Chapter Eleven

2560 Words
"Wala na pa lang shanghai, Marco." Malungkot kong binalingan si Marco. Napaatras pa ako ng bahagya dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. "Ganoon ba? Sayang gusto ko pa naman sana ng shanghai." "Mayroon naman yata sa convenience store. Kung gusto mo, bumili ka nalang." "Sounds good. Pwede mo ba akong samahan? Hindi ko kasi alam ang paikot-sikot dito sa inyo, baka maligaw ako." Nag-isip ako. Hindi ko alam kung papayagan ako ngunit mukhang tiwala naman na sina Mama sa kaniya. At isa pa, gusto kong umalis panandalian dito sa bahay kaya naman nagpaalam ako kay Mama na aalis saglit. Nagtanong siya kung saan ang punta at sinabi ko ang totoo, na bibiling Shanghai si Marco. Nakita ko pang tulog sa sofa si Ronald habang sa lapag naman ang magkakatabing sina Riley at Mark kasama ang mgabgirlfriend nila. Kawawang Marco, walang lovelife. Kinuha ko ang helmet na inabot niya at agad iyong isinuot. "Marunong ka mag motor?" Nilingon niya ako na tila hindi makapaniwala. "Siguro? Nag motor ako pabalik dito at hindi naman ako naaksidente kaya tingin ko, marunong ako." Tumatango-tango pa siya habang nagsasalita. Pagkatapos ng ilang sandaling paghahanda ay umangkas na ako sa motor. Nakahawak ako sa balikat niya at ramdam ko ang kaunting kaba sa dibdib ko. "Kapit ka," kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa bewang niya. "Hindi ko sure kung marunong nga akong mag motor." Hindi pa man ako nakakasagot ay mabilis na niya itong pinaandar. Halos mapasigaw ako at biglang napahigpit ang yakap ko dahil sa kabang baka mahulog ako. Palagi naman akong sumasakay sa motor kasama si Ronald ngunit mas mabilis magmaneho itong si Marco kaya naman natatakot ako. Sa pagliko sa kanto ay halos tumagilid na kami kaya hinampas ko ang balikat niya. "Ano ba, Marco! Dahan-dahan nga!" Hindi siya sumagot bagkus ay tumawa lamang. "Ituro mo ang daan, Yana. Hindi ko alam kung nasaan ang convenience store!" Agad kong sinunod ang sinabi niya. Ilang sandali pa ay nakarating din kami sa pinakamalapit na convenience store ngunit sa kasamaang palad, sarado ito. "Wala na bang iba?" "Meron pero malapit na iyon sa bayan. Ilang buwan na ba iyang tiyan mo at tila naglilihi ka?" Biro ko na agad naman niyang nasakyan. "Six weeks pa lang. Hindi ko nga alam paano ko nabuo ng mag-isa ito." Nagpasya kaming tumuloy na sa isa pang convenience store. Sigaw ako ng sigaw sa daan dahil sa bilis niyang magpatakbo. Kung sigurong nasa race lang ito, baka nanalo na siya. "First time mo bang sumakay ng motor? Ang ingay mo." Aniya habang tinutulungan akong alisin ang helmet na suot. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa sobrang lapit niya. Idinirekta ko ang nga mata ko sa sapatos niyang ngayon ko lang napansin na mamahalin pala ang tatak. "Hindi. Madalas ay si Ronald ang kasama ko at inaangkas niya ako." "Oh? Mabuti na lang at kilala ko si Ronald kung hindi ay baka naisip ko nang may relasyon kayo." At kung close lang tayo ay baka kanina pa kita nasapak. Hindi ko alam kung malas ba si Marco o malas talaga siya. Pagkalabas niya mula sa convenience store ay nakasimangot siya dahil wala raw shanghai na tinda. Hindi ko tuloy alam kung tatawanan ko siya o ano dahil sa itsura niyang naiiyak na. Gusto pa niyang pumunta sa huling convenience store na malapit na sa dulo ng bayan ngunit pinigilan ko na siya. Pwede pa naman sigurong gumawa sa bahay kaya sinabi kong kami na lang ang magluluto. "Talaga ba? Ipagluluto mo ako ng shanghai?" Hindi ko malimutan kung gaano ka saya at ka excited ang boses at itsura niya. Nang tumango ako ay napatalon pa siya ng bahagya at palakpak ngunit agad niyang napigilan ang sarili. Agad kaming umuwi at ngayon ay hindi ko na inisip kung magagalit siya o hindi. Kinurot ko ang tagiliran niya at sinigawang bagalan ang patakbo. Kung ipagpapatuloy niya kasi ang bilis, baka maaksidente kami o hindi kaya ay may makasalubog kaming mga nanghuhuli. Pagdating sa bahay ay agad akong pumasok sa loob. Naiwan si Marco dahil inaayos pa niya ang motor niya sa garahe. Pagpasok ay nakita ko ang mga nakangangang sina Riley at Mark na hanggang ngayon ay nakahiga sa sahig. Si Ronald ay gising na at nagkakape habang nakaupo sa sofang kanina ay hinihigaan niya. Agad kong kinuha ang phone ko at mabilis kong kinuhanan ng litrato ang dalawa. "Post mo sa facebook." Bulong ni Ronald. Dumating ang mga girlfriend nila at nakisama sa pagpipicture. Nakailang take rin kami bago pumasok si Marco, kasunod ay si Jealyn. Nagkatinginan kami. Nagtagal ang tingin ko sa kanya ngunit siya ay tila napapaso sa mga titigan namin. Umupo siya sa tabi ni Ronald at agad silang nagbulungan ng kung ano. "Yana, sabi mo magluluto ka ng shanghai?" Nabaling sa sinabi ni Marco ang atensyon ng mga kasama namin. Agad akong tumayo at naghanap ng ingredients sa kusina. Habang naghahanda ay sumunod doon ang girlfriend ni Mark at Riley. Kasama nila si Marco at tila may pinag-uusapan silang kung ano. Dumiretso sa akin si Marco at tinignan ang mantikang hinihintay kong uminit. Ang dalawang babae ay naupo sa mesa at nagtimpla ng kape nila. "Tulog sina tita kaya huwag tayong mag-ingay." Anang girlfriend ni Mark habang hinahalo ang kapeng tinimpla niya. "Pati sina Ate mo, Yana tulog din." Tumango lamang ako at nag focus na lang sa pagluluto. Jealyn is ignoring me. I can feel it. Alam ko namang mali ang ginawa ko kanina na basta na lang siya iniwan doon at sumama kay Marco ngunit anong magagawa ko? Kung hindi ko siya iniwan ay baka sumabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Kahit noong nagtawag na kami upang makakain ng almusal ay hindi siya sumunod at sinabing iidlip lamang sandali. Tahimik lamang din si Ronald dito sa tabi ko at naisin ko mang magtanong kung ano ang pinag usapan nila ni Jealyn o kung may sinabi ba ito patungkol sa amin ay hindi ko magawa. Natatakot akong malaman ang kung ano mang naiisip ni Jealyn patungkol sa akin. Natatakot akong isipin na galit siya sa akin. Ayokong galit siya sa akin ngunit ayoko ring masyado siyang relax sa tuwing kasama ako. Hindi ko na alam. Pagkatapos kumain ay nagsitulog ang mga kasamahan ko kaya naman kinuha ko iyong pagkakataon upang makapaglinis ng mga kalat galing sa inuman kagabi. Kung totoo nga ang nararamdaman ni Jealyn sa akin, paano ito nagsimula gayong hindi naman kami magkakilala dati? Kahit anong isip ko ay hindi ko talaga ma-imagine na kaming dalawa sa isang romantic relationship. Kung pagkakaibigan ay ayos lang lalo na kung hindi niya ito lalagyan ng malisya. "Hi..." Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Jealyn. Akala ko ba ay tulog ito? "Sorry. Didn't mean to scare you." Aniya sa isang mahinahong boses. "Anong ginagawa mo rito?" Mabilis ang t***k ng puso ko at hindi ko yata kayang tignan siya. Kinuha ko ang mga bote ng alak at dadalhin sana ang mga iyon sa gilid ngunit biglang umamba si Jealyn na kukunin ang mga ito kaya agad kong iniiwas ang mga iyon. "Let me help you. Hindi rin naman ako makatulog." "No, thank you. Magpahinga ka nalang doon at kaya ko na rito." Ngunit sa pagpupumilit niya at sa pilot kong pag-iwas ay nabitawan ko ang mga bote dahilan ng mga pagkakabasag ng mga ito. Pareho kaming napaatras sa gulat. Tila nag-init ang ulo ko at hindi ko na napigilang sigawan siya. "Ayan! Sinabi ko naman sa iyo na kaya ko na! Ang kulit mo naman!" Ang akala ko ay magagalit din siya sa biglaang pag-alsa ng damdamin ko ngunit suminghap lamang siya at tumango saka mahinahon akong tinignan. "I'm sorry." It was our last conversation since my birthday. Back to normal na ang lahat at ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang araw na iyon. Simula nang masigawan ko siya, hindi ko alam pero hindi na rin ako nakatulog ng maayos. Sa gabi ay imbes na mag-aral, nauubos ang oras ko kakatingin sa phone ko at sinusubok na mag iwan ng text sa kaniya ngunit sa huli ay binubura ko rin. Sa umaga naman ay hindi ako makapag focus sa school kakalinga, nag ba-baka sakaling makita siya ngunit tuwing nakikita naman ay para akong tuta na nakasalubong ang tigre at tumitiklop sa takot. Tuwing break time ay kahit malayo, dumadaan ako sa building nila at pinipilit na makita siya. Minsan palpak, minsan naman ay tagumpay ko siyang nakikita na nakikipag kwentuhan at tawanan sa mga kaklase niya. Tuwing nakikita ko siyang tumatawa ay pakiramdam ko lumulutang ako at tila may mga paru-parong nagsisiliparan sa aking tiyan. Ngunit sa loob ng ilang linggong iyon ay may dalawang araw na hindi sinasadyang nagkasalubong kami. Akala ko ay masasabi ko na ang mga bumabagabag sa akin ngunit halos malukot ang mukha ko nang dire-diretso lamang siyang naglakad at tila hindi ako nakita. Noong una ay inisip ko lang na baka nga hindi ako nakita ngunit nang maulit pa iyon ay nakumbinse na ako na iniiwasan nga niya ako. Mas lalong nagpatibay sa iniisip ko nang mag-aya si Ronald na kumain sa isang fastfood chain at hindi ko alam na kasama pala siya roon. Pagdating doon ay saka ko lamang nalaman. Buong oras na kumakain kami ay ni isang tingin ay wala siyang iginawad sa akin. "Paki-abot ng ketchup." Itinuro ko ang ketchup na nasa tabi ng plato niya. Walang imik niya itong iniabot sa akin at hindi rin niya ibinaling ang kaniyang tingin. Hanggang sa nakauwi na lamang kami ay hindi ko man lang siya nakausap. Marco: Can we meet on sat.? I bought an almond chocolate para sa iyo. Martes ng gabi nang matanggap ko ang mensaheng iyon mula kay Marco. Simula noing birthday ko ay nagsimula na rin siyang sumama sa amin. Mas madalas pa nga yata siyang nakakasama sa amin ngayon kaysa sa mga kaibigan niya dati. Sa ilang linggo kong nakasama si Marco, masasabi kong mabait naman siya. Napag-alaman kong may kaya sila sa buhay dahil isang seaman ang kaniyang tatay at teacher naman ang kaniyang ina. Mahilig din siyang manlibre kaya naman nagustuhan din siya ng mga kasama namin. Ako: Sure. What time ba at saan? Hindi pa man umabot ang ilang minuto matapos kong i-send iyon ay nakapag reply na rin agad siya. Marco: 9 AM, okay lang? Sa coffee bean na lang. Malapit sa inyo 'yon, hindi ba? Kaya naman agad ko iyon inilagay sa reminder ko upang hindi makalimutan. Kinabukasan, maaga akong pumasok at agad na nagsisi ng datnan si Ronald at Jealyn sa room namin. Nag-uusap silang dalawa at nang mapansin ako ay agad na tumigil. Nag alinlangan pa ako kung didiretso ba ako o hindi dahil nakaupo si Jealyn sa aking upuan. Tinapik siya ni Ronald at inginuso ang upuan ko, "Diyan siya." Agad na tumayo si Jealyn at lumipat sa katabing upuan nito. "Morning, Yana!" Ani Ronald habang pinapanood akong ayusin ang bag ko. Ramdam ko ang titig ni Jealyn sa akin at pakiramdam ko lahat ng buto sa katawan ko ay biglang lumambot. Nangatog ang mga binti ko at napasinghap ako. "Mall daw mamaya sabi ni Jealyn. Sama ka." Hindi iyon tanong. "Busy ako. May lakad ako." "What? Saan nanaman? Sa pag kakaalam ko ay wala kang boyfriend ngayon." Ani Ronald. "Wala nga pero busy ako. Kayo na lang mag mall." Inilabas ko ang notebook ko kung saan may assignment kami. Hindi ko ito natapos kagabi dahil nakatulog ako kaiisip kungb itetext ko ba si Jealyn o hindi tapos ngayon ay umagang-umaga makikita ko siya rito. "Wait lang. Hindi pa ba kayo nag uusap? Jealyn? Yana?" Hindi makapaniwalang usal ni Ronald. Nagpalipat-lipat pa ang tingin niya sa aming dalawa. Hindi ako umimik at ganoon din si Jealyn. "Ano kayo, grade one na nag-agawan sa lollipop kaya hanggang ngayon ay hindi kayo bati? Ang tatanda niyo na ang papabebe niyo pa! Palakarin niyo naman ang barko ko." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. "Anong barko, Ronald?" Napasapo siya sa kanyang noo at tila hindi makapaniwala na hindi ko nakuha ang sinabi niya. "Alam ko na kung bakit." bumaling siya kay Jealyn, "pasensya na, ha? Mangmang sa pag-ibig ang kaibigan ko. Ikaw na kasi kumilos para lumakad naman kahit papaano ang barko ko. Ayoko roon sa tisoy na mukhang manyak." Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang mumunting tawa ni Jealyn. Sa loob ng ilang linggo, sa malayo ko lamang siya nakikitang tumatawa at hindi ako makapaniwala na ngayon ay malapit na siya sa akin. Napatitig ako sa mukha niya. Kitang kita ko nanaman ang mga ngipin niyang pang toothpaste commercial. "Ang hirap, Ron. Laban-bawi siya eh." Aniya habang malaki ang ngisi. Hindi ko man maintindihan ang pinag-uusapan nila, ayos lang. Ayos lang kahit nag alien language pa sila riyan basta makita ko lang na nag eenjoy siya. Ayos lang kahit hindi ako ang nakakapag pangiti at tawa sa kaniya ngayon. Ngunit sinong niloko ko? Alam kong sa loob-loob ko ay hinihiling ko na sana ako iyon. Sana ako ang dahilan ng mga ngiti niya. Ng mga tawa niya. Na sana kaya kong maging malapit sa kaniya gaya ng kung gaano kalapit si Ronald sa kaniya. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Dati naman ay alam na alam ko kung ano ang gusto at ayaw ko ngunit simula noong nakilala ko siya, pakiramdam ko nagulo ang sistema ko. Gusto ko malapit siya sa akin ngunit ayokong maging sobrang lapit niya. Gusto ko ako ang dahilan ng nga ngiti at tawa niya ngunit ayokong ma-misinterpret niya iyon. Gusto ko siya ngunit may pumipigil sa akin na hindi ko kayang balewalain. "Yana, sorry na raw sabi ni Jealyn." Tila bumalik aki sa huwisyo nang maramdaman ang isang parihabang box na iniabot ni Ronald. Nakabalot iyon at may maliit na card. Kinuha ko ang card at nakitang may nakasulat na 'Happy Birthday, Yans' sa isang magandang sulat kamay. "Regalo ni Jealyn." Nag-angat ako ng tingin at nakitang natitig si Jealyn. Bakit hindi siya mismo ang mag-abot? Huminga ako ng malalim. Kung kukunin ko ba ito ay ibig sabihin ayos na kami? Kung kukunin ko ito, baka isipin niyang wala na akong problema sa pagkakagusto niya sa akin. Mabilis akong umiling. Tinaasan ako ng kilay ni Ronald dahil sa inasta. "Sorry. Hindi ko matatanggap iyan." Ayokong tumanggap ng mga bagay na galing sa kaniya. Baka kung gawin ko iyon, isipin niyang ayos na kami. Baka kung gawin ko iyon, maging dahilan pa iyon upang mapalapit ulit kami. Ngunit hindi ba iyon naman ang gusto ko? Gusto kong malapit palagi siya sa akin. Tumakbo ako at dumiretso sa rooftop ng isang building malapit sa dulong bahagi ng school. Sinalubong ako ng malamig na ihip ng hangin na siyang nakapagpakalma sa puso kong wala ng ibang ginawa kundi ang tumibok ng mabilis. Dumiretso ako sa dulo ng rooftop at buong lakas na sumigaw, inilalabas lahat ng frustration, hinanakit at pagkalito ko. Pakiramdam ko ay nabawasan ang mga nararamdaman ko nang maisigaw ang saloobin. "Tang*na, Jealyn! Gusto kita ngunit bawal! Litong-lito na ako!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD