Chapter Twelve

2660 Words
I skipped class. Pakiramdam ko ay nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Gusto ko na lang na lamunin ako ng lupa ngayon mismo, rito sa kinatatayuan ko. Siguradong nasa ikatlong subject na ang mga kaklase ko ngunit heto ako, nakatayo pa rin sa rooftop, tinitiis ang init na bigay ng araw. Mas okay na na mainitan ako, sa ganito kasi ay naaagaw ng napapaso kong balat ang atensyon ko at nakakalimutan ko ang hapding nararamdaman sa dibdib ko. I admit, it took me alot of courage bago mailabas ang lahat ng nasa saloobin ko. Kahapon lang ay itinatanggi ko pa ang mga nararamdaman ko ngunit ngayon, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob upang aminin sa sarili ang totoong sigaw ng puso ko. It was hard--no. Up until now, I feel like I am carrying a a bunch of tree trunks on my back. It's hard. Heavy. Gusto kong umiyak at magwala. I grew up knowing and firmly believing that I will fall in love and marry the man of my life and everything turned upside down when Jealyn came. She made me feel confuse, insecure, happy, sad, mad, and anything in between. I miss her kapag hindi ko siya nakikita and yet I am pushing her away sa tuwing malapit siya. I am pushing and pulling her at the same time. I know that. I didn't mean to do that. "Ang init-init, nandito ka?" Mabilis kong pinalis ang mga luhang patuloy sa pagpatak. Marco shared his umbrella with me. "Anong ginagawa mo rito?" I tried so hard not to sound hurt but I couldn't. It's hard. "Tambayan ko ito sa tuwing break time. Ikaw? Bakit dito ka umiiyak?" Kahit na alam kong nakita na niya, hindi ko pa rin lubos akalain na aware siya sa pag-iyak ko. "I'm sorry. I heard everything." Marco. Paano kung nakilala ko na siya bago pa si Jealyn? Sa kaniya ba ako magfa-fall? Sa kaniya ba ako makakaramdam ng mga feelings na bago lang sa akin? Kung una ko ba siyang nakita, may tiyansa pa bang malito ako at mahulog kay Jealyn? "Ahh. Wala iyon. Wag mo na pansinin." I faked a laugh. Nagulat ako nang hawakan niya ang likod ko at bahagyang hinagod ito. Hindi ko tuloy napigilan ang mga panibagong luha na tumakas sa mga mata ko. Ang ayoko sa lahat ay ang kino-comfort ako sa tuwing malungkot ako. Lalo lamang akong iiyak kung ganoon. "Is it a one-sided love?" Is it? Patuloy lamang siya sa paghagod sa likod ko. It is comforting. "You like Jealyn and she doesn't like you? Tama ba?" No, it is not a one-sided love and it's not Jealyn who can't reciprocate the love. It's me who can't love her back. No- I mean, I do have feelings for her pero hirap akong iparamdam ito pabalik na siyang nagpapakomplikado sa lahat. I do love her, but I couldn't admit it to her. "You know what? Labas na lang tayo. I'll treat you sa bagong bukas na ice cream shop malapit sa palengke. G?" Hindi ko alam kung paano ako napapayag na umalis doon ni Marco. Kanina ay siguradong-sigurado ako na hahayaan ko ang sariling mangitim doon sa rooftop ngunit ang maisip ang lamig na dala ng ice cream ay siya yatang nakapagkumbinse sa akin na sumama. Gaya noong birthday ko, umangkas ako sa motor niya. Hinanda ko ang sarili ko sa mabilis na patakbo ngunit ilang minuto na kami sa byahe ay katamtaman lamang ang takbo niya. Ang pagtama ng hangin sa mukha ko ay nakakapagpakalma sa akin kahit papaano. "Akala ko ba sa tabi lang ng palengke?" Sigaw ko nang mapansin na dunire-diretso kami at nilagpasan ang palengkeng katapat lamang halos ng school. "Ah? Hindi ko napansin na lumagpas." Ang buong akala ko ay iikot kami at babalik ngunit nagkamali ako. Tinahak niya ang pamilyar na daan. Ang papunta sa mall. Imbes na magreklamo ay hinayaan ko na lamang siya tutal ay libre naman niya. Nang makarating ay agad kaming pumasok at dumiretso sa isang sikat at mamahaling tindahan ng ice cream. "Marco, alam kong may kaya ka pero pwede naman tayo sa mumurahin lang." Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala. Nakapagsabi na siya ng order at hinihintay na lang namin ito. Naupo kami sa upuang malapit lamang sa tindahan at tanaw ang maliit na carousel sa loob ng mall. May mga batang masasayang nakasakay roon habang paikot-ikot ang mga kabayo. They're too innocent to know na hindi masaya ang magpaikot-ikot. Nakakahilo. Nakakapagod. Nakakasawa. "Here. Cheer up. Mas maganda ka kapag nakangiti ka." Inilapag ni Marco ang chocolate ice cream na siyang pinili ko. Ngumiwi ako nang nakita ang sa kaniya. Purple Yam Ice cream. "What?" Aniya nang mapansin ang masamang titig ko sa kinakain niya. "Gusto mo?" Agad akong umiling. Ipakain mo na lahat ng ice cream flavor sa akin wag lang ube. "No, thank you. Hindi ako kumakain ng ube." "Is that so? Sayang favorite ko ang ube." Oh? "Opposite pala tayo, kung ganoon." I wonder if Jealyn likes ube, too? Mabilis kong ipinilig ang ulo ko nang biglang maisip si Jealyn. What the hell? Pagkatapos kumain ay gumaan ng kaunti ang nararamdaman ko. Nagawa kong kalimutan pansamantala ang nararamdaman lalo na nang dumiretso kami sa Tom's World. We played almost every game hanggang sa mapagod kami. Marco is not that bad. Masaya siyang kasama actually. Wala akong tigil kakatawa habang pinapanood siya ngayon na sumasayaw kahit na maraming nanood. Marunong ngunit hindi magaling. "Come on, Yana." Sigaw niya nang makitang nakatayo lamang ako sa gilid at pumapalakpak habang tinatawanan siya sa tuwing nagkakamali o 'di kaya ay namumuntikang matumba dahil sa bilis ng mga steps. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal sa mall ni Marco. Pagkatapos maglaro ay nagpasya kaming maglakad-lakad na lang muna. Nang mapadaan sa National Bookstore ay agad ko siyang hinatak papasok doon. "Sa iba na lang tayo. Nakakainip kaya sa bookstore." Kung hindi lang ako nilibre ng isang ito, baka nag walk out na ako nang marinig ang sinabi niya. Anong nakakainip sa bookstore eh ang saya nga roon habang nakikita ang iba't ibang aklat at mga art materials? "Hintayin mo na lang ako sa labas kung ayaw mong pumasok." Malamig na usal ko saka siya iniwan doon. "Sandali! Eto na sasama na. Ano ba ang bibilhin mo diyan?" Hindi ko siya pinansin. Abala ako sa pagtingin ng mga art materials. Bawat gamit na hinahawakan ko ay tinitignan ko ang presyo. Kung mahal, agad ko itong binibitawan at kung abot kaya naman ang presyo ay tinatandaan ko kun saan naka lagay at pinag-iisipang mabuti kung bibilhin ko ba o hindi. "Mahilig ka sa arts?" "Hmm. Lumalaban ako ng poster making noong elementary." "Wow! Kung ganoon, pwede mo ba akong i-portrait? Ako ang bahala sa lahat ng materials na kakailanganin mo bigyan mo lang ako ng listahan." Nakakaengganyo ang sinabi niya ngunit may problema. Tinitigan ko siya ng ilang sandali. Malawak ang ngiti at tila isang tuta na nag-aabang ng treats na ibibigay ko. "Marco, hindi ko kayang mag portrait. More one sceneries ang ipinipinta ko." Tila gumuho ang mundo niya. Bagsak ang balikat niya akong tinignan. "Akala ko ba lumalaban ka noon? Poster making?" Tumango ako, hindi mawari kung tatawa sa reaction niya o maiinis. "Totoo! Pero kapag may taong involve sa poster, walang mukha ang nagagawa ko." "Akala ko pa naman marunong ka." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. Tila umasa talaga siya na kaya ko siyang i-portrait gayong hindi naman ako marunong. Ilang ikot pa ang ginawa namin sa loob ng bookstore. Ako na abala sa pagtingin ng mga gamit at libro at siya ay sunod lamang ng sunod sa kung saan ako patutungo. Nang matapos ay nagyaya siyang kumain. "Huwag diyan! Mahal diyan!" Hinatak ko siya palayo roon sa mamahaling restaurant na gusto niya. Kanina pa kami pabalik-balik at naghahabulan para lamang masunod ang gusto ng isa't isa. Gusto ko sana ay sa fastfood chain na lang kumain ngunit siya ay gusto sa mamahalin. "Dito na! Sagot ko naman ang lahat eh." "Kahit na! Pera ng parents mo iyang ginagastos mo kaya tipirin mo." "Ya! Marco!" Sigaw ko nang kumawala siya sa pagkakahawak ko at mabilis na pumasok sa restaurant. Hinarap niya ako at tumatawang kinawayan ako. "Halika na!" Sigaw niya ngunit imbes na sundin siya ay naglakad ako palayo. Tignan natin kung sino ang masusunod sa aming dalawa. Naglakad ako papunta sa direksyon kung nasaan ang paborito kong fast food chain. Ngumisi ako nang makitang walang gaanong tao dahil na rin siguro late na at halos nakauwi na ang mga estudyante. Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realize. Agad kong kinuha ang cellphone ko na kanina ko pa hindi tinitignan at nanlaki ang mga mata ng may limang missed calls galing kay Papa. Napahinto ako sa entrance ng fastfood chain at natatarantang hinanap ang numero ni Papa saka mabilis iyon na tinawagan. Nakailang ring muna bago niya ito sinagot. "Nasaan ka?" Mabilis na kumabog ang puso ko nang iyon ang ibungad niya sa akin. "Ah, sorry po hindi ko namalayan ang phone ko. Nandito po ako sa mall kasama si Marco." Ilang minutong nagtagal ang tawagan namin dahil sa sobrang dami niyang tanong. Sa huli ay nakumbinse ko naman siya kaya ayos na. "Yana! Ang kulit mo." Anang hinihingal na Marco nang maabutan ako roon. Tumawa lamang ako at tinapik ang balikat niya. "Tara na sa loob, Marcoco." "Marcoco? Ano 'yun?" Pumila ako at hinanda ang mga oorderin. Naaamoy ko pa lang ang chicken at fries ay na e-excite na ako. Nang oras ko na para mag-order, mabilis at malinaw kong sinabi sa cashier ang mga gusto ko. Pagkatapos ay pumuli ako ng upuan na malapit sa salaming bintana ng kainan na kung saan tanaw ang mga taong naglalakad sa mall. Perfect spot ito para sa akin dahil tanaw na tanaw rin ang bawat taong pumapasok sa kainan. Nakasimangot na umupo sa tabi ko si Marco. "Ano ba iyong Marcoco? Nickname mo sa akin?" Magiliw akong tumango. "Ang cute diba?" Hanggang sa dumating ang nga order namin at natapos kaming kumain ay hindi niya ako tinigilan sa kapipilit na palitan ko ang nickname na ibinansag ko sa kaniya. Sa buong araw naming magkasama ni Marco, napag alaman ko ang mga gusto at ayaw niyang pagkain. Tila naging daan ito upang mas makilala ko pa siya. May mga bagay na sobra akong naiinis sa kaniya ngunit natatalo ito ng mga bagay na nagpapatawa sa akin. Galante rin siya ngunit sinabihan ko na kailangan niyang magtipid lalo na at hindi naman niya pinaghirapan ang mga perang hawak niya. Sa pagsama ko sa kaniya ay nagawa kong kalimutan ang problemang kinakaharap ko. Nagawa niyang patawanin ako ngayong araw at isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Ang kaisipang mausngit siya ay tila isang bulang naglaho. Alas siete na ng gabi ngunit nandito pa rin kami sa mall, naghahabulan. Tawa lamang ako ng tawa dahil sa kakulitan niya. Patalikod siyang tumatakbo habang kumekembot pa at inaasar ako nang mabangga niya ang isang babaeng tahimik at nakayukong naglalakad. Pigil na pigil ang tawa ko habang pinapanood na mag sorry si Marco at tinutulungan ang babae para makatayo. "Ayan kasi, ang kulit mo." Usal ko nang makalapit. Napansin ko ang paperbag ng isang bookstore at ang mga librong tumilapon mula rito kaya agad kong pinulot ang mga iyon. "Sorry. Sorry talaga." Paulit-ulit na usal ni Marco habang abala ako sa pag-aayos noong mga libro. Nang matapos ay agad akong nag-angat ng tingin at halos mabitawan kong muli ang mga ito nang makita kung sino ang babaeng kaharap ni Marco ngayon. "Jealyn." Bulong ko. Blanko ang tingin nito sa akin. Agad kong naramdaman ang kaba sa dibdib ko, mas malala pa yata sa kabang naramdaman ko nang nakita ang mga missed calls ni Papa kanina. Sa nanginginig na kamay ay iniabot ko ang paperbag na may laman na mga libro. Tahimik niya itong tinanggap. "Sorry talaga." Nilingon niya si Marco saka ngumiti. "Ayos lang. Sige mauna na ako." Hindi na niya hinintay na makapagsalita kami at mabilis siyang naglakad palayo. Ang puso ko, kakawala na yata. Pinanood ko siyang maglakad palayo. Tila isang bahang runagasa sa isip ko ang mga nangyari pati na ang nangyaring pag-amin ko sa sarili kanina. Pakiramdam ko ay namutla ako ng wala sa oras. Suminghap ako nang makita siyang papaliko na. Nataranta ako sa nakita at walang alinlangan kong binalingan si Marco. "Sorry. Una na ako. I have to talk to Jealyn." Lito niya akong tinignan ngunit hindi ko na iyon inalintana at mabilis na tinakbo ang daang tinahak ni Jealyn. Hingal na hingal ako at todo iwas sa mga taong nakakasalubong para hindi mabangga. Ilang beses akong muntikan ng madulas ngunit balewala iyon. Ang mahalaga ay makausap ko si Jealyn. Hindi ko alam kung anong klaseng espirito ang sumapi sa akin ng lakas loob kong isinigaw ang pangalan niya. "Jealyn, wait!" Nagsilingunan ang mga tao sa akin at doon ako nakaramdam ng hiya ngunit ang taong tinawag ko ay nag tuloy-tuloy lamang na animo'y hindi ako narinig. Imbes na tumunganga ay tumakbo ulit ako. Paglabas ay sumalubong ang malamig na hangin sa akin ngunit wala iyon sa lamig na nararamdaman ko sa loob ko. Nanginginig ang mga kamay at kabang-kaba ako. Nang makita si Jealyn na pasakay na sa isang kotseng pula ay dali-dali akong tumawid. Napahinto ako nang malakas na nagpreno ang isang van dahil sa biglaan kong pagtawid. "Hoy!" Sigaw ng guwardiya ngunit mabilis akong tumakbo ulit. Wala na akong pake basta mahabol ko lang si Jealyn. "Jealyn Martinez!" Sigaw ko ngunit naisara na niya ang pintuan ng kotse at mabilis itong umandar papalayo. Hingal na hingal akong sumandal sa dingding. Sobrang bilis na t***k ng puso ko at nanlalambot ako. Ang sakit ng mga binti ko. Tinitigan ko ang kotseng pula na sinakyan niya habang unti-unti itong lumalayo. Asar. Kung kailan naman may lakas ako ng loob ay saka mo ako hindi papansinin, Jealyn? Nang makabawi ay lumapit ako sa isang batang lalake na nagtitinda ng mga inumin. Bumili ako ng malamig na tubig at mabilis itong ininom dahil sa pagod. Nang makalahati ay saka ako nagpasya na maglakad patungo sa bus stop. Malayo iyon mula rito ngunit anong magagawa ko? Kasalanan ko naman. Kinuha ko ang cellphone habang naglalakad at tinawagan ang numero ng lalaking alam kong hinding-hindi ako bibiguin. Ang lalaking alam kong handang tumakbo para lang mapuntahan ako kahit siguro nasa outer space ako. Sa malamig na gabi, akala ko ayos na ang lahat. Akala ko ay masasabi ko na kay Jealyn ang mga bagay na nagawa ko ng aminin sa sarili sa kaniya ngunit saan ako dinala ng sarili ko? Dito sa isang madilim na daan, sinasalubong ang malamig na ihip ng hangin habang naglalakad mag isa. Halos ibato ko ang cellphone ko ng marinig ang sunod-sunod na beep, hudyat na hindi sinagot ng taong tinatawagan ko ang linya. Pangatlong subok ko na ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasagot. Hindi ko alam kung sinasadya niya o hindi. Tinanaw ko ang bus na paparating at halos mapamura ng makitang puno ito. "Last call." Sa huling subok ay halos mapapalakpak ako ng sagutin na noya ang tawag ko. "Hello? Who's this?" "Ronald, hindi ako nakikipag biruan. Sunduin mo ako rito sa mall, please. Mag-isa lang ako." Hindi ko alam pero naiiyak ako. Tila ngayon lang nag sink in sa akin ang nangyari. Talaga bang hindi ako pinansin ni Jealyn? O hindi niya ako narinig? Ngunit imposible iyon lalo na sa lakas ng sigaw ko kanina sa mall na pati ibang tao ay napapalingon na. Pinunasan ko ang luhang tumakas nanaman sa mga mata ko. Lecheng luha napaka rebelde. Ano ba ang mayroon sa araw na ito at tila puro iyak lamang ang ginawa ko? Tang*na hindi ako ganito dati. Jealyn, anong ginawa mo sa sistema ko at naging ganito kagulo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD