"Ano ba, Ronald? Ang tagal mo naman!" Singhal ko nang sagutin na niya ang pangalawang tawag ko. Magte-thirty minutes na yata akong nilalamok dito sa parking lot ng mall kahihintay sa kaniya.
"Sandali lang po, mahal na prinsesa." May panunuya sa boses niya. "Ang sarap na ng higa ko mang-aabala ka pa. Bakit ba kasi mag-isa ka diyan? Iniwan ka ni Marco?"
Naalala ko nanaman tuloy ang nangyari kanina. Hindi ako iniwan ni Marco. Ako ang nang-iwan. Now I wonder kung nasa mall pa siya? Try ko kaya balikan?
"Hello? Yana, buhay ka pa?"
Kung babalik ako sa loob, baka wala na rin akong datnan na Marco lalo na't ilang minuto na rin ang lumipas simula nung umalis ako. Baka mapagod lang ako. "Matagal ka pa ba?"
"Sandali na lang. Nasaan ka ba banda? Entrance?"
"Nasa parking ako. Motor ba ang dadalhin mo? Kung oo, pagdala mo ako ng jacket, malamig eh." Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. Nanahimik ng ilang sandali bago siya ulit nagsalita.
"Oo na, sige. Sandali lang wag ka aalis diyan." Muli, katahimikan ang namagitan sa amin. Naririnig ko ang paghinga niya. Kumunot ang noo ko ng sunod-sunod na kaluskos ang narinig ko at maya-maya ay pabulong na nagsalita si Ronald.
"Oo. Parking daw, mag-isa. Ano? Hindi. May ginagawa kasi ako." Kahit mahina ay naiintindihan ko. Sino ang kausap niya? "Sh*t." Malutong pang mura niya ng may bumagsak na hindi ko mawari. Teka, hindi pa ba siya nakakaalis?
"Ronald, nasaan ka na?" Nagsisimula na akong mainis at makaramdam ng hindi maganda. Sana naman ay mali ang naiisip ko dahil kung magkatotoo man, malalagot talaga si Ronald sa akin.
"Ha? Mag-isa nga raw sa parking. Oo. Talaga?" Lumakas ng bahagya ang boses niya. Sino ba ang kausap nitong lalaking ito at nasaan siya? "Pakidala ng jacket. Thank you! Ingat."
"Ronald, nasaan ka? Mag-iisang oras na ako rito!" Hindi ko na mapigilan ang inis. Nag-iinit ang ulo ko dahil mula sa mga huling narinig ko mula sa kanya kanina, sigurado na akong hindi nga siya ang susundo sa akin.
Hindi ko alam kung anong ipinakain dito sa kaibigan ko at kung ipagkalulo ako ay ganoon na lang. Parang kulang na lang ay ibugaw ako. "Ha? Basta. Diyan ka lang. Ibababa ko muna ito lowbat na ang cellphone ko." Bago pa ako makapagsalita ay narinig ko na ang sunod-sunod na beep, hudyat na ibinaba na nga niya ang tawag.
Umupo ako sa isang gilid at natulala. Nag-isip ako ng mga paraan kung paano ko magagantihan si Ronald sa mga ginagawa niya sa akin. Lalong tumindi ang kagustuhan kong saktan si Ronald lalo na ng makita ang pamilyar na kotseng pula habang dahan-dahan itong umaandar papasok sa parking.
Putang*na, Ronald! Sa inis ay dali-dali akong tumayo at sinalubing ang kotse ng isang nakamamatay na tingin. Badtrip na nga ako kanina, lalo pa akong nainis sa ginawa ni Ronald!
Huminto ang kotse, tama lang para hindi ako masagasaan. Hindi gaanong tinted ang salamit kaya kitang-kita ko ang mga paggalaw sa loob. Sinundan ko ng tingin ang babaeng tila tamad habang iniaalis ang setbelt. Pati ang paglabas niya ng sasakyan ay tila wala siyang gana.
Nagtagpo agad ang mga tingin namin. Para aking sinasaksak ng ilang libong beses habang nakatitig sa mga mata niyang tila namatay na dahil walang kahit anong emosyon ang makikita sa mga ito. Para akong pinapatay kahit na nakatayo lamang siya sa harapan ko at walang ibanh ginagawa kundi ang makipaglaban ng tingin sa akin. Para akong inabandona ng kaluluwa ko, lalo na ng maalala na ako ang dahilan kung bakit unti-unting naglaho ang mga kulay sa mga mata niya na dati'y kitang-kita ko.
"Sakay na." Aniya matapos ang ilang minutong katahimikan. Wala na akong nagawa kundi ang sundin siya. Hindi naman pwedeng pairalin ko na naman ang pride ko dahil gabi na at baka iwan niya ulit ako. Kung ganoon ang mangyayari, wala na akong ibang choice kundi ang maglakad pauwi dahil kanina pa ang last trip ng mga bus.
Amoy ng matamis na candy ang sumalubong sa akin pagkapasok sa kotse niya. Malinis at kulang na lang ay kumintab ang mga gamit na nandito. Habang inaayos ko ang seatbelt ko ay siya naman pagpasok niya at ganoon din ang ginawa.
"Si Ronald ang nagsabi sa iyo?" Hindi ko alam kung sana ko nakuha ang lakas ng loob ko para maunang magsalita. Siguro ay sa inis ko kay Ronald? Sa pananabik kong makasama siya? Hindi ko alam. Basta ang mahalaga naman ay hindi maging awkward ang atmosphere namin, hindi ba?
Ngunit hindi pa man nakakalipas ang ilang segundo ay tila pumutok na agad ang pag-asang hinahawakan ko na hindi magiging awkward ang byaheng ito dahil isang tanong at isang sagot kung kausapin ako ng kasama.
"Oo." Tinawag ko na lahat ng santo sa langit para manghingi ng tulong kung paano ko palalakarin ang usapan namin. Hindi ko naman magawang isisi sa kaniya dahil ako naman ang may kasalanan, hindi ba?
Edi kung hindi sana ako na confuse noon at kung agad ko lang tinanggap ang nararamdaman, edi sana hindi nawala ang kadaldalan niya kapag kasama ako, hindi ba?
"Ahh, haha." Gusto kong magmura! Nakaka ewan naman ito. Pakiramdam ko ay tarantang taranta na ang mga braincells ko kaiisip ng pwedeng itanong o sabihin.
Naipit na kami't lahat sa traffic ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Imbes na ipilit, mas pinili ko na lang na titigan ang mga ilaw ng mga sasakyang napahinto rin gaya namin. Ang ilan ay taeng-tae na yata at hindi makapaghintay kakabusina. Akala naman nila ay may magagawa ang pag-iingay nilang iyan.
"Hindi ko alam na mas interesado ka pala sa ilaw ng sasakyan kaysa sa akin." Mabilis ang naging paglingon ko ng biglang magsalita ang kasama ko. Oh, Praise the Lord! Tila naawa ang mga nasa langit sa akin at pinagsalita nila si Jealyn. "Oo nga pala. Simula pa lang, ayaw mo na sa akin."
Ramdam na ramdam ko ang pag-ikot ng kung ano sa sikmura ko. Para akong nasusuka na hindi mawari. Ang sakit sa boses niya ay tila asidong mabilis na kumalat sa buong sistema ko. Tang*na, Yana. Anong ginawa mo?
"Sorry." Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nang makalagpas na kami sa traffic ay naging mabilis ang andar niya. Naging maluwag ang daan dahil ang mga sasakyang naipit sa traffic kanina ay karamihan sa Bulacan o hindi kaya ay Manila at Clark ang punta.
Suminghap ako. Namutawing muli ang katahimikan sa pagitan namin. Parang mas gusto ko na lang maglakad, ah? "Ah, muntik ko ng makalimutan. Pinadala ni Ronald 'yung jacket sa likod. Kung nilalamig ka, suot mo lang." Iyon na yata ang pinakamahabang salita na sinabi niya sa akin simula noing birthday ko.
Walang alinlangan kong kinuha ang sinasabi niyang jacket at mabilis itong isunuot. Namutawi sa ilong ko ang pamilyar na amoy. Amoy Jealyn. Naibsan ang lamig na nararamdaman ko sa katawan ngunit hindi ang lamig sa puso ko.
Nang huminto ang kotse dahil nahuli ito sa traffic light ay mabilis na kinuha ni Jealyn ang kaniyang cellphone at nagtipa roon. Buong minuto na nakahinto kami ay nakaharap lamang siya sa kaniyang cellphone.
Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang matitigan siya. Ang ilong niyang matangos ay kapansin-pansin. Ang mga mata niyang magaganda ang pinakapaborito ko. Ngayon ko lang din napansin ang morena niyang balat na mas lalong nadepina.
"Jealyn..." nanlaki ang mga mata ko at napatutop sa bibig ng may tumakas na tinig mula rito. Hindi ko sinasadya! Sinulyapan lamang niya ako dahil abala siyang muli sa pagmamaneho. Ang kaba ko ay lalong lumala at para aking nahihilo sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. What now?
Bago ko pa mabawi ang mga gustong sabihin ay biglang tumunog ang cellphone ko para sa isang text. Nakita kong may mga messages din si Marco roon ngunit hindi ko iyon pinansin. Pinindot ko ang pangalan ni Ronald na nasa pinakataas dahil siya ang pinaka recent na nagtext.
Ronald:
It's now or never.
GM. GoOd EvEnIng Pheowz!
R0nAlD tHe PoGi Hir!
--6_9_4_3_v_3_r--
Ano ba ang nangyayari sa kaibigan ko. Sana ayos lang siya. Tinitigan ko ang tanging matinong mensahe sa 'Group message' 'di umano niya. It's now or never. Tila gatilyo iyon na siyang nagpaapoy sa lakas ng loob ko.
Binalingan ko si Jealyn na tahimik lamang na nagmamaneho. Ang isang kamay niya ay nakapahinga sa bintana habang ang isa ay hawak ang manibela, syempre.
"Jea.." pati ang paglingon niya ay pakiramdam ko ang bagal. Nailawan ang mga mata niya at hindi nakatakas sa aking paningin ang isnag emosyong ngayon ko na lang ulit nakita. Excitement. "I like you."
Suminghap ako. It's now or never, Yana. Iyon ang matra ko sa sarili habang pinagmamasdan siyang nanlalaki ang mga mata at laglag ang panga sa gulat. Iginilid niya nag kotse at saka unti-unting huminto.
"What?"
"I like you." Lakas loob kong usal. Hindi ko lubos akalain na darating ako sa puntong ito ng buhay ko. Lahat ng pinaniwalaan ko sa loob ng ilang taon ay unti-unting nabuwag at napalitan ng mga bago. Para silang isang lumang gusali na unti-unting tinibag para magbigay espasyo sa panibaging gusali na unti-unti ring itatayo.
"Is this a prank?" Taliwas sa sinabi niya ang reaction na nakikita ko sa mukha niya. Tila isang bagong buhay ang ibinigay sa akin nang makita kong muli ang mga kulay at sigla sa mga mata niya. Pati na rin ang ngiti niyang mala toothpaste model. "D*mn. What?" Tumawa siya.
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti habang pinagmamasdan siyang hindi makapaniwala sa mga katagang sinabi ko. Bukas, yayakapin ko talaga ng mahigpit si Ronald. Sobra-sobrang confidence ang ibinigay ng 'it's now or never' niya.
"It took me some time to realize na nahulog na pala ako sa iyo. It's a tough journey for me lalo na, simula pagkabata ay nakatatak sa akin na ang babae ay para sa lalaki, at ang lalaki ay para sa babae lang. Nothing in between. Pero hindi ko alam kung anong ipinakain mo sa akin at nagbagong bigla ang pananaw ko."
Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay hindi na malaman kung anong gagawin. Ramdam ko ang kaba ko at ang bahagyang panginginig ng mga kamay ko. Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. "But then, I realized, palagi kitang hinahanap sa tuwing wala ka. Palagi akong naiinis sa tuwing nakikita kang nakikipag-asaran sa iba. Kanina ko lang din natanggap ang lahat kaya gusto kong humingi ng sorry..."
"Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi jinudge kita. Sorry kasi hindi ko alam kung paano ko ibabalik ang nararamdaman mo. Sorry kasi-"
"Stop." Pagputol niya sa mga sasabihin ko pa sana. "Stop it. Stop saying sorry."
Tumango ako. "Alright. Sorry. Uh I mean... sorry."
"Seriously, Yana?" Hindi ko napigilan ang pagtawa sa naging reaction niya. Nag sorry lang naman ako kasi nag sorry ako. Ay ewan!
"Anyway, thank you. Thank you for accepting the reality na ang isang Liana Garcia ay nahulog sa pinakamagandang volleyball player at photojournalist na si Jealyn. Kahit na hindi mo pa maibabalik ang love ko, ayos lang. Willing tk wait, ma'am." At sa muling pagkakataon, ipinakita niyang muli sa akin ang signature smile with a wink niya.
Napasinghap ako at napahawak sa dibdib ng maramdaman ang isang malakas na kabog mula rito. Nang pareho na kaming nakabawi, pinaandar na niyang muli ang sasakyan.
Naging tahimik ang biyahe ngunit iba ito sa kanina. Ang katahimikang namumutawi sa pagitan namin ngayon ay nakaka-relax, hindi gaya kanina na nakaka-stress.
Ilang sandali pa ay nakaratin na kami sa amin. Mabilis akong nagpasalamat at nagpaalam sa kaniya. Bago ko pa maisarado ang pintuan ay mabilis niya akong tinawag kaya naman binuksan kong muli ito. "Here's my birthday gift for you. Sorry, late." Tumango ako at nagpasalamat saka na pumasok sa gate nang matanaw na ang paglayo ng sasakyan niya.
"Sino naghatid sa iyo?" Ngiting-ngiti kong hinarap si ate na nakatambay pala sa may tindahan sa tabing bahay namin. Lumapit siya sa akin habang taas kilay akong tinitignan. "Gabi na ah? Boyfriend mo?"
Hindi ko alam pero mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang marinig ang salitang boyfriend. Kung alam mo lang, Ate. Imbes na sagutin siya ay tumakbo ako papasok ng bahay. Wala na sila Mama at Papa sa sala. Baka tulog na kaya naman dumiretso ako sa kwarto.
Inilapag ko ang cellphone ko pati na ang maliit at kulay pink na paper bag na siyang ibinigay ni Jealyn kanina sa mesa at doon ko lang naalala na hindi ko nga pala dala ang bag ko! Naiwan iyon sa school dahil hindi ko naman iyon dala noong nagpunta ako sa rooftop!
Ipinagkibit balikat ko na kang iyon saka dumiretso sa damitan ko at kumuha ng pantulog. Naligo ako at pasayaw-sayaw pa sa banyo. Para akong lumulutang sa mga ulap habang inaalala ang mukha ni Jealyn kanina. Nakita kong muli ang magaganda niya ngiti at ang kaniyang kinday na siya yatang dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya.
Pagkatapos maligo ay ginawa ko na ang lahat ng routine ko. Wala akong assignment dahil hindi naman ako pumasok at wala rin ang bag kor ito kaya naman social media ang pinagdiskitahan ko.
Abala ako sa pagtingin ng mga memes nang biglang mag pop-up ang pangalan ni Marco. He's calling. Agad ko iyon sinagot. "Hello?"
"Hello. Nagising ba kita?" Malalim ang boses niya at bakas dito ang antok. "Hindi naman. Sorry pala kanina, iniwan kita." Usal ko. Pinaglaruan ko ang unan na yakap ko habang pinakikinggan ang paghinga niya sa kabilang linya.
"No, it's okay. I understand. I called because you're not replying, eh. And I have something to tell you--or ask you."
Napaupo ako. Seryoso ang boses niya. Na-guilty tuloy ako dahil sa pag-iwan ko sa kaniya kanina. "Sorry. Naging busy kasi ako kaya hindi ko namalayan ang cellphone ko."
Now I realized how Marco and Jealyn differ from each other. Marco is the serious type and Jealyn is happy-go-lucky type. But ang pinakanapansin ko ay ang pagkakaiba nila pagdating sa akin. Ang puso ko ay tila rebeldeng kumakawala sa tuwing kasama si Jealyn ngunit pagdatin kay Marco ay tila isa itong tahimik na hanging kung hindi titibok ay hindi mamamalayang nag eexist pala.
Hindi ko mapigilan ang sariling ipagkumpara ang dalawa. Ngayong namumutawi ang katahimikan sa pagitan namin ay lalo kong napatunayan ang pagkakaiba nila.
"Ayos lang, haha." Kahit ang tawa nila ay malayong-malayo. "Can I ask you something?"
"Hmm." Nakapikit kong usal. Inaantok na ako at hinihintay na lamang na ibaba ni Marco ang tawag bago matulog. Ang bastos naman kung tutulugan ko siya, hindi ba?
"The moment I laid my eyes on you, na realise ko na iba ka. You made my hesrt skipped a beat kahit na hindi oa naman tayo nagkikita..." Napamulat ako at napaupo. Ito pa lang ang nasasabi niya ay parang gusto ko na siyang pahintuin. Kung hindi lang nakakabastos iyon ay baka pinatayan ko pa siya ng tawag.
"I like you, Yana. Can I court you?" Hindi ako nakapag salita. Pakiramdam ko ay nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. Tama naman ang dinig ko hindi ba?
"What?" Kahit na sigurado sa narinig ay hindi ko pa rin napigilang magtanong.
"You made me fall in love for the first time. You made my heart beat fast. I like you, Yana. Believe it or not. And gusto kong baguhin ang tanong ko kanina. Hindi na pala kita tatanungin. Liligawan na lang kita ng kusa, sa ayaw at sa gusto mo. I'll prove to you na pure ang intentions ko saiyo. I hope you'll give me a chance."