Chapter Fourteen

2718 Words
"Ron, anong gagawin ko?" Nandito kami ni Ronald ngayong sa parke na matatagpuan sa tabing simbahan malapit sa school. Wala ang huling teacher namin para sa panghapon na klase kaya dumiretso kami rito. Kagabi ay hindi na naman ako pinatulog ng isipan ko. Pagkatapos ng tawag ni magsalita ni Marco ay agad siyang nagpaalam kaya hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon para makapagsalita. Hindi ko alam kung ayos lang ba iyon o hindi pero hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin kaya hinayaan ko na lang. Nakatanggap din ako ng mensahe galing sa kanya ilang minuto pagkatapos niyang ibaba ang tawag. Aniya ay nahihiya raw siya at hindi pa handang malaman ang magiging reaction ko. "Ano ba ang gusto mo?" Sinserong nakatingin sa akin si Ronald. Noong una ay nag dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang mga iniisip ko dahil baka hindi niya seryosohin kaya naman gulat ako ngayon na walang halong biro siya kung magsalita. Ano nga ba ang gusto ko? Sumagi sa isipan ko si Jealyn at ang kanyang magandang ngiti. Pagkatapos ng tawag ni Marco kagabi ay magka-text kami ni Jealyn. Nag tanong lang siya kung pinagalitan ba ako dahil late nang umuwi kaya naman sinabi ko ang totoo, na tulog na sila Mama. "Isipin mo," napaangat ako ng tingin kay Ronald. Kung hindi lang siguro seryoso ang usapan namin ay kanina ko pa siya tinawanan dahil with action pa kung siya ay magpaliwanag. "Hindi ka maganda pero problemadong problemado ka sa lovelife? Ang unfair talaga ng mundo." Binabawi ko na pala 'yung sinabi ko kanina na sinsero siya. Mabilis na lumipad ang kamay ko papunta sa kanya saka siya binatukan. "Aray!" "Mag seryoso ka kasi parang awa mo na." Mangiyak-ngiyak kong usal. Agad naman siyang umupo ng maayos at tingin ko naman ay magseseryoso na siya ngayon. "Alright, alright. Wag ka na umiyak baka ma-turn off si Jealyn." "Si Jealyn lang?" "Oo. Wala akong pakealam kay Marco. Bahala siya kung mat-turn off siya sa iyo. Ang mahalaga rito ay si Jealyn, okay?" Itinulak ko siya dahil sa mga kabalastugang pinagsasabi niya. Napaghahalataan tuloy na mas pabor siya kay Jealyn. "Ang bias mo! Umayos na kasi, Ron." Hindi ko alam kung gag* talaga itong si Ronald o sadyang hinahaluan niya lang talaga ng kalokohan ang mga sinasabi niya para sumaya ako. Kahit papaano naman ay effective dahil nad-divert ang attention ko. "Ganito, saan ka mas sumasaya? Kapag kasama mo si Marco o kapag si Jealyn ang kasama mo? Sana si Jealyn." Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi niya dahil kung papatulan ko pa ay lilihis na naman ang usapan. Nag-isip ako. Inalala ko ang mga pagkakataon na nakasama ko si Jealyn. Marami iyon at karamihan ay ilang buwan na ang lumipas ngunit tila kahapon lang ang mga iyon dahil sariwang-sariwa pa ang mga memorya ko sa kung paano niya ako napapatawa. Simpleng kilos lang niya, napapangiti na ako. Kahit nga yata ngumiti lang siya, magagawa niya akong pangitiin, eh. Marco, nagawa rin naman niya akong pangitiin at patawanin. Kailan lang kami nagkakilala at kahapon ko lang talaga siya nakasama pero masasabi kong masaya naman iyon. Tumatango-tango kong tinignan si Ronald na todo sa pagkain ng junkfood na binili namin kanina. "Both. Pareho nila akong napapasaya, eh." Nag-iiba na ang kulay ng langit. Hindi tanaw ang sunset mula rito pero ang makita ang unti-unting paghahalo ng mga kulay sa kalangitan ay nakaka-relax. "Hindi pwedeng both. Dapat isa lang. Marco o Jealyn?" Ang hirap naman. Bakit hindi pwedeng both? Kailangan ba, isa lang ang dapat na makapagpasaya sa isang tao? Hindi ba pwedeng maraming pagkukuhanan ng source of happiness? But to satisfy Ronald, pinag-isipan kong mabuti kung sino ang mas matimbang sa dalawa and nagc-come up ako sa iisang tao lang. Kahit anong timbang ko, siya talaga ang mas nakakapagpasaya sa akin ngayon kaya walang alinlangan kong binaggit ang pangalan niya. "Jealyn." Ngumisi si Ronald ng marinig ang sinabi ko. He looks like he won a gold medal sa Olympics kung makangiti. "One point for Jealyn, then." Nagulat ako nang may kuhanin siyang notebook at nakasulat doon ang pangalan ng dalawa. Gumuhit siya ng isa sa tabi ng pangalan ni Jealyn. "Next question, kanino ka comfortable?" Gaya kanina, pinagkumpara kong muli ang dalawa. Ilang oras din kaming nagtagal doon dahil matagal akong mag-isip at minsan ay puro kalokohan pa si Ronald. Madilim na nang nagpasya kaming uuwi na. Dala ni Ronald ang motor niya at may license naman siya kaya malaya siyang nakakapagmaneho. Niligpit namin ang mga pinagkainan at kalat namin bago tumayo at nilisan ang lugar na iyon. Tahimik lang kami dalawa buong biyahe. Hindi ko nanaman naiwasan na ikumpara si Marco sa pagmamaneho ni Ronald. Sadyang nakakamatay kasi magmaneho si Marco kaya ipinangako ko sa sarili na hindi na ako aangkas sa kaniya. Naging mabilis ang byahe namin dahil gabi na at kakaunti na lang ang mga sasakyan. Halos manginig ako dahil sa hanging malakas na humahampas da balat ko kaya naman laking tuwa ko nang makarating na kami sa bahay. "Thanks, Ron. See you tomorrow." Aalis na sana ako kaso ay hinawakan niya ang braso ko kaya naman napalingon ulit ako sa kaniya, nagtataray. "Sandali. Last question." Unti-unti akong nag relax. Hinarap ko siya ng maayos at tahimik na hinintay ang itatanong niya. "Sinong mas gusto mo?" Natahimik ako. Kanina pa ako nakapag desisyon at hindi ako makapaniwala na ganoon ang magiging desisyon ko. "I'll tell you when I'm fully ready." Nginitian ko siya saka niyakap. Ikinagulat niya iyon na siyang ikinatawa ko. "Thanks, Ron. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung wala ka. Baka hanggang ngayon ay litong lito pa rin ako." Lumayo ako sa kanya dahil bahagya niya akong itinulak. Maarte niyang pinagpagan ang dibdib niya at balikan kaya agad ko siyang binatukan. "Ang kapal ng mukha mo. Ikaw nga amoy pawis ka, nag reklamo ba ako?" "Sino ba kasing may sabing yumakap ka? 'Yan ang consequence mo kasi padalos-dalos ka kung kumilos." Iiling-iling niyang isinuot ulit ang helmet niya. Umatras ako ng makitang naghahanda na siya para sa pag-alis. "Anyway, wala iyon. Tawagan mo lang ako kung magkaproblema ka. Una na ko, bye." Kinawayan ko na lang siya habang pinagmamasdan ang pag-alis niya. Pagpasok ay dinatnan ko si Mama at Papa sa sala, kumakain na ng hapunan. Six thirty pa lang pero kumakain na sila. Ibinaba ko ang bag ko sa gilig ng upuan at saka nagmano sa dalawa. "Kumain kana roon. May tocino." Inginuso ni Papa ang kusina. "Opo. Ang aga ninyong kumakain? Sina Ate?" Kinuha kong muli ang bag ko at lumapit sa hagdan. Hinintay ko muna nag pagsagot nila bago aakyat. "Wala pa sila. Bebe time namin ng Mama mo kaya naman maaga kami kumain." Anang tumatawang si Papa. Malakas siyang tinadyakan ni Mama kaya napadaing ito. Umiling ako habang tumatawang pinagmamasdan sila. "Saan niyo po narinig ang bebe time na iyan?" Hindi na ako makahinga kakatawa. "Narinig ko roon sa anak ni Mercy. Iyon ang sinabi niya bago sila umalis noong kasintahan niya." Iiling-iling akong umakyat sa taas at hinayaan na ang dalawang mag-asaran doon. Pagpasok sa kuwarto ay dumiretso ako sa study table para roon ilagay ang bag ko. Nahinto ako nang makita ang kulay pink na paper bag. Kinuha ko iyon. Kung tama ang naalala ko, nakuha ko ito noong intrams at nilalagnat ako. Sa totoo lang ay nawala na ito sa isip ko. Kinuha ko iyon ay ngayon lang napansin ang card na nadikit. Nang mabasa ang nakausalt, halos manlaki ang mga mata ko. Hi! Happy Intrams Day! - Jealyn What the hell? Is there such thing as 'Intrams Day'? Binuksan ko ang paperbag at nakitang isang maliit na chibi pillow na hindi ko makilala kung sinong character ang nandoon. Sumagi sa isipan ko ang regalo na ibinigay niya kahapon. Lumapit ako sa damitan ko at binuksan. Dito ko tinago iyong regalo. Nang makuha ay bumalik ako sa study table ko at saka ipinatong iyon sa tabi ng paperbag. Mamaya ko na lang bubuksan dahil maliligo muna ako. Pakiramdam ko ay dumikit ang amoy ni Ronald sa'kin. Ichinarge ko ang cellphone ko at saka ginawa na ang mga night routine ko. Nang matapos ay lumipat ako sa kama bitbit ang dalawang regalo. Malakas ang t***k ng puso ko habang sinisira ang gift wrap. Nagulat ako nang makita ang isang itim na box at may malaking tatak ng isang sikat na local jewelry shop sa bansa. Dahan dahang kong binuksan ko ang kahapon at bumungad sa akin ang isang nangingintab na kwintas. It was my name engraved in a gold something na hindi ko alam ang tawag. Tatlong magkakadikit ang kwintas at ang pinakamalaking pendant sa lahat ay ang moon at sun na magkasama. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Inilapag ko ang kwintas sa tabi ng chibi pillow saka ito kinuhanan ng litrato. Itinabi ko ang chibi pillow at saka isinoot na ang kwintas. Mukha itong out of place sa leeg ko. Ang kintab niya ay agaw pansin. Nagselfie ako habang suot ang singsing saka humiga na sa kama. Binuksan ko ang social media ko at saka pinost ang picture roon. 'Thank you' iyon ang caption. Dinagdagan ko pa ng tatlong maliliit na puso sa huli saka na iyon pinost. Nang masiguro na maayos ang mga post ay saka ako nagpasya na i-text si Jealyn. Ang effort niya para bigyan ako ng personalized necklace ay walang katulad. Idagdag pa na galing ito sa isang sikat na jewelry shop. Siguradong mahal. Me: Hi, Jea! Binuksan ko na ang gift mo and I liked it. Mabilis kong isinend iyon at agad na nagtipang muli ng panibagong mensahe ng may ma-realize. Me: I love it pala. Binuksan ko na rin 'yung gift mo noong intrams. It's cute pero diko makilala 'yung character, hehe. Thank you! Mabilis ang naging reply niya. It was a simple 'you're welcome' message kaya hindi ko na naisipang replyan. I suddenky remembered my talk with Ronald kanina. Sa tinagal-tagal naming magkaibigan ay iyon na ang pinakaseryoso naming pag-uusap. Malaking tulong ang mga sinabi niya sa akin kanina. "One point for Marco, then." Naalala ko kung gaano siya kawalang gana ng bigyan ng isang pintos si Marco matapos kong sabihin na kay Marco ako mas comfortbale. Jealyn always makes my heart beat and palagi akong hindi mapakali kapag nasa paligid siya, the reason why I think mas comfortable ako kay Marco. "Jealyn won. 4-1 ang score. But no matter how many scores they get, ang pinakaimportante rito ay kung sino ang tunay na nagmamahal sa iyo, Yana. You know I always joke around pero this time, I'll tell you seriously na kahit sino sa dalawa ang piliin mo, ayos lang sa akin as long as you're happy." That was the best words I got from Ronald since our friendship started. Never siya nagsabi ng mga sweet na salita dahil palaging puro kalokohan ang alam kaya hindi ko napigilang hindi maluha kanina. Kahit ngayon na inaalala ko ang lahat ng sinabi niya, naluluha ako. He's the best. "Pero of course, iba 'yung saya kung si Jealyn end game mo." I know na kahit ganoon ang mga sinasabi niya, he won't force me to choose Jealyn. Ronald words helped me alot para makapag-isip at ma-organize ang isip ko. I guess telling him everything isn't bad at all. Nanlaki ang mga mata ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Jealyn's calling. Tinitigan ko iyon. Hindi ko alam kung anong sasabihin at kung bakit siya tumatawag. I was about to swipe the answer button nang biglang mawala ang tawag. Bumuntong hininga ako. They say comparing a person to another is not a good thing. Pero tingin ko naman ay hindi iyon naia-apply sa lahat. What if you're like me, torn between two people. How will you choose if you'll never compare them, hindi ba? Comparing, I think, is inevitable. Ronald taught me that. Kahit hindi siya aware, he made me realize so many things. Ang mga problemang akala ko ay walang solusyon noon ay napag alaman kong maliit na problema lang pala. Ang bagay na hindi ko maintindihan ay nasa harap ko na pala ang sagot, ayaw ko lang tignan. Or tinitignan ko pero hindi ko matanggap. Choosing between two person is hard. Hindi maiiwasan na makasakit kahit anong pilit na pagiwas. It's a fifty-fifty decision. It's either you'll get her or you'll hurt someone. I was about to sleep when my phone suddenly rang. Kinuha ko agad iyon at nakitang si Jea ulit ang tumatawag. This time, without thinking, agad kong sinagot iyon. Katahimikan ang bumungad sa amin. I can hear her breath heavily kaya naman ang puso ko, ayan na naman, nagwawala. Kinagat ko ang labi ko at pumikit habang pinakikinggan ang paghinga niya sa kabilang linya. "Kanino mas tumitibok ng malakas ang puso mo? Sabi kasi nila, isa iyon sa sign na gusto mo ang isang tao." Naalala ko ang mga tanong ni Ronald kanina. Kanino nga ba mas tumitibok ng malakas ang puso ko? Earlier, I answered him na it was Jealyn who can make my heart skip a beat at tingin ko, mananatiling iyon ang sagot ko. Kung paulit-ulit akong tatanungin ng parehong tanong, paulit-ulit ko ring babanggitin ang pangalan ni Jealyn. Ngayon nga na wala pa siyang sinasabi ang bilis-bilis na ng t***k ng puso ko. Triple pa kung kasama ko siya at malapit siya sa akin. Isang malalim na buntonghininga ang narinig ko makalipas ang ilang minutong katahimikan. "Hi." Her bed voice is something spectacular. Nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa katawan ko ng marinig kung gaano kaganda at kahinahon ang boses niya. "H-hi." Napakagat labi ako. D*mn, I'm nervous. "Hindi ka na nag-reply kaya naisipan kong tumawag." Silence. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bakit ba pagdating sa kaniya ay abot langit ang kaba ko at tila nabablanko ang isip ko? Para lang akong isang lobo na palipad-lipad sa hangin sa tuwing kasama ko siya. "Yana?" Aniya nang hindi ako magsalita ilang minuto ang lumipas. I'm thinking about the decision I made the moment na matapos kaming mag-uspa ni Ronald. Malaking hakbang ang gagawin ko at hindi ko alam kung kakayanin ko ba. Hindi ko alam kung maaabot ko ba ang gusto kong abutin. But then, Ronald's words are powerful. Para silang mga paru-paro na lumilipad sa isip ko, ayaw na makalimutan ko sila. "Jealyn...I-" bago ko pa matapos ang sasabihin ay biglang naputol ang tawag. Tinignan ko pa ng mabuti ang cellphone ko at baka nag lowbat lang pero hindi. Maya-maya ay may natanggap akong mensahe kay Jealyn na humihingi ng tawag dahil may biglaang lakad lang daw siya kaya hinayaan ko na. I guess I was wrong nang isipin na ito na ang right time to tell her about my decision. Huminga ako ng malalim at inilapag na ang cellphone sa gilid saka humiga ng maayos. This day is tiring. Namutawi sa utak ko ang mga nangyarai nitong mga nakaraang araw. Unti-unti, nakikita ko na ang mga rason kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Sa tuwing naaalala ang mga pagkakataon na iniignora o 'di kaya ay sinusungitan ko si Jealyn ay parang gusto kong sapituhin ang sarili ko. Ngayon ay narerealize ko na ang bawat desisyong ginawa ko na hindi ko pinag-isipan. Iyon marahil ang mga naging batayan ni Ronald para masabing padalos-dalos ako. Ngayon ay sigurado na ako sa huling tanong ni Ronald sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap doon ang numero ni Ronald at mabilis itong tinawagan. "What?" Masungit na usal niya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka sinigawan ko na siya. "May sagot na ako sa huling tanong mo." "Oh, anong pake ko?" Hindi talaga niya kayang mag seryoso kahit isang araw lang, ano? "Ronald, diba sabi ko sa iyo kanina na sasabihin ko sa iyo pag may sagot na ako? Eto na 'yun." Sobrnag tindi ng pagpipigil ko para lang hindi siya masigawan. "Ah. Ano nga ulit 'yung tanong ko?" Hindi ako nagsalita. Huminga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili at paulit-ulit na inisip ang mga mabubuting bagay na nagawa niya. "Joke lang. Oh, sinong mas gusto mo?" This is it. The biggest decision I ever made. Kabang-kaba akong nagsalita. "It's Jealyn. And I think I'm ready to be in a relationship with her, Ron."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD