Chapter Four

2536 Words
I woke up with my head mildly aching. Pakiramdam ko ay pansamantalang natanggal ang ulo ko sa sobrang sakit at parang naalog lahat ng laman nito. Dahan-dahan pa ang pagmulat ng mata ko dahil medyo makirot din at nang tuluyan na ngang naimulat, bumungad sa paningin ko si Jealyn na nakaupo sa kaliwang bahagi ng hinihigaan kong maliit na kama. Hawak niya ang cellphone niya at mukhang may nakakatuwa siyang tinitignan doon dahil sa abot tenga niyang ngiti. Umupo ako at naagaw niyon ang atensiyon ni Jealyn. Sinundan ko ng tingin ang cellphone na dali-dali niyang ibinaba. "You okay?" Halos iiwas ko ang mukha ko nang bigla niyang hawakan ang noo ko. 'Yung puso kong taksil, tumibok naman agad ng napakabilis. Nakakainis. Ramdam ko ang bahagyang pag-init ng mukha ko dahil sa hawak niya. "Je, natamaan ako ng bola. Hindi ako nilalagnat." Usal ko, sinusubukang iiwas ang mukha ko sa hawak niya para naman makalma ang puso kong nagwawala. Bumaba ako mula sa kama saka nilingon ang maliit na kwartong kinalalagyan namin. Mukhang nandito kami sa clinic dahil sa puting kurtina na nakapalibot sa kama. May tray ng pagkain sa gilid pero hindi ko nalang pinansin. Wala rin naman akong ganang kumain at kung meron man, hindi ko rin kakainin ang pagkain dito sa clinic dahil hindi masarap at puro gulay pa. "Malay ko ba. Ang lakas ng pagkakatama noong bola sa iyo. Dalhin kaya kita sa ospital? Baka may problema sa loob ng ulo mo?" Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Inilingan ko na lang siya. Tumayo na rin si Jealyn at siya na ang kumuha ng mga bag namin na nakalapag pala sa gilid ng kama. Inabot ko ang bag ko pero iniiwas lang niya ito. "Ako na." ngumisi na naman siya. Imbes na makipagtalo ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Baka mamaya ay atakihin pa ako sa puso dahil sa sobrang bilis tumibok. "Bakit ba gustong gusto mong ngumingisi at kumikindat?" Nilingon ko siya at ganoon pa rin ang itsura niya. Mukhang tuwang tuwa rin siya, hindi ko alam kung dahil kasama niya ako o dahil sa walang kwenta kong tanong. Ang feeling ko naman kung iisiping ganiyan siya makangisi dahil lang kasama niya ako kaya naman pilit kong inalis iyon sa isipan ko. "Hmm?" Napahinto siya sa paghawi noong kurtina. Nakataas ang isang kilay niya akong hinarap, "bakit? May epekto sayo?" What? Nanlaki ang mga mata ko sa bulgar niyang tanong. Ilang beses na siyang nagsabi ng mga straightforward words pero hanggang ngayon ay nagugulat pa rin ako. Mas lalong lumaki ang ngisi niya nang siguro'y makita ang itsura ko. Umubo ako ng peke at nag-iwas ng tingin. L*che 'yung puso ko baka mamaya makita ko na lang nakalabas na at tumitibok-t***k sa harapan ni Jealyn. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong huminga ng malalim ngayon araw. Para akong tinuturuan ni Jealyn kung paano ang tamang pag inhale at exhala, ah. Nakatingin siya sa akin na akala mo batang naghihintay ng lollipop. Inaabangan niya ang isasagot ko sa tanong niya. My answer is meron. Obvious naman. Bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing ginagawa niya iyon. Hindi ako mapakali tuwing ngumingisi at kumikindat siya sa akin. Syempre, hindi ko iyon inamin. Kakainin muna ako ng lupa bago ko iyon aminin sa kaniya. Umiling ako at nagpatiuna na sa paglalakad. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ko ang straightforward niyang tanong. Narinig ko pa ang malakas niyang tawa habang nag papasalamat ako sa Nurse na nakaupo sa may gilid ng pinto. Pumirma ako sa log book bilang record daw ng mga lumalabas at pumapasok sa clinic ayon sa Nurse na siyang nakabantay palagi roon. May doctor din dito, dalawa ngunit wala yata sila ngayon dahil hindi ko sila nakita. Pagkatapos pumirma ay lumabas na ako at nagpasyang doon nalang hintayin si Jealyn na naririnig ko pang nakikipag usap sa Nurse at tumatawa. Ilang sandali lang ay lumabas na rin siya. "Ang tagal mo." nakasimangot ko siyang tinignan. Mag aala-una na at baka wala na kaming madatnan na pagkain sa canteen. Gutom ako pero pakiramdam ko ay wala akong ganang kumain ang kaso ay kailangan dahil baka himatayin ako sa gutom. Madalas kasi ay ubos na ang pagkain pag ganitong oras dahil sa dami ng estudyante. Minsan ay may mga natitira pero mga hindi na masasarap kaya nakakawalang gana ring kumain. "Yiee, hinintay niya ako." Sinimangutan ko siya, salungat sa itsura niyang nakangisi. Inborn na siguro sa kaniya ang nakangiti. Siguro pagkahatak ng OB sa kaniya, nakangiti na siya. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong lumayo sa kaniya ng tusukin niya ang tigiliran ko. Tumatawa siya habang pilit akong inaabot, kinikiliti. "Sabi mo kasi libre mo lunch." Hinihingal kong usal habang pilit siyang iniiwasan. Hinampas ko ng bahagya ang kamay niya nang magawa niyang tusukin muli ang aking tagiliran kaya nakiliti ako ng kaunti. Nagpatuloy siya sa ginagawang iyon hanggang sa makarating kami sa canteen. Sabay sabay na naglingunan ang mga tindera sa amin. "Halu, halu!" Kumaway-kaway pa si Jealyn sa kanila at lumakad na ala beauty queen. Mukhang malapit talaga siya sa mga ito base sa paraan ng pag aasaran at pag bibiruan nila. Dumiretso ako sa hilera ng mga ulam na nakadisplay sa gitna. Tama nga ako, kaunti nalang ang natira. Tatlong klase ng ulam nalang at halos lahat ay gulay pa. Tinignan ko si Jealyn na nakikipag usap sa isang tindera habang pasulyap-sulyap sila sa akin. Naiilang ako pero pinilit ko silanh ignorahin at nagpanggap na normal lang ang lahat kahit na para na akong pinakuluan dito, nanlalambot. Kung magtatagal siguro ang pagsama ko kay Jealyn, papasa na ako kung mag audition ako sa isang drama dahil natututo akong umakting kapag kasama ko siya. Para akong nasa acting workshop, at ang scene ay hindi dapat malaman ng crush ko na crush ko siya. "Wala na pong ulam, ate?" Mabilis akong dinaluhan ng isa pang tindera at itinuro ang mga tirang ulam. "Pakbet, chopseuy, at ginataang langka nalang, Yana." nagulat ako na alam niya ang pangalan ko pero hindi ko nalang pinansin. Baka nabanggit ni Jealyn sa kanila. Hindi ko alam kung kailangan bang may magbago sa pakikitungo ko sa kanila ngayong kilala nila ako o ano. Hindi ako sanay na may mga nakakakilala sa akin bukod sa mga kaklase, guro, at kaibigan ko. "Hindi po ako kumakain ng gulay." Bahagya akong tumawa dahil nahihiya sa inamin. Noong bata ako ay kumakain naman ako ng gulay pero habang lumalaki, parang ayaw ng tanggapin ng tiyan ko ang mga gulay. Ngumiti ang tindera sa akin, "halos lahat yata ng estudyante rito, hindi kumakain ng gulay. Kaya ang liliit eh." Natawa ako sa sinabi niya kaya naman nakitawa na lang din ako. "Sa iba nalang kami kakain! Tara, Lia." Nagulat ako nang bigla na lang siyang nagpaalam. Balak ko sana ay hindi na lang ako kakain at siya ay kakain dito dahil may practice pa siya. Pero mukhang narinig niya ang usapan namin ni Ateng tindera kaya siya lumapit sa akin. Kumunot ang noo ko nang ma-realize kung ano ang paraan ng pagtawag niya sa akin. "Yana ang itawag mo sa akin, Jealyn." Sanay akong Yana ang tawag ng lahat sa akin at ayoko ang Lia dahil pakiramdam ko masyadong girly. Maganda naman ang Lia pero hindi ko lang feel. Nilingon niya ako ng may pagtataka sa mukha. "Bakit? Itatawag ko ang kung ano mang gusto kong itawag sa iyon. Kahit pa baby, darling, loves pa iyan." Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Wala talagang preno ang bibig niya, ano? Nag-iwas ako ng tingin nang titigan na naman niya ako gamit ang signature look niya. Hinatak ako ni Jealyn palabas ng canteen. Hindi na ako nag reklamo dahil feeling ko, mahilig lang talaga siyang manghatak kaya naman sinabayan ko nalang ang lakad niya. Tinatahak namin ngayon ang daan palabas ng gate. "Saan tayo? Palengke o diyan nalang sa labas ng school?" Halos katapat lang ng school ang palengke ngunit kailangan mo pang tumawid. May mga kainan naman na makikita pagkalabas ng gate pero baka ubos na rin ang pagkain doon sa dami ba naman ng estudyanteng nag aaral dito. "Dito nalang tayo," itinuro ko ang kainan sa kaliwa. Wala gaanong tao at kilala ang kainang iyon na hindi na uubusan ng pagkain. Hawak ni Jealyn ang kamay ko nang maglakad kami palapit doon. Pinili niya ang upuang nasa bandang gilid at malayo sa mga senior high school na nakaupo sa bandang gitna at kumakain. "Ako na oorder. Ano sayo?"  "Porkchop. Thanks." Pinanood ko siyang maglakad papasok sa loob ng kaninan. Hindi ako makapaniwala na magkasama kami ngayon at sabay pang kakain. Agad akong tumayo at umambang kukunin ang isang platong hawak niya dahil kapansin pansin na hirap siya sa pagbitbit ng mga pagkain namin dahil mainit. Iniiwas niya ito at siya na mismo ang naglapag ng mga ito. "Ako na ang kukuha ng spoon at fork." Ngumiti siya kaya naman mabilis akong umalis ulit para kunin ang mga sinabi. Dumiretso ako sa loob at kumuha ng mga kutsara at tinidor doon. Medyo nahirapan pa dahil sa dami ng estudyanteng kumukuha rin gaya ko. Maliit kasi ang space at magkakatabi ang inumin, baso, kutsara, tinidor at mga condiments kaya mahirap kumuha. Tapos ay hindi pa marunong pumila at maghintay ang mga tao. Kumuha na rin ako ng dalawang baso ng tubig at maliit na mangkok para sa sawsawan at para na rin hindi pabalik-balik doon. "Thank you!" Ngumiti siya ng napakalapad na umabot na sa puntong nawawala na ang mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang pilik-mata niya, her lips are full and red. Her short hair suits her well. "Baka matunaw ako." kinabahan ako sa bigla niyang sinabi. She raised her brow and looked at me, nang aasar. "Inlove kana?" Grabe sa confidence, sis. Hindi ko kinakaya. "What the hell, Jealyn?" Pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo sa katawan ko. Kahit iyong mga nakatago ay nagtaasan rin yata dahil sa sinabi niya. Tumawa siya sa reaction ko na sa sobrang lakas ay halos maagaw na niya ang atensiyon ng mga tao sa paligid. "Just kidding. Namula ka naman agad," itinuro niya ang mukha ko gamit ang tinidor, "kahit pala morena, kita pa rin kapag namumula". Hindi nalang ako sumagot. Tahimik lang kaming kumakain at ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin...or ako lang? Mukha namang enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya, eh. Nauna akong natapos kumain dahil panay ang gamit niya sa cellphone niya. "You busy?" Kahit naiilang ay pinilit ko nalang na magsalita. Mas lalo kasi akong naiilang kung magpapatuloy ang katahimikan sa pagitan namin. Umiling siya habang nakatingin parin sa cellphone, mukhang may ka text dahil sa galaw ng daliri niya. "O..kay" Pinanood ko ang ginagawa niya. We have the same skin color, morena. Her short hair is swaying, following the rhythm of the wind. Her eyes are making me remember one of my korean celebrity idol. Medyo singkit. Her lips are red and shiny, maybe because of the food she's eating or she put something on it. "Ano name mo sa f*******:? Bakit hindi ko mahanap?" Muntikan ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko nang makita ang search history niya sa f*******:. Iba't ibang spelling ng aking pangalan ang nandoon. Ang iba ay binabaligtad niya pa. "Dali. I-aadd kita" kinuha ko ang phone niya at itinype roon ang pangalan ko sa nasabing social media.  Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ang mga posts ko. Hindi naman ako natatakot na makita niya ang mga posts ko dahil wala na roon ang mga jeje pictures ko. Puro shared post lang ang nasa wall ko at karamihan pa ay memes.  Ilang minuto pa kaming tumambay roon at tumayo nalang ng mag aya siya dahil may practice pa raw sila. Habang naglalakad ay nag kukwentuhan lang kami ng kung ano-ano. She even told me how she became a volleyball player. Since grade 4, she started to play volleyball daw. Noong una ay laro-laro lang daw nilang magpipinsan hanggang sa kausapin siya ng isang teacher nila noon na maglaro at umabot siyang palarong pambansa. I'm amaze. I started playing basketball as a past time too and ngayon lang talaga ako maglalaro na may kalaban talaga at big deal kung manalo o matalo. "You have something on your face" napaatras ako nang bigla niyang itaas ang kamay niya at pinunasan ang gilid ng labi ko. My heart skipped a beat. "There, malinis na ulit" she laughed and wink. I remained poker faced. "Dapat ay hinayaan mo nalang akong punasan iyon tutal sa akin naman mukha ito" her smile slowly faded. Hindi ko alam if I over reacted or what pero hindi talaga ako komportable sa ginawa niya. Kami nga ng mga kapatid ko ay kukuhanan pa ang isa't isa ng litrato tuwing may dumi sa mukha. "Nagmalasakit lang, Yana. I'm your friend naman diba?" Nakataas ang isang kilay niya, tila confident sa sinabi. "No." She looked offended and shocked sa sinabi ko. Unti-unting nagbago ang expression sa mukha niya. I can't find the right words. I'm worried. Pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa sinabi ko. My heart is beating so fast. "I-i mean...uh, yeah, we're friends but..." nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko makaya ang seryoso at kuryoso niyang mga mata. She's looking at me like a five year old kid asking for a candy but hindi binigyan. She looks like she's about to cry.  "But what? You said we're friends kaya ayos lang na punasan ko ang gilid ng labi mo."  "No, Jealyn. Friends doesn't wipe each other's lip. I mean, ano, hmm.. hinayaan mo nalang sana akong linisin ang mukha ko. Only lovers do that thing." well, for me. Hindi pa ako naka encounter ng kaibigan na sila mismo ang nagpupunas ng dumi sa gilid ng labi nila unless they're inlove. Except sa family members, siyempre, which is, rare dahil hindi namin iyon ginagawa kahit na magkakapamilya kami.  Ilang minuto siyang hindi nagsalita, at ganoon din ako. Ang puso ko gusto na yatang kumawala sa ribcage nito dahil sa sobrang bilis at lakas ng t***k. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko sa kaba at para akong nasusuka na natatae na hindi ko malaman. Pakiramdam ko ay nasa isang movie kami na kung saan may pinag uusapang seryoso ang dalawang bida at tila may sariling mundo sa kabila ng maingay na paligid. Kulang na lang ay makarinig ako ng crickets sa sobrang katahimikan namin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Jealyn at hindi ko alam kung nanaisin ko ba iyon malaman. Her gaze didn't leave mine. Titig na titig siya sa akin na akala mo ay gusto niyang mabasa ang isipan ko. 'Yung titig niya pa yata ang ikamamatay ko. Nakatayo kami sa gitna ng daan at umiiwas ang mga estudyante sa amin. I was about to ask her if pwedeng lumipat kami ng pwesto dahil nasa gitna mismo kami ng daan at nahihirapan ang iilang estudyante dahil nakaharang kami pero bigla siyang nagsalita. "Only for lovers?" Tumango ako. I don't know why but nakaramdam ako ng ginhawa nang makita siyang ngumiti. "Then let's be lovers. Be my girlfriend."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD