Chapter Eight
"Hoy! Nabangga ka lang ni Marco, natulala ka na?"
"Shut up, Ronald. Pwede ba wag ako ang pagtripan mo?" Mabilis ko siyang nilagpasan pero agad din siyang sumunod. "Ano? Uuwi ka talaga?"
"Sa tingin mo, ganoon ako katamad?"
"Oo! Hindi ka nga pumasok noong intrams" aniya habang tumatawa pa. "Alam kong hindi ka talaga nagkasakit noon, ano! Utot mo, mauuto mo! Ako hindi" oh, God help me escape from this monkey.
Hanggang sa canteen ay nakasunod siya. Wala raw ang teacher namin kaya mahaba ang break time namin dahil ang sunod na klase ay mamayang ala una pa.
"Trip mo talaga rito sa canteen 'no? Kasi rito kayo unang nagkita ni Jea?" Bakit ba ipinanganak pa ito ng nanay niya? I should google later kung paano ibabalik ang isang tao sa pagiging sperm para magawa ko kay Ronald.
For the whole week, ganoon palagi ang senaryo namin ni Ronald. Papasok ako, kakain sa canteen, darating si Ronald, aagawin ang pagkain ko and then the cycle continues.
Hindi niya talaga ako nilulubayan kahit na anong pilit ko sa kaniya. One time, I got really annoyed and tried to hide from him pero ang mga kaklase namin ay itinuro naman ako. Mga bida-bida.
"Hah! You can't hide from the great Ronald!" Hinampas pa niya ang dibdib niya habang ang kilay ay nagtataas baba. "Tara sa mall" aniya pagkatapos magyabang.
"No, thanks"
"Why? Ang KJ mo naman! Pero kapag si Je-" tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko kaya naman hindi na maintindihan ang mga sinasabi niya ngayon.
"Shut up. Sasama na ako basta ipangako mo na hindi mo siya babanggitin?" Nagsalita siya ngunit hindi ko maintindihan kaya naman inalis ko ang pagkakatakip ko sa bibig niya. "Eww" my hand is kinda wet from his saliva. Kadiri kaya agad ko itong ipinunas sa polo niya na siyang kaniyang ikinagalit.
"Laway mo naman iyan kaya ayos lang!" Hinabol ko siya habang tinatangka pa ring ipunas ang kamay ko sa uniporme niya. Bakit ba kasi nagagalit eh laway naman niya ito. Dapat nga ako ang magalit dahil nalagyan ng laway niya ang kamay ko, ano!
We almost reached every corner of the campus dahil sa habulan. I stopped when i almost bump sa teacher namin. Siya pa naman ang head ng aming department kaya agad akong humingi ng paumanhin. Ngumiti lamang siya at saka ako nagpatuloy sa pgtakbo nang makalagpas na siya sa akin.
I'm so damn tired pero hindi pa rin ako tumitigil sa paghabol kay Ronald na paaatras na tumatakbo. I don't know how he do that. It must be his experience sa journalism where he needs to run a lot to have a good shot.
"Stop! Ayako na. Heto na at ipunas mo na sa polo ko kahit pati pawis mo basta tigilan mo lang ang paghabol." Dire-diretso niyang sabi na halos hindi ko pa maintindihan. He offered his shirt kaya naman mabilis ko iyong hinatak at ipinunas sa kamay ko. "Nawa'y masaya ka na"
"Yup! Thanks." I laughed a his reaction. Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay bigla na lang siyang umakbay at hinatak ako sa direksiyon ng gate.
I didn't say anything. Alam kong hahatakin niya ako hanggang sa sakayan at didiretso na kami sa mall. He's been asking me to play in the time zone kaya pagbibigyan ko na at baka umiyak.
And I'm thankful to him dahil hindi na nga niya binanggit pa si Jealyn. It's not that I'm still mad at her pero hindi ko alam. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang haraapin siya muna. Naiisip ko pa nga lang siya ay naiilang na ako, what more kung magkaharap na talaga kami.
I didn't expect na she will make my silent and peaceful llife a roller coaster one. I didn't expect na she can pissed someone and yet still misses her. I didn't expect that feeling different feelings is possible.
I still wonder how is she doing sa baguio. Is she eating a lot? Is she cold? I heard na malamig ngayon sa Baguio so I hope nag dala siya ng mga panlamig niyang damit.
On monday, makikita ko na ulit siya and I don't know if it is okay to approach her like we did not fought. Oh, yes, hindi nga pala kami nag away. Ako nga pala ang unang umiwas sa kaniya. If kakasapin ko lang siya bigla sa Monday, is it okay with her, then? Hindi ba ay parag ang pangit naman na iniwasan ko siya, tapos bigla nalang ulit kakausapin?
"Ako kasama mo pero iba iniisip mo"
Napatingin ako kay Ronald na nakasimangot habang pinagmamasdan akong matulala. Nakasakay na kami sa jeep at hindi pa umaalis dahil apat pa lang kaming nakasakay a ang dalawa ay mukhang mag kasintahan pa.
"Sure ka ba na hindi ikaw ang iniisip ko?" I asked him sensually. I touched his biceps and caressed it slowly, up and down. I forced my self not to laugh but seeing his weirded reaction, I don't think I can stop my self from bursting into a loud laugh.
"What the hell, Liana?" He pushed me but I didn't move. Tinuloy ko ang ginagawa habang malandi siyang tinitignan. Let's see kung hanggang saan ang isang Ronald Lumanog. Stop or else sisigaw ako!"
"Oh? Sige nga, parinig ng sigaw" He looks like he'll going to cry any minute now. A smile crept into my lips and he noticed it.
He was about to open his mouth when I laughed so loud. "Happy ka na niyan?"
Tumango-tango ako habang hindi matigil sa katatawa. Mabilis siya lumakad palayo kaya naman agad ko siyang sinundan dahil baka iwan pa niya ako. Siguradong gagabihin kami sa pag uwi dahil ganoon palagi ang nangyayari sa tuwing namamasyal kami rito sa mall. That's the reason why I am always with him dahil binilinan siya ni papa na palagi akong sabayan sa tuwing gagabihin ng uwi. And never pa siyang pumalya sa bagay na iyon.
We decided to eat snack first before going to the timezone. Nag-aya siya na sa labas na lang ng mall kumain dahil mas mura raw and I agreed. Halos doble ang presyo kapag sa loob bumili kaysa sa labas.
After eating, saka kami nag larong nag laro. I was laughing so hard as I watch him shout in frustration dahil hindi niya na su-shoot ang bola sa basketball game. Dinaig ko pa siya at ang mas lalong nakapagpainis sa kaniya ay noong nanalo ako at sagot niya ang pamasahe ko bilang parusa. Nag pustahan kasi kami na kung sinong matalo ay kailangan sagot niya ang pamasahe pauwi ng nanalo, and it's me.
"Isa po." Siniko ko si siya dahil sa sinabi niya sa konduktor ng bus na sinasakyan namin pauwi. he sighed, "Dalawa po pala. Nakalimutan kong may kasama po pala akong bata, hehe"
"Hoy! Anong bata?" He just shrugged his shoulder and then closed his eyes. Mukhang masama paring ang mood dahil sa pagkatalo niya sa pustahan namin.
Ang sabi niya ay hindi raw patas ang laban dahil naglalaro talaga ako ng basketball habang siya ay hindi na gaanong nakakapag sanay dahil sa journalism. Hindi lang talaga niya matanggap na mas magaling talaga ako sa kaniya.
Bulong biyahe ay nakatulala lang ako sa bintana ng bus dahil tinulugan talaga ako ni Ronald. Pumasok sa isipan ko si Jealyn. The whole day, hindi ko an lang siya naisip dahil masyado akong abala sa pakikipaglaro kay Ronald.
I wonder kung kailan siya babyahe pauwi rito? Sa lunes ay papasok na siyang muli kaya siguro ay sabado o 'di kaya ay linggo ang uwi niya. Sino kaya ang kasabay niya? I took out my phone and searched her name saka ako nagtipa ng mensahe.
Ako:
Hi, how are you?
Tinitigan ko iyon ng ilang minuto. Hindi ko alam kung isesend ko iyon o hindi. I feel bad sa pag iwas sa kaniya and yet I also feel bad sa kaisipang kausapin na lang siya bigla.
"I-send mo na. Miss ka na rin niya." Halos mabato ko ang cellphone ko nang biglang mag salita si Ronald. He smirked.
"Akala ko ba, tulog ka?" Binura ko ang message ko dapat kay Jea at saka itinago ang phone ko sa bulsa.
"Bakit hindi mo sinend?"
"Bakit ka nangingielam?"
Lunes at heto ako, nakatulala habang umiinom ng kape rito sa hapag kainan. Alas singko pa lang at hindi ko alam kung bakit ganito ako kaagang nagising. Usually ay alas sais na ang gising ko o hindi kaya ay alas siete, dahilan kung bakit nalelate ako.
Tahimik ang paligid dahil wala si mama at papa, namalengke habang sina ate ay tulog pa. Jealyn will be back today and it excites me. Pagkaubos ng kape ay agad akong naligo at nag ayos na kaya naman wala pa mang six thirty ay tapos na ako.
Ayaw pa sana akong ihatid ni papa pagka-uwi nila galing palengke dahil masyado pang maaga pero dahil sinabi kong may aasikasuhin ako sa school, pumayag na rin.
Pagkadating sa school, imbes na dumiretso ako sa room namin ay nagpasya akong duman muna sa canteen. Bibili sana akong ng tinapay ngunit pagkadating ko roon ay sarado pa iyon kaya naman bumalik nalang ako.
Tinahak ko ang daan kung saan madadaanan ko ang room nila Jealyn. My heart suddenly skipped a beat at mas lalo pa itong bumibilis habang papalapit sa room nila.
Tila nakahinga ako ng maluwag nang makita ang room nila na nakalock pa ang pinto. Ngunit may parte rin sa akin na nakaramdam ng bahagyang kalungkutan dahil sa pag-aakalang makikita ko siya ngayong umaga.
Natapos ang pang umagang klase ay wala akong nakita kahit na anino niya o kahit dulo man lang ng buhok niya. Inaasar tuloy ako ni Ronald at sinasabi niya na malungkot ako dahil hindi ko pa nakikita sa Jea. He even asked me to bet na mag iiba ang mood ko oras na makita si Jea but of course, I didn’t agreed.
Hindi naman kasi dapat pinagpupustahan ang nararamdaman ng isang tao. Oh, sure we can bet on who will win a game or whatnot but it's a big no when it comes sa feelings ng tao.
Pinagmasdan ko si Ronald na naglalakad papunta sa canteen. Nagpaili na rin ako ng pagkain ko na rito sa room ko nalang kakainin. Kapalit ng pagbili niya ng pagkain ko ay ang pagdadala ko ng ibang gamit niya sa kaniyang locker. Ayos lang naman dahil may kukuhanin din ako sa akin.
Habang naglalakad ay hindi mawala sa isipan ko si Jealyn. Lumilinga-linga rin ako, nagbabakasakaling makita siya at hindi naman ako nabigo...sa tingin ko.
Malapit sa mga locker ay nakatayo ang bagong gupit na si Jea. Her black hair is now gone and she's now sporting a blonde hair. Kahit kinakabahan ay nagpatuloy ako sa paglalakad. She is talking to someone and when she looked at my direction, agad na nagtama ang mga tingin namin.
Her smile slowly faded. Habang papalapit ako ay siya naman pagbilis lalo ng t***k ng puso ko. "Hi" hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na mag hi sa kaniya gayong nitong mga nakaraang araw lang ay iniisip ko kung paano ko siya kakausapin.
Tumango siya sa akin. "Long time no see, Yana."
"Oo nga. How's your trip?"
She smiled but it's not the same smile na palagi kong nakikita noon sa kaniya. Ni hindi ko man lang nga nakita ang ngipin niya, hindi gaya dati na pati gilagid ay kita sa tuwing ngumingiti siya. I was about to asked kung kamusta na siya when a petite long haired girl suddenly grabbed her and kissed her on the cheeks.
Jealyn laughed. Nakaramdam ako ng kirot sa may bandang dibdib ko dahil sa nasilayan. Ngayon ay nag uusap na ang dalawa sa harap o habang magkahawak kamay at parehong may malalaking ngiti sa labi. They both looks so happy, huh?
"Uh, Jea, una na ako. nice to see you agin." Kahit na hirap ay pinilit ko ang sarili na ngumiti. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na akong tumuloy. Hindi ko na inayos ang mga gamit ni Ronald at basta-basta ko nalang ipinasok ang mga iyon sa locker. Pagkasara ng locker ni Ronald ay dumiretso naman ako sa locker ko.
Napaatras ako nang may mahulog na puting envelope pagkabukas ko ng locker ko. It has a big heart na iginuhit gamit ang pulang krayola. Sa ibabang bahagi ay may nakasulat na 'crush'
Binuksan ko iyon at nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung ano iyon. It's a confession letter na nagsasabing matagal na siiyang may gusto sa akin. Sa pinakahuli ay nakasulat ang pangalan niya at ang section, pati na rin ang cellphone number.
Marami pang ganoong klase ng envelope sa loob ng locker ko at pinagkukuha ko lahat ang mga iyon. Pag-ikot ko ay napahinto ako ulit dahil nasa harapan ko si Jealyn. Sinulyapan ko ang babaeng kausap niya kanina na nakatayo sa gilid niya bago ibinalik ang tingin kay Jealyn na ngayon ay nakatitig sa akin.
"Nag lunch ka na?"
"Oo." Nagkunwari akong tinignan ang oras sa phone pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa kasama niya. She's pretty. Maputi, matangos ang ilong, at bilog ang mga mata. "I have to go na. Baka hinihintay na ako ni Ronald. Excuse me" yumuko ako ng bahagya bago sila nilagpasan.
One week na hindi nagpakita and yet her she is, talking to me kasam ang ibang babae? Sobrang bigat ng pakiramdam ko at para akong niiyak. Pakiramdam ko ay pinagtaksilan ako.
Hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina. kung gaano kalaki at katotoo ang mga ngiti ni Jea sa babae niya kumpara sa ngiting ipinapakita niya sa akin. Iyong itsura ng ngiti niya at kung gaano ito katotoo kumpara sa ngiting iginagawad niya sa akin, ang tawanan nila, pati na ang itsura nila habang nag uusap kung saan tila may sariling mundo sila na silang dalawa lang ang may access.
Sa sobrang sama ng loob at sa kalituhan sa nararamdaman, hindi ko akalaing magagawa ko ang mga bagay na alam kong pag sisisihan ko sa huli. kinuha ko ang confession letter na nahulog kanina sa locker ko at saka tinawagan ang numerong nakasulat doon.
"Hello? Sino 'to?" Boses pa lang ay kilalang-kilala ko na siya. Tinitigan ko ang katapat na room at pinagmasdan ang lalaking nakatalikod sa banda ko habang nakatutok ang cellphone sa tainga niya.
"Liana. I have something to tell you"
Bigla siyang umikot dahilan kung bakit magkaharap na kami ngayon. Nakakunot ang noo niya noong una at unti-unti iyong nawala nang magkatinginan kami. He was about to go out pero pinigilan ko.
"Diyan ka lang muna."
"Yana!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Jealyn. Hindi na niya kasama iyong babae pero hindi p rin ako natutuwa. Hindi mawala sa isipan ko iyong kanina at sa tuwing naiisip iyon ay lumalala lang ang nararamdaman ko.
Lumapit pa siya sa akin. Nag iwas ako ng tingin at pilit na ipinako ang tingin sa lalaking kausap. Bakas sa mukha niya ang pagkalito at kaba. Si Jealyn ay kinakalabit na ako ngayon ngunit hindi ko pinapansin.
Huminga ako ng malalim bago binitawan ang mga salitang hindi ko akalaing ganito kabilis at kadali ko lang masasabi. "Boyfriend na kita."