Chapter Nine
I didn't expect na tatakbo palabas ng room ang lalaking kausap ko at yayakapin ako sa harap ng maraming estudyante. Dahil break time, halos nasa labas ang lahat dahil sa init sa loob ng room at lahat sila ay nakita ang nangyari.
Napaatras ako dahil sa biglaang yakap habang si Jealyn ay napalayo naman sa amin. Sa gulat ay hindi ako agad nakagalaw. Naghiyawan ang mga nasa paligid namin at ang iba ay nanunukso pa.
"Uhh, Christian, ang daming nanonood." Bulong ko habang bahagya ko siyang itinutulak palayo nguniit sadyang mahigpit talaga ang pagkakayakap niya.
Sinulyapan ko si Jealyn na laglag ang pangang nakatingin sa amin. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin din sa akin.
"Christian, hindi na ako makahinga."
"Oh?" I'm sorry." Agad siyang bumitaw. Halos mapunit ang kaniyang labi at ang mga mata niya ay tila nakapikit na. "Sobran saya ko na ang dating crush ko lang ay gilfriend ko na ngayon."
With a blink of an eye, Christian became my first ever boyfriend. At that time, I was so young, not that I'm old now but it's been how many months since that day and I've got different boyfriends since then kaya naman marami na rin akong natutunan na mga bagay-bagay about relationship.
Sa loob ng ilang buwan, nakalimang boyfriend ako. Ang pinakamatagal ay si Henz dahil ahead siya ng dalawang taon sa akin at medyo matured ang pag ha-handle niya sa relationship namin. I remember him saying na I'm the most innocent na naging girlfriend niya and I broke up with him he's a p*****t.
"Aba, Yana! Ilang araw na lang birthday mo na. Anong ganap?" Umakbay sa akin si Ronald habang naglalakad. Pauwi kami ngayon dahil nagsuspinde ng pang-hapong klase.
"Wala. Simpleng handaan lang. Punta ka ah?"
"Taray. Sixteen ka na niyan, diba? Ano ba gusto mo regalo?" Naramdaman ko ang paggalaw ng bag ko hindi dahil naglalakad ako. Iyong galaw na may nagbubukas kaya naman dali-dali akong lumayo kay Ronald. Tatawa-tawa niya akong tinignan at huling-huli ko ang pasimpleng pag tapon niya ng isang bato.
"Baliw ka! Balak mo pang lagyan ng bato ang bag ko, ha!"
Nag habulan kami hanggang sa makarating sa amin. Sumama siya dahil inihatid niya ako. Hindi rin naman siya nagtagal dahil maglalaro raw siya ng basketball sa court kasama ang mga pinsan kaya naman tinanggihan niya ang pag-alok ng merienda ni Mama.
"Hindi mo ba nakita ang Papa mo roon sa kanto?" Ani Mama habang binubuksan ang bote ng softdrinks. Katatapos ko lang magbihis at dito ako sa tindahan ni Mama dumiretso dahil nandito ang palitaw na luto niya para sa merienda.
"Nandoon kausap pa nga ho kasama si Mang Berting."
Ever since na nagkaroon ako ng boyfriend, tila nasanay na ako na palaging may kausap sa cellphone kaya naman inip na inip ako ngayon.
Alas otso na ng gabi at katatapos lang namin kumain ng hapunan at heto ako, nakahiga sa kamang mula grade school ay higaan ko na.
I suddenly remembered Jealyn. Simula noong sagutin ko si Christian ay hindi na rin kami gaanong nakakapag-usap at tuluyan na nga kaming nawalan ng komunikasiyon nang magpaiba-iba ako ng boyfriend.
Napaisip tuloy ako kung kamusta na kaya siya? Wala akong nababalitaan sa kaniya sa school at hindi na rin siya nakukwento ni Ronald sa akin. Hindi ko alam kung wala na ring pakialam si Ronald o talagang iniiwasan niyang ikuwento si Jealyn.
Kaysa mamatay sa inip, nagpasya ako na i-message na lang si Ronald at inaya ko siyang tumambay sa malapit na convenient store sa amin. Agad naman siyang pumayag at sinundo pa niya ako sa bahay gamit ang motor ng kaniyang Kuya.
"Libre mo ako, ha? Tutal birthday mo na." Tinulungan niya akong magtanggal ng helmet dahil hindi ako marunong. "Kailangan mong matutong magsuot at alis nito. Baka akalain ng mga kapitbahay eh mag-jowa tayo. Kadiri." Bulong niya habang palihim na tinitignan ang mga taong napapasulyap sa amin.
Tinawanam ko lamang siya. Pagkatapos niyang iayos ang mga helmet na ginamit namin ay sabay na kaming naglakad papasok sa convenient store. Malamig na ang simoy ng hangin dahil malapit-lapit na rin ang pasko.
"Lakad tayo mamaya sa night market?" Nilingon ko si Ronald at nanlaki ang mga mata nang makitang kumuha siya ng inumin dahil self service at pinuno ang baso ngunit binawasan din niya ito saka niya pinuno ulit. "Baliw ka ba?" Bulong ko rito at halos kurutin ko na ang tagiliran niya dahil inulot pa niya ang ginawa. Pagkapuno ng baso ay ininom niya ito saka pinuno ulit.
"Technique 'yan. Natutunan ko kay Jea." Tumatawang saad niya habang naglalakad patungo sa junkfood section.
"Ahh ang salbahe niyo naman."
Tila na offend siya sa sinabi ko dahil pabigla niya akong nilingon at kunot pa ang noo. "Makasalbahe ka naman. Binabayaran naman namin. Saka minsan lang naman."
"Kahit na binabayaran ninyo. Dapat sakto lang ang kukuhanin ninyong produkto dahil sakto lang din ang bayad na ibinibigay ninyo." Kinuha ko ang kulay orange na chichirya na may nakasulat na 'Vcut'.
"Hindi sakto ang ibabayad ko. Isang libo. Sobra pa. Happy ka na?"
"Abn*rmal ka?" Gigil sa sinabi niya, halos masapak ko na siya kaya lang ay mabilis siyang lumayo sa akin habang tumatawa.
"Totoo naman kasi. O sige, para matahimik ka, ititigil ko na ang ipinagbabawal na technique ngunit kailangan mapatigil mo rin si Jea sa paggawa noon."
"Hindi, sige. Inumin mo na lahat ng slurpee nila rito hanggang sa sumabog iyang tiyan mo." Masungit na sabi ko sabay walk out. Dumiretso ako sa counter at inunahan siya sa pagbabayad upang hindi ako ang magbayad ng mga pinagkukuha niya.
Lumabas ako pagkatapos makuha ang sukli. Pinili ko ang upuang nasa may sulok at nakaharap sa bandang pintuan ng convenient store. Kitang-kita ko kung sino ang mga pumapasok at lumalabas mula sa tindahan.
Sunod-sunod na gabi bago ang birthday ko ay palagi kaming kumakain sa labas ni Ronald. Minsan ay kasama ang kapatid niya at sina ate, kung walang trabaho at minsan naman ay dalawa lamang kami ni Ronald. May gabi pa na kung saan nakasama namin ang iilan sa mga kaklase namin dahil nagpumilit silang sumama.
Katatapos lamang ng exam isang araw bago ang birthday ko nang mag-aya ang mga ito na lumibot. Karamihan ay mga kaklase naming lalaki ang kasama at iilan lamang ang babae.
"May isasama ba sa ibang section? O 'di kaya ay sa ibang grade?" Ani Ronald habang nakangisi sa akin.
"Pwede naman. Mas marami, mas masaya. Sabihan ko ba sina Rey?" Anang isa sa mga kaklase naming babae. Hindi kami close kaya hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito lalo na at ang mga kasamahan namin ay ang mga madalas din naming makasama ni Ronald tuwing breaktime.
"May meeting pala ako sa journalism!" Halos irapan ko si Ronald dahil alam ko ang gusto niyang iparating. Nandito pa kami sa gilid ng gate, nakatayo at hinihintay ang iba pa naming kasamahan.
Kanina ko pa nakikita si Jealyn na kumukuha ng letrato sa mga halaman. Kasama niya ang presidente ng journalism organization at mukhang may pinag-uusapan sila dahil kanina ko pa napapansin na walang tigil sa pagsasalita ang babae.
Hindi ko alam kung nakita ako ni Jealyn ngunit nagkatinginan na kami kanina ng kasama niya. "Tigilan mo nga, Ronald. Para kang tanga." Bulong ko dahil hindi pa rin tumitigil si Ronald sa pang-aasar.
"Bakit? Wala naman akong ginagawa, ah?" Aniya habang nagpipigil ng tawa. Sumulyap siya sa kinaroroonan ni Jealyn na siyang lalong nagpatunay na nang-aasar nga siya. "Isama na kasi natin si Jea. Isang linggo ng walang pahinga iyan dahil sa org."
"Isama mo kung gusto mo. Bahala ka sa buhay mo." At ang gag*, isinama nga niya. Kaya naman isang gabi bago ang kaarawan ko ay puro pang-aasar at kahihiyan lamang ang nakuha ko.
Hindi gaya ng ibang gabi na lumalabas kami ni Ronald, ang gabing iyon ay iba. Maaga akong umuwi dahil hindi ako tinitigilan sa pang-aasar ng mga kasamahan sa pangunguna ni Ronald. At isa pa, kapansin-pansin din ang pagkailang ni Jealyn dahil tahimik lamang siya at wala man lang akong nakitang reaksiyon mula sa kaniya kahit na tinutukso na.
"Balita ko, hindi na kayo nag-usap simula nang magkaroon ka ng boyfriend, Yana?" Anang isang chismosang babae na bitbit ng isa sa mga kasama naming lalaki. "Jealyn?" Taas kilay niyang binalingan si Jealyn nang hindi siya makakuha ng sagot sa akin. Tinitigan ko si Jealyn at hindi man lang nagbago ang blanko niyang ekspresiyon.
Tila nakaramdam ako ng kurot sa dibdib nang maramdaman kung gaano kalamig ang tungo niya. Simula nang araw na sagutin ko si Christian, hindi na kami nag-usap pa ni Jealyn at hindi ko na rin nasilayan ang ngiti niyang tila modelo ng toothpaste.
I felt a hollow space on my heart. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit hindi ko na nasilayan ang mga ngiti niya. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit tila napakalamig na ng tungo niya ngayon. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit tila nawala ang masayahing si Jealyn.
I wonder if magiging ganito ba kalamig si Jealyn kung hindi ko sinagot si Christian a few months ago? Malapit pa rin ba kami sa isa't-isa kung hindi ako nagpadalaso-dalos sa desisyon ko noon? Ngunit ginawa ko lamang iyon dahil iyon ang pakiramdma kong tama nang mga oras na iyon.
Iyon lamang ang tingin kong magagawa ko upang matakbuhan ang kalituhang ipinararamdam ni Jealyn sa akin noon. Babae ako at dapat ay lalaki ang mamahalin ko ngunit iba ang nangyayari noon kaya ginawa ko lamang kung ano ang dapat, hindi ba?
Tanghali kinabukasan na ako nagising. Kung hindi ako ginising ng mga sigaw ni Mama ay baka hanggang mamayang hapon ay tulog pa ako. Naligo muna ako at nag-ayos ng bahagya bago tuluyang bumaba.
"Good morning, birthday girl!" Napapikit ako at napasigaw nang biglang itutok sa akin ni Ronald ang party popper na kaniyang hawak. Katabi niya ay ang mga barkada naming lalake na sina Mark at Riley, na parehong kasama ang mga girlfriend nila.
"Happy birthday, Yana!" Natawa ako nang sabay-sabay silang lumapit sa akin at yumakap.
"Salamat. Kanina pa kayo?"
"Oo kanina pang mga five in the morning." Ani Riley.
"Mabuti at nakapunta kayong dalawa? Sabi ninyo may pasok kayo kahit sabado?" Sa ibang eskuwelahan nag-aaral ang dalawa. Nakilala ko lamang sila dahil kay Ronald at sa paglalaro ko na rin ng basketball minsan hanggang sa nagkasundo-sundo kaming tatlo.
"Uhh, surprise?" Sarkastikong usal ni Mark.
Hindi nagtagal ay dumami na rin ang mga bisita. Karamihan ay mga kasamahan ni Papa sa pagda-drive at ang mga katrabaho nina Ate.
"May mga darating na kasamahan ko sa journalism, ah?" Pakiramdam ko lahat ng dugo ko ay napunta sa aking mukha dahil sa biglaang pagtibok ng puso ko. Kunot ang noo kong binalingan ang nakangising si Ronald.
"Sino na naman, Ronald? Hindi nakakatuwa ah." Usal ko habang inaabot ang shanghai sa tabi ng kaniyang plato.
"Bakit? Sabi ni Tita, pwede ako mag invite ng kahit sino dahil wala ka raw gaanong kaibigan. Ang sungit mo kasi minsan."
We argued for about a minute dahil doon. Sumasabat pa minsan sina Mark at Riley na hindi ko malaman kung kay Ronald ba kampi o sa akin. We only stopped arguing dahil sumabat na si Mama at inaming siya nga mismo ang nag sabi kay Ronald na mag-imbita.
For the past hour, relax lang akong nakikipag kwentuhan sa mga kaibigan. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa saya habang nakikita ang mga taong malalapit sa akin na magkakasama at masasayang nag uusap-usap.
Buong akala ko ay magtutuloy-tuloy iyon ngunit nagbago ang lahat nang makita ang pagpasok ng iilang mga tao na pamilyar ang mukha ngunit hindi ko kilala. Sila marahil ang mga inimbita ni Ronald.
Pare-pareho kaming nakatingin nina Mark sa mga bagong dating. Sinalubong sila ni Ronald at Mama habang ako ay hindi man lang kumilos mula sa pagkakaupo. Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan gayong hindi ko naman sila kilala.
Ang tanging mukha na pamilyar sa akin ay iyong grupo na madalas kong makita sa canteen. Sila iyong maiingay at palaging magulo pagdating sa pagbabayad. Wala sana akong balak tumayo ngunit nang lingunin ako ni Mama ay kulang na lang masaksak ako sa tingin niya.
"Lapit ka na. Baliw si Ronald nag imbita ng 'di kilala." Tatawa-tawang usal ni Riley habang tinutulak ng bahagya ang balikat ko.
Kahit naiilang dahil hindi ko sila kilala ay wala akong nagawa kundi lumapit at asikasuhin sila. "May surprise ako sa iyo." Bulong ni Ronald na agad naka akbay sa akin paglapit ko.
"Ayusin mo, Ronald at baka masapak kita kapag kalokohan na naman iyan."
Pinaupo ni Mama ang mga bisita ni Ronald sa mesa namin. Natahimik tuloy ng wala sa oras sina Riley at ang nag-ingay naman ay ang mga bagong dating. Madali silang pakisamahan ngunit masyado silang maingay, masakit sa tainga.
"Gag* 'tong si Ronald, sino ba ang mga iyan?" Bulong ni Mark sa akin habang pinagmamasdan naming pareho iyong babaeng may highlights na pink ang buhok na lamunin ang puto na nasa hapag. Literal na lamon ang kaniyang ginawa dahil punong puno na ang bibig niya ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag subo.
"Ngayon lang ba naka-attend ng birthday-an ang mga iyan?" Anang girlfriend ni Riley na mukhang diring-diring nakatingin doon sa babae.
Ipinakilala sila ni Ronald kanina ngunit sa dami nila ay hindi ko natandaan ang mga pangalan ng bawat isa sa kanila. Kasama nila iyong guwapong lalaki na pinakatahimik sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay Marcus yata ang kaniyang pangalan? O Marcos? Hindi ko sigurado basta ganoon.
"Parang. Nakakahiya sila." Segunda naman ni Riley. Napansin ko ang paglinga ng girlfriend ni Mark kaya naman hindi ko napigilan na mapagaya rin. Marami ang tao at maingay. Pinakamaingay ay ang grupo nina Papa na nag-iinuman at nagkakantahan sa videoke na inarkila ni Ate.
Sa paglinga ko ay hindi ko inaasahan na makikita ko ang taong matagal ko ng hindi nakikita nakatayo sa may gate namin habang may hawal na malaking kulay asul na paperbag.
Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat at tanging ang biglaang pagbilis na lamang ng t***k ng puso ko ang narinig. Everything became blurry and she's the only one that I can see clearly.
Nagtama ang tingin namin na siyang lalong nagpakaba sa akin. Wala sa sarili akong dahan-dahang tumayo. Pakiramdam ko ay nakalutang ako sa mga ulap at biglaang bumagsak nang makaramdam ng mabigat na pwersa sa balikat ko.
Pumikit ako at suminghap nang mapagtanto kung ano ang nangyari. "Tulo laway mo." Halos masapak ko si Ronald na siyang nakaakbay sa akin ngayon. Kung hindi siguro niya ako inakbayan ay baka hanggang ngayon ay nakatulala ako kay Jealyn na nakatayo ngayon sa may gate namin habang nakatitig sa amin--sa akin.
Naramdaman ko ang tingin ni Ronald sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin. Hindi ko maalis ang titig ko sa babaeng matagal ko ng hindi nakita. Sa babaeng tanging nakakapagpakaba sa akin ng sobra at sa babaeng naging sanhi ng pagkalito ko.
Humigpit ang akbay sa akin ni Ronald, halos nakayakap na. Tumawa siya ng bahagya bago ibinulong ang mga salitang hindi ko alam kung bakot nag paiyak ng sobra-sobra sa akin ngayon gabi. "Surprise. Happy birthday, Yana."