Chapter Ten

2798 Words
I can't take my eyes off of Jea. Naka-upo siya ngayon sa tapat ko habang katabi niya ay si Ronald. Siguro ay nagdiriwang ngayon ang mga anghel sa sobrang tahimik ng mesa namin. "Uhh, wala ng shanghai?" Anang isang babae na inimbita ni Ronald. Hindi ko matandana ang pangalan niya pero siya iyong babaeng palaging nagugulo sa pagbabayad sa canteen sa school. "Hindi ka pa ba busog, Aryana?" Bulong ng katabi niyang si Marcos... or Marco? Basta iyong gwapong lalaki na madalas magbayad sa tuwing kulang ang binibigay na bayad ng grupo niya sa canteen. "Bitin eh." "Grabe, ang kapal ng mukha." Napabaling kaming lahat sa bulgar salita ng girlfriend ni Riley. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang bahagyang pagngisi ni Jea ngunit agad din itong nawala ng mabaling sa akin ang kaniyang tingin. Bakit, Jea? Ayaw mo bang makita kong muli ang mga ngiti mo? "What did you say?" Kulang na lamang ay makapag-ihaw kami ng porkchop sa nagbabagang inis ng babae. Nanlalaki ang mga mata siyang nakatingin sa girlfriend ni Riley ngunit tila wala namang pakealam itong isa. "Aryana, stop." Tinitigan siya noong lalaking tatawagin ko kunang ambag boy dahil hindi ko sigurado kung Marcos o Marco ang ngalan niya, si Aryana. "Bakit ako inaano mo eh siya ang nauna, ha, Marco?" Itinuro ni Aryana ang girlfriend ni Riley na patuloy lamang sa pagkain na tila hindi naririnig ang nagpupuyos sa galit na si Aryana. So Marco nga ang ngalan ng lalaki? Tama lang pala ako. Sinenyasan ko si Ronald na kausapin ang mga inimbita niya. Kung manggugulo sila ay huwag dito. Tumayo si Ronald at may ibinulong sa mga ito na siyang nakapagpatahimik sa babae. Tumayo siya at sumunod kay Ronald palabas, mukhang doon kakausapin ni Ronald. Kinuha ko ang softdrinks na nasa tabi ko at uminom doon. "Uhh..." napabaling ang tingin ko kay Marco. Nakatitig siya sa akin at mukhang may gustong sabihin ngunit nag-aalinlangan. "What is it?" Kalmado kong usal. Kahit hindi ko sila kasundo ay kailangan ko pa rin silang pakitunguhan ng maayos. "Uh... sorry sa inasal ni Aryana. Ganoon lang talaga iyon." "Hindi rason ang ganoon na talaga siya. Dapat ay alam niyang umakto ng tama depende sa lugar na kinalalagyan niya." Siniko ni Riley ang girlfriend niya. Binalingan kong muli si Marco at nginitian. "Wala iyon. Miscommunication lang ang nangyari at hindi naman malala ang away." Tumango siya sa akin saka ngumiti. Akala ko ay magpapatuloy siya sa pagkain ngunit nagulat ako ng bigla siyang tumayo at lumakad palabas, tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ni Aryana at Ronald na kasalukuyang nag-uusap. Sinundan ko ng tingin si Marco. Kahit na totoy pa ay masasabi kong maganda ang kaniyang katawan kumpara sa mga kasing-edad namin. Malapad ang mga balikat niya na siyang dahilan kung bakit magandang tignan sa kaniya ang soot niyang kulay asul na polo shirt. Ang buhok niya ay may kahabaan at sumasabay sa bawat galaw ng katawan niya. Hindi ko alam kung dahil sa ilaw o sadyang maputi lang talaga siya. Sa unang tingin pa lang sa kaniya ay maiisip mo na agad na isa siyang anak mayaman dahil sa kinis ng kaniyang kutis. "Matunaw, ah?" Napapikit ako nang biglang pumalakpak sa harapan ko si Mark habang tumatawa. "Crush mo 'yun?" Imbes na sa girlfriend ni Mark ako bumaling ay naagaw ng atensiyon ko si Jealyn na hindi magkamayaw sa pag-ubo. Inabot ko ang tubig sa tabi ng plato ko at akmang iaabot na ito sa kaniya ng bigla siyang inabutan ng tubig ng isa sa mga kasama ni Marco na siyang agad namang kinuha ni Jealyn. Madilim kong tinitigan si Jealyn. Nagpatuloy lamang siya sa pagkain na animo'y walang nangyari. Kung umasta rin siya ay tila isa akong multo na nakatitig sa kaniya, naghihintay na maramdaman niya ang presensya ko. "Ano, Yana? Sabagay gwapo rin ang isang iyon, eh." Pamimilit pa ng girlfriend ni Mark na hindi ko na maalala ang pangalan. Imbes na sagutin siya ay ibinaling ko ang tingin kay Ronald na ngayon ay pabalik na. "Ayos na. Uuwi na lang daw at pinapasabi na happy birthday raw." Aniya habang umuupo sa pwesto kanina. Pansin ang pagtaas ng kilay ni Jealyn ngunit hindi nawala ang atensiyon niya sa pagkain. "Huh?" Sinulyapan ko ang gate at nakitang nag-uusap pa si Marco at Aryana. "Pati si Marco, uuwi na?" Imbes na matinong sagot ang makuha ko, puro panunukso lamang ang natamo ko na pinangunahan ng girlfriend ni Mark. Mas lumalim pa ang gabi at nagsisimula ng umuwi ang mga kasamahan nina Ate ngunit ang mga kainuman ni Papa ay kumpleto pa rin. Ganiyan naman sila tuwing may okasyon. Inuumaga na sa pag-inom. Iniwan ko saglit ang mga bisita nang tawagin ako ni Ate dahil hinahanap di umano ako ng katrabaho niya. Paglapit ko ay may iniabit itong kulay asul na malaking paperbag na may nakasulat na 'Blue Magic'. Ayoko sanang tanggapin ngunit ipinilit niya kaya wala akong nagawa. And besides, alam kong may kamahalan ang brand na ito kaya fifty-fifty rin iyong pagtanggi ko. Sinamahan ko si Ate sa paghatid sa mga katrabaho niya. Medyo nagtagal pa kami dahil matagal magpaalam ang mga ito sa isa't isa, dulot na rin siguro ng kalasingan. "Ingat kayo!" Sigaw ni Ate bago tuluyang pumasok sa loob. Nagpaiwan ako sa labas at pinanood ang unti-unting paglayo ng sasakyan ng mga bisita. Nang mawala sila sa aking paningin ay saka pa lamang ako nagpasiya na pumasok sa loob. I was about to enter our gate when Marco suddenly called me na nagpatalon ng bahagya sa akin. Hindi ko napansin na nakatayo pala siya sa gilid, mag-isa. "You scared the sh*t out of me!" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ng makita ang malawak niyang ngiti. Halos mawala ang mga mata niya dahil doon at tingin ko ay pag-aawayan nila ni Jealyn ang pagiging toothpaste model dahil parehong mapuputi ang ngipin at pantay-pantay pa. "Sorry. Didn't mean to." Aniya saka tumayo. Nakaupo siya kanina sa isang malaking bato sa gilid ng gate namin at bahagyang nahaharangan ng mga halaman ni Mama kaya naman hindi ko rin siya napansin kanina. "Ayos lang basta wag mo na uulitin." Nagkibit balikat lamang siya. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Kanina pa umalis si Arwana, diba?" "Yana, it's Aryana not Arwana." Aniya habang tumatawa. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ulap habang pinakikinggan ang tawa niyang singtamis ng boses ng mga anghel sa langit. Paanong may mga taong ganito kaganda ang itsura? Kahit na hindi pa gaanong nagma-mature ang katawan ay sigurado akong papasa siya sa pagiging isa sa mga Diyos sa Mount Olympus. Tila siya ang nawawalang anak ni Adonis. "Yana! Halika sandali!" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Riley. Sabay naming nilingon ni Marco ang kumakaway na si Riley habang hawak-hawak ang mic. "Pasensya na sa istorbo, pre. Hiramin lang namin sandali si Yana." Aniya habang nakangising nakatitig kay Marco. Tumawa si Marco. "Sure! Hindi pa naman siya akin." Tinignan ko siya dahil sa isinigaw niya ngunit nagulat ako ng makitang nakataas ang kilay siyang nakatitig sa akin. "Magiging akin pa lang." Bulong niya bago sumenyas na mauna na akong pumasok. Hindi ko alam pero sobrang lakas at bilis ng t***k ng puso ko. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at hirap na hirap kong pinilit ang sarili na umalis doon at iwan siya. Napakagat ako sa labi at huminga ng malalim, sinusubukang kumalma. What the hell did he just said? "Yana, ang bagal mo naman." Usal ulit ni Riley sa mic na siyang nagpabalik sa huwisyo ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanila ngunit hindi inaasahan na mga matang blanko ang ekspresyon ni Jealyn ang sasalubong sa akin. Hindi ko alam kung bakit ngunit nakaramdam ako ng bahagyang pagkatakot sa mga tingin niya. My knees trembled a bit but I still managed to walk properly. "Bakit ba?" Inis kong baling kay Riley na may mapang-asar na tawa. Hindi naman talaga ako inis but I used that as an excuse dahil damang-dama ko ang madilim na titig ni Jealyn sa gilid ko. "Galit agad?" Ani naman ni Mark. Ibinaling ko sa kaniya ang tingin ko at nahuli kong nakikipag senyasan siya kay Ronald na may malokong ngiti rin. "Sandali lang naman. Ibabalik ka rin namin sa crush mo." "What?" Nanlaki ang mga mata ko ng sabay-sabay silang nagtawanan, pati ang mga natitirang kasamahan ni Marco. "Marco's not my crush, Mark. Stop putting words into my mouth." This time, nagsisimula na akong mainis. Hindi naman ako mabilis mapikon ngunit sa sobrang kaba ko siguro dahil sa mga tinging ipinupukol ni Jealyn sa akin at sa katotohanang naririnig din ng mga kasamahan ni Marco ang mga sinasabi nila ay agad kong naramdaman ang unti-unting pag-alsa ng inis sa akin. "Chill. They're just playing around. Wag pikon napaghahalataang totoo." Pagalit kong naibaling ang tingin ng kalmado ngunit madiing nagsalita si Jealyn. Nakangisi siya sa akin ngunit hindi iyon ngising natutuwa. May halong pang-aasar sa ngising ipinakita niya. "Hindi ako napipikon. It's just that their jokes are not funny at all." "If you think their jokes are not funny, then don't laugh. Basic." Damang-dama ko ang init sa mukha ko. Kulang na lang ay umusok ang ilong ko habang pinakikinggan ang mga salita niya. "Excuse me. The atmosphere here is bad. Langhap lang akong fresh air iyong walang halong kemikal." Sinundan ko ng tingin si Jealyn habang naglalakad siya palabas sa gate. "Si Ronald may kasalanan, Yana. Utos niya na asarin kayo." Tinitigan ko si Ronald. Nagkibit balikat lamang siya saka kumindat. He knows I'm pissed and he's hapoy with that. Mapang-asar. Nanahimik naman sila makalipas ang ilan pang sandaling pang-aasar. Umupo ako sa gitna ni Riley at Mark habang nasa tapat ko naman ay si Ronald. Dahil madaling araw na, isa-isa na ring nagpaalam ang mga kasamahan ni Marco. Si Ronald halos ang nag-asikaso sa kanila at nakasunod lamang ako dahil hindi ko naman sila kasundo. Nang makauwi na ang huli ay saka ko napansin na hindi nila kasama si Marco. "Si Marco?" Nilingon ako ni Ronald at tila doon lang niya napansin na wala nga ito. Nagkibit balikat siya. "Kanina pa siya wala, ah?" "Bakit? Miss mo?" Umirap ako. "Tumigil ka nga, Ronald. Hindi taga rito si Marco at baka mamaya ay lumabas pala iyon saka napagtripan ng mga tambay riyan sa kanto." "Nag-aalala ka kay Marco pero si Jealyn hindi mo man lang hinanap?" I was about to answer and defend myself kaso biglang nagpakita si Jealyn. Hindi ko alam kung saan siya galing ngunit nakita kong nakasunod sa kaniya si Ate. "Ron, pahiram." Sumulyap siya sa akin. Agad na lumawak ang ngisi ni Ronald at patakbong bumalik sa mga kaibigan namin na nagkakantahan na. Naagaw nila ang mic kina Papa dahil tulog na ang mga ito. "Happy birthday." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kanina lang ay sobrang kaba ko dahil sa takot na dulot ng tinging ipinukol niya ngunit ngayon ay kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Inilahad niya ang daanan pabalik sa gate namin. I took it as a sign at mabilis na lumakad palapit doon. Hindi ko alam kung anong mayroon dito at bakit dito nila napiling mag-usap. Simula sa pag-uusap ni Ronald at Aryana hanggang sa ngayon na kami ni Jealyn ang mag-uusap. Hinimas ko ang braso ko at bahagyang nanginig ng umihip ang hangin. Bahagya ng nag-iiba ang ng kalangitan at tingin ko ay anumang oras, magsisimula ng sumilip ang haring araw. "Tita, patulog po saglit!" Dinig kong sigaw ni Riley at ang bahagyang pagkakagulo nila roon sa loob. Nawala roon ang atensiyon ko ng umubo ng peke si Jealyn. "Crush mo si Marco?" Nanlaki ang mga mata ko sa bulgar niyang tanong. "I mean, napapansin ko kasi na madalas ang tingin mo sa kaniya." Sa tinagal-tagal naming hindi nag usap, ito pa ang napili niyang pag-usapan? Ang buong akala ko ay mangangamusta man lang siya ngunit mas pinili pa niyang makichismis. "Uh, no need to answer. Tingin ko masyadong personal ang tanong ko gayong hindi naman tayo magkaibigan, hindi ba?" Hindi siya makatingin sa akin. Yumuko siya at umusog ng bahagya, palayo sa akin. "We're friends, Jealyn. And.. uh..." my heart is pounding so fast. Tila may kung anong nagbabara sa lalamunan ko habang iniisip ang mga salitang nais kong bigkasin ngunit hindi magawa. "And what?" Aniya makalipas ang ilang sandaling pagkakatigil ko. "And hindi ko naman crush si Marco." "Is that it? Iba kasi ang tingin mo kaya rin siguro naisip nina Ron na asarin ka. Anyways, how are you? Long time no see." It was awkward. I feel awkward. Pakiramdam ko ay mali na kinakausap ko siya ngayon sa kabila ng mga ginawa at sinabi ko noon ngunit nakakaramdam din ako ng kaligayahan. Parang kinikiliti ang puso ko. Jealyn didn't change. After how many months of me not tslking to her, wala man lang nagbago sa kaniya maliban sa ngiti niyang hindi ko na gaanong nakikiya ngayon. But the way she dress, the way she moves, the way she speaks, and the way how she can make me feel uncomfortable yet comfortable at the same time are still the same. Ni hindi ko lubos naisip na magagawa ng isang tao na makaramdam ng dalawang magkaibang feelings at the same time. But then I know what I feel is wrong. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito dahil mali. "Im...fine." Tumango-tango pa ako upang mapatunayan na totoo ang sinasabi ko. "Ikaw? Kamusta?" I saw a glimpse of something in her eyes that I couldn't name. "Ako? I think I'm fine. Hindi na ako naglaro ng volleyball simula noong nagka boyfriend ka." I didn't expect na ioopen niya ang usapin patungkol sa bagay na iyon. Noong araw na magka-boyfriend ako ay siya ring araw na hindi na kami nag-usap ni Jealyn. Hindi ako nagsalita. Bigla akong na-guilty. Why did she stop playing all of a sudden? The silence between us grew. Wala ni isang ingay maliban sa mga manok na isa-isang nagsisitilaok, nanggigising sa mga taong mahihimbing ang tulog. Akala ko noong una ay ayos lang na mag-boyfriend ako. Bakit tila nakakaramdam ulit ako ng pagkalito ngayon? Yes, I admit. Naging masaya ako sa mga naging karelasyon ko ngunit kakaiba ang sayang nararamdaman ko ngayong katabi ko si Jealyn. Kahit hindi siya magsalita ay nakakaramdama ko ng kilig at iyon ang ayoko. "I miss you." Tila tumigil ang mundo ko nang basagin niya ang katahimikan sa pagitan namin. Tumawa siya ngunit alam kong peke iyon. Nang lingunin ko siya ay agad naman niyang iniiwas ang tingin sa akin. "I know I shouldn't feel this, right? But anong magagawa ko kung noon pa kang ay attracted na ako sa iyo, Yana?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ni hindi ko nga alam kung dapat ba akong magsalita. All I know is that I wanna cry and yell. Gusto kong magalit sa sarili ko lalo na ng hindi nakatakas sa paningin ko ang luhang tumakas mula sa magaganda niyang mata. Great, Yana. Now you made her cry. Great. "Hindi naman talaga ako dapat pupunta ngayon pero na pag-isip-isip ko na kailangan kong mag-sorry. Alam kong nakakaramdam ka ng awkwardness tuwing kasama ako dahil naging vocal ako sa nararamdaman ko and I'm sorry for that. Hindi ko naman intensiyon na maparamdam sa iyo ang pagkailang. I want us to be close and ngayon ko lang na-realize na malabong mangyari iyon lalo na at may gusto ako sa iyo..." Her voice cracked, kasabay ng pagbiyak ng puso ko. It hurts seeing her cry and mas masakit na ang dahilan ng pag-iyak niya ngayon ay ako. D*mn. Gusto ko siyang yakapin ngunit kung gagawin ko iyon ay masisira ang paniniwala ko. Gusto kong umalis at hayaan na lang siya ngunit iniisip ko pa lang ay nasasaktan na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. "Uhh, excuse me. Yana may shanghai pa ba?" Gustong-gusto kong yakapin si Marco ng bigla siyang sumulpot. I badly needed an excape kaya naman agad ko siyang inaya at sinamahan sa kung nasaan ang mga shanghai. The moment na makalayo kami sa kinaroroonan ni Jealyn ay agad na tumakas ang nga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mabilis kong pinunasan iyon at tumingala. Iniwan kong nakatayo roon si Jealyn at hindi man lang nagpaalam. I don't know what to do and say. Ito lang ang alam kong gawin dahil kung magtagal pa ako roon ay baka ano pa ang magawa ko. Kung magtagal pa ako roon ay baka matalo na ako ng nararamdaman ko at ayokong mangyari iyon dahil hindi iyon tama para sa akin. Pagkakaibigan lamang ang dapat kong ibigay kay Jealyn at hindi tama na makaramdam ako ng kung anong higit pa sa roon. Mas matimbang naman ang isip kaysa sa puso, hindi ba? Kaya tama lang ang desisyon ko, hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD