasang hindi siya ikumpara kay Jealyn. Blanko ang nararamdaman ko habang naririnig ang boses ni Marco sa kabilang linya.
This is it. Mas okay naman na itong gagawin ko kaysa sa patagalin ko ito at pareho lang kaming mahirapan sa susunod, hindi ba?
Masigla niyang sinimulan agad ang pagkuwento kahit na hindi pa ako nakakapagsalita mula kaninang sinagot niya ang tawag. Aniya ay tuwang-tuwa raw siya at kinabahan nang makita ang pangalan ko na nag flash bigla sa screen ng cellphone niya kaya agad niyang nasagot dhail sa taranta.
"Marco..." pagputol ko. Agad namans iyang tumigil sa pagsasalita. "I have something important to tell you..."
Tumawa siya sa kabilang linya habang nanatiling blanko ang expression ko. Some people may think na masyadong mabilis ang gagawin ko ngunit kahit anong isip ko, dito ako dinadala ng lahat ng iyon.
"What is it? Nakakakaba, ah?" Aniya habang patawa-tawa. I'm sorry, Marco. I'm sure your laugh will slowly fade but then, I wish you all the best in life.
Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili sa kung ano mang sasabihin niya pagkatapos marinig ang mga katagang bibitiwan ko. "What is it, Yana? Sasagutin mo na ba ako?" Aniya nang hindi ako agad nakapagsalita.
I'm sorry... "Uh, actually, it's the other way, Marco. I can't see you as my boyfriend..." natahimik ang kausap ko. Tanging pagsinghap lang niya at ang bahagyang pekeng tawa ang narinig. "I know you're a good man but then, I really can't reciprocate your love. I'm sorry."
"What? Ang aga pa para masabi mo iyan, Yana!" Rinig ko ang frustration sa boses niya. Bumibigat din ang paghinga niya.
"I know maaga pa para masabi ko ito pero believe me, ilang beses ko itong pinag-isipan. Lahat ng scenario ay naisip ko na at lahat ng iyon ay dinadala ako rito. Lahat ng iyon ay nag eend sa desisyon ko ngayon. I'm sorry."
"Yana, ano iyon? Kailan lang ng sabihin ko sa iyong liligawan kita, ah? Kagabi pa nga lang yata iyon! Pag-isipan mo ulit."
Umiling ako na animo'y nasa harap ko ang kausap. "I'm sorry. I want you to stop courting me, Marco. But we can be friends naman." That's the last resort I can think of para maibsan ang sakit at galit, kung meron man, na nararamdaman niya.
"Friends my ass." Madiing usal niya saka pinatay ang tawag. Napasinghap ako. Being torn between two people is indeed, one of the hardest thing in the world. Ngayong naranasan ko iyon mismo, napagtanto ko na totoo ngang kung hindi ka makakasakit ay ikaw naman ang masasaktan. In my case, ako ang nakasakit. And that doesn't feel good.
Tama ba ang desisyon ko? Or nagpadalos-dalos na naman ako? Oh, God, what should I do?