Chapter Three

1668 Words
I'm sleepy but I can't sleep. Paulit-ulit sa isip ko ang mga text messages ni Jealyn sa akin. Even her smirk and wink keeps on playing in my head. Almost Thirty minutes na yata ang nagdaan simula noong huli niyang text at hindi ko alam pero kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko, naghihintay ng isa pang message. I was about to give up and force myself to sleep but suddenly, my phone beeped. I almost hit my head sa side table dahil sa pagmamadaling makuha ang phone ko only to find out na ang internet provider lang ang nag text, nagsasabing kailangan na naming magbayad. Tanghali na kinabukasan ng magising ako. Ayos lang dahil practice lang naman para sa intrams ang gagawin. The first thing I did is to take a look at my phone, hoping na may message but wala. Kahit tinatamad pa ay pinilit kong tumayo na at maligo.  "Mornin'" bati ni mama pagkababa ko sa kusina. Naghuhugas na siya ng mga plato na pinagkainan siguro ng mga kapatid ko. "Wala kang pasok?" "Meron pero practice lang. Sina ate?" "Pumasok na. Anong oras practice mo?" Nilapag ni mama sa tabi ng kinakain kong tinapay ang kape. It's my usual breakfast. "Hindi pa ba sarado gate ng school ninyo n'yan?" My sisters are already working. Ako nalang ang nag aaral sa aming tatlo. "Si papa?" Si papa ay isang tricycle driver while si mama naman, ginagawang libangan ang maliit na tindahan namin. "Namasada na. Papahatid ka? Bilisan mo baka nandiyan pa siya sa kanto" true enough, dinatnan ko nga si papa na nakapila roon sa kanto kasama ang iba pang mga driver na kagaya niya. Nagpahatid ako sa school dahil mainit na. "Bye, po" I kissed his cheeks bago tumakbo papasok. Binati pa ako ng guard at tinawanan na late na raw ako. Dumiretso ako sa likod ng school kung saan makikita ang gym. Iisa lang ang gym at dito nag papractice lahat. "Good morning po" umupo ako sa tabi ni Ma'am Alicia. Badminton players ang nag papractice ngayon at hindi ko alam kung anong oras kami. Ganoon lagi ang senaryo kapag intrams. Per oras ang bawat sports sa pagpapractice dahil makiit ang gym at hindi pwedeng sabay-sabay. Kaya ang iba ay lumalabas na sa school at sa mga court ng baranggay nag papractice para hindi sayang sa oras. Nag sigawan ang mga nanonood, na karamihan ay babae, nang mag smash ang isang team at dumiretso ang shuttlecock sa mukha nung kalaban. Mabilis na tumakbo ang tumira at niyakap ang natamaan niya.  Nagtatawanan ang ilan sa mga nanonood. Nagpatuloy ang labanan at hindi ko alam kung anong oras sila matatapos. "Warm up na kayo! After ng game nila, tayo na ang mag papractice" agad kaming tumayo at nag kanya-kanya warm up.  My feet are wide apart, keeping my one leg straight while my ties are pointing forward. I bent my other leg and turned my toes out to the side while lowering my groin towards the ground and my hands are resting on the ground. Habang paulit-ulit na ginagawa 'yon ay napabaling ako sa kakiwang banda ng gym. Laking tuwa ko dahil nakahawak ako sa ground kung hindi ay baka tumumba na ako dahil sa gulat. Nagkatinginan kami ni Jealyn. Naka jearsy siya at ang kaniyang mga kasama. Mukhang may practice rin kagaya ko. Ngumisi siya at kumindat. That signature move of her always makes my heart skip a beat. Nakakainis.  Nahinto ako sa ginagawa. Patuloy ang titigan namin at napansin kong napansin iyon ng mga kasama niya. May ibinulong ang isa at itinuro ako kaya agad kong iniiwas ang tingin at nag pasyang ihinto na ang ginagawa. Kinuha ko ang towel sa bag ko at naupo sa inuupuan kanina. Dama ko ang mabilis na t***k ng puso ko ngunit hindi ko alam kung dahil iyon sa ginawang stretching o dahil sa titigan na nangyari sa amin ni Jealyn.  "What? Hindi pwede at nauna kami!" Napakurap ako nang biglang marinig ang sigaw ni Ma'am Alicia. Kausap niya ang isang teacher na hindi ko kilala.  "Pasensiya na. May letter kami galing sa head ng department natin. Bukas ay kayo ang gagamit ng court, maghapon" aniya sa mahinahong salita. Nagpupuyos sa galit si Ma'am Alicia habang inaanunsyo sa amin na hindi tuloy ang practice namin ngayon dahil volleyball girls daw ang mag papractice. Wala sa mood na umalis ang mga kasama ko. Agad kong kinuha ang bag ko at nag pasyang uuwi nalang. Wala na rin naman akong gagawin dito sa school. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako tumuloy sa pagpasok. Sayang ang effort. Palabas na ako ng gym ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng bag ko. Jealyn's calling. Lumingon ako sa court at nakita ko siyang nakatayo s agitna habang nakatitig sa akin.  Kumaway siya at ngumiti. "Bakit?" Bungad ko pagkasagot ng tawag. Tawa agad ang isinagot niya. "Uwi kana? Nood ka muna practice ko para may inspirasyon ako". I didn't know how to react kaya naman ibinaba ko nalang ang tawag.    Nagulat ako nang biglang maglakad palapit sa akin si Jealyn. Kumakabog ang dibdib ko at hindi ako mapakali. Para akong mapo-poop habang pinagmamasdan siyang palapit sa akin. "'Bat mo binaba?" Aniya nang makalapit na "Saan mo nakuha number ko?" Hindi ko alam kung nakakatawa ba ang tanong ko o sadyang mahilig lang talaga siyang tumawa? "Hindi ba kinuha ko kahapon? 'Yung sa magazine picture"  "Oh, yeah haha" awkward.  "Mamaya ka na umuwi. Manood ka muna practice ko, okay? Libre kita lunch!" Hindi pa man ako nakakasagot ay tumakbo na siya pabalik sa court dahil tinawag na siya ng coach nila. Ayun 'yung teacher na kausap ni Ma'am Alicia kanina.    Tumingin si Jealyn sa akin. Nagkibit balikat ako at umupo ulit sa inuupuan ko kanina. Kitang kita ang malaking ngiti niya bago umiling at nagsimulang mag warm up.    Wala rin naman akong gagawin sa bahay kaya maganda na rin siguro na manood na muna ako ng mga practice. It's already ten in the morning, almost eleven na nga eh pero marami parin ang mga estudyante na nanonood ng practice. Ang iba ay mga galing pa sa practice ng sayaw o kung anong performance at dumiretso lang dito sa gym para manood. Nagugutom na ako pero tiniis ko dahil libre raw ni Jealyn ng lunch eh. Sayang din 'yun. Humikab ako kasabay ng pag anunsyo na magsisimula na ang laban ng dalawang team. Freshmen and sophomores versus juniors and seniors. Kasama si Jealyn sa mga unang maglalaro at sa itsura niya, mukha siyang gangster sa kanto. She's wearing color blue jerseys that matches her blue and white nike shoes. Mayroon din siyang parang headband na may kaparehong tatak ng sapatos niya. Ang isang tuhod ay may kneepad habang ang isa ay wala.  "Mine!" Sigaw niya kasabay ng mabilisang sulyap niya sa banda ko bago hinampas ng malakas ang bola. I don't understand volleyball that much but I can say na she's a great player. Napapansin ko na kada tira niya ay nakakapuntos sila madalas. Maingay na rito sa gym dahil dikit ang laban. Kahit maliliit ang mga freshmen at sophomores ay magagaling sila at nakakahabol sila sa mga naglalakihang juniors and seniors. "A!" "B!” "C!" "D!" Kunot noo kong pinagmasdan ang mga nanonood. Halos lahat sila ay sinisigaw ang bawat letra sa alphabet kada napapasa ang bola. Nagpalipat-lipat ang tingin ko, sinusundan ang bola. Are they suppose to complete the english alphabet? Nagtawanan ang lahat dahil hindi natira pabalik ni Jealyn ang bola. Hinampas siya ng kasama niya at tumawa. "Sorry, na distract lang!" Sigaw niya. "Ayusin mo, Je! Nandiyan lang 'yung crush mo gaganyan kana" anang isang kakampi niya. Sabay silang sumulyap sa banda ko. Ramdam ko ang biglaang pamumula ng pisnge ko habang nagtatawanan sila. Matapos mag pahinga ng ilang minuto ay tumigil na sila sa paglalaro. Wala ng gagamit sa court at hindi ko alam kung matutuloy ba ang practice namin ngayon. Bahala sila. Pinanood kong lumapit si Jealyn sa bench kung saan nakalagay ang mga gamit nila. Kinuha niya ang isang kulay blue na backpack at may ibinulong lang sa coach nila saka patakbong lumapit sa akin. "Galing ko 'no?" Tumaas baba ang kilay niya. Pilit lang ako ngumiti saka mabilis na kinuha ang bag ko. Tumawa lang siya sa reaction ko. "Je!" Sabay kaming napalingon ng tawagin siya ng ka team niya. "Mamaya ulit. Tapos meeting sa journa mamayang five!" Sumulyap ito sa akin bago kumaway kay Jealyn. Hindi ko alam kung paano niya pinag sasabay-sabay ang paglalaro niya ng volleyball, ang pagiging miyembro niya sa journalism, at ang studies niya. Kung ako siguro, hindi ko kakayanin 'yun at baka bumagsak pa ako. Kinuha niya ang phone niya sa bag at may tinype roon kaya naman nagtagal pa kaming nakatayo rito sa gilid ng entrance ng gym. "Excuse" hinatak ko siya pagilid pa dahil sunod-sunod ang mga estudyanteng lumalabas. Wala ng laban kaya nagsisi alisan na rin sila.  Mga first years na lalaki nalang ang mga naglalaro ng basketball, gianwang libangan. "Baka maubusan tayo ng pagkain sa canteen" bulong ko kay Jealyn na busy pa rin sa phone. "Wait lang" Ibinaling ko ang tingin sa mga naglalarong bata. Tingin ko ay sila ang mga susunod na magiging basketball player ng school. "Hala ate tabi!" Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bola na papunta sa direksiyon namin. Binato iyon ng batang lalaki para ipasa sa isang kasama niya na nakatalikod sa amin pero napalakas yata ang bato kaya sa amin ang ounta ng bola. Nakatalikod si Jealyn at napaharap siya dahil sa sigaw ng bata. Sa kaniya didirekta ang bola kaya naman bago pa tumama sa kaniya ang bola ay mabilis siyang umupo. Sinundan namin ng tingin ang bola na dumiretso sa pader. Akala ko ay hanggang doon nalang pero nanlaki ang mga mata ko ng biglang mag bounce ang bola at tumama sa mukha ko. Biglang umikot ang paningin ko at dama kong tila niyanig ng lindol ang ulo ko. Masakit ang ilong ko at pakiramdam ko ay nabali ito. Nagsigawan ang mga natitirang estudyante rito sa gym. Napatingin ako kay Jealyn na agad na lumapit sa akin kasabay ng pagtakbo ng coach nila. "Aray" daing ko bago tuluyang nandilim ang paningin at naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD