Chapter Two

1653 Words
"Excuse me?" Mabilis akong tumayo saka hinabol ang ngayon ay nasa labas ng si Jealyn. Hindi siya lumingon at nag dire-diretso lang sa paglalakad. Hindi ko alam kung narinig ba niya ako o hindi dahil medyo maingay rito sa labas. "Uh.. miss Jealyn?" Hindi ko alam kung tama bang tinawag ko siyang 'Miss' kahit na magkasing edad lang naman kami. "Sorry" tinulungan kong tumayo ang isang babae na nabangga ko kakamadali. Hindi ko napansin na pasalubong siya sa akin at dahil sa kakaiwas ko sa mga estudyanteng ginawang tambayan ang hallway, nabangga ko tuloy siya. Pagkatayo niya ng maayos ay tumakbo na ako ng mabilis para lang maabutan si Jealyn. "Jealyn!" O...sht. nagsilingunan ang mga estudyante dahil sa biglaang pagsigaw ko pero ang tinatawag ko ay hindi man lang lumingon. Bingi ba siya?    Lumiko ako sa isang eskinita na papunta sa dulo ng school nang makitang doon siya lumiko. Wala gaanong estudyante rito dahil dulo na. Bakit siya pupunta rito? "Oh" napaatras ako ng bigla siyang umikot at umambang babalik sa dinaanan. "Oh, hi!" Her smile resembles the smile of a toothpaste model. She looks so innocent pero malakas ang pakiramdam ko na sinadya niyang hindi pansinin ang mga tawag ko kanina.  "You're taking pictures of me kanina" it's not a question. Lalong bumilog ang mga malalaki niyang mata at umaktong tila gulat pa sa sinabi ko. Bumaba ang tingin ko sa camera niyang nakasabit sa leeg niya at ambang hahawakan na iyon nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko. Mabilis na umangat ang tingin ko sa gulat. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. "Not so fast, my dear" her sweet voice lingered in my ears. "Sorry if na offend ka sa pagkuha ko ng picture mo pero para kasi ito sa monthly magazine ng school" "But that doesn't mean na pwede mo ng kuhanan ng picture ang kahit sino without asking for permission" every journalist know that. Kahit nga hindi journalist, alam parin na you should ask permission muna before doing your whatsoever project. "Sorry, okay? Kung gusto mo, tignan mo muna ang mga pictures bago ko ipasa sa EIC namin?" Mabilis akong tumango. If the pictures were fine, papayag nalang akong isama nila iyon sa magazine but if they turn horrible, no thanks. Akala ko ay ipapakita niya agad doon sa camera niya but then she suddenly starts walking. Kumunot ang noo kong pinagmasdan siyang maglalad palayo. Nang mapansin sigurong hindi ako nakasunod, huminto siya at lumingon sa akin habang nakataas ang isang kilay. "Akala ko ba gusto mo makita mga pictures mo? Tara" she smirked. Dinala niya ako sa office ng mga journalist. Dinatnan namin doon ang mga seniors namin na mukhang dito tumatambay dahil sa aircon. Naupo si Jealyn sa lamesang mahaba na may laptop at mga papers na nakapatong. May tatlong lamesa sa unahang banda ng room at sa likod ay ang mahabang mesa na siguro ginagamit nila kapag nag memeeting o kumakain. Maraming papel ang nakakalat sa room. Ang iba ay mga magazine na nirelease nitong mga nagdaang taon habang ang iba ay hindi ko alam.  Kulay puti ang buong room at maliwanag din. Malamig dahil sa dalawang aircon na nakainstall sa kaliwang banda ng dingding. "Isa siya sa mga subject ko para sa magazine. Gusto raw niya makita pictures niya bago mag decide kung payag siyang masama mukha niya" napabaling ako kay Jealyn nang magsalita siya. May kausap siyang babae na tingin ko ay higher year sa amin. "Ikaw si Yana?" Tumingin ito sa akin. "Siya nga, Amanda. Doon kana!" Itinulak palayo ni Jealyn 'yung Amanda. Tumatawa silang pareho. Nang makaalis si Amanda ay nakangiting bumaling sa akin si Jealyn. Itinaas niya ang kanang kamay niya at sumenyas na lumapit ako. Umupo ako sa katabing upuan niya saka pinanood siyang manduhan ang laptop. May kinuha siyang connector sa gilid at ikinonek ang camera sa laptop. "Eto iyong mga kuha ko sayo kanina." Maayos ang mga kuha. Mahilig akong kumuha ng mga letrato pero hindi para sa mga ganitong event. Kumukuha ako ng mga litrato para gawing memories at hindi ako magaling kaya naman halos mapanganga ako habang isa-isang tinitignan ang mga kuha niya.    "Ano? Payag ka na. Maayos naman mga kuha ko sayo" halos mapairap ako nang nakangising kumindat si Jealyn.    Hindi naman siguro nakakamatay kapag nilagay ang litrato sa magazine ng school kaya pumayag nalang ako. Pumalakpak pa siya at tumawa ng malakas dahil sa pagpayag ko. "Panalo?" Sabay naming nilingon si Amanda na nakatingin sa amin at naka ngisi rin. Hindi sumagot si Jealyn at may isinenyas lang na hindi ko maintindihan. "Isulat mo rito number mo. Kailangan namin kasi hinahanapan ng proof ng adviser namin kung may permit nga ba sa bawat kinukuhanan namin picture. Kahit sa mga iniinterview" Kinuha ko ang inabot niyang yellow na sticky pad at ang ballpen. Kumalabog ang puso ko ng maramdaman ang kauntig hagod ng kamay niya sa kamay ko nang kukunin ko na ang ballpen. "Sorry" aniya saka ngumisi. She's probably so proud of her teeth, eh? "It's okay" I whispered while writing my number on the notepad. Hindi ako kailanman sumali sa mga organization sa school kaya hindi ko alam na kinukuha pala nila ang number ng mga iniinterview at pinipicturan. Ngayon ko nga lang nalaman na may ganito palang ganap. Iniabot ko kay Jealyn ang papel at agad naman niya itong kinuha. Binasa niya ang numero ko at agad na kinuha ang cellphone niya sa bulsa niya. "I'll text you nalang kapag may problema, okay?" Kahit hindi maisip kung anong magiging problema, tumango nalang ako. "Amanda, sino mag cocover ng practice game ng mga basketball boys?" Biglang sumilip ang ulo ni Ronald sa pinto. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang magkatinginan kami. Binuksan niya ng malaki ang pinto saka pumasok at mabilis na lumapit sa akin. "Bakit nandito ka? Hindi ka naman journalist ah?" "Sinabi ko bang journalist ako? Kinuhanan niya ako ng pictures para raw sa magazine kaya tinignan ko kung maayos ba" Ronald is a journalist since who knows when. Naikukwento lang niya minsan at kung bakit ngayon ko lang naalala ang tungkol doon, hindi ko alam. "Magazine? Wala-" "Ako nalang ang mag cocover sa practice game. Tara na, Yana!" Hindi na ako nakapag paalam kay Ronald dahil bigla nalang akong hinatak ni Jealyn palabas doon. "You have a meeting para sa basketball girls, diba?" Doon lang pumasok sa isip ko na kasali nga pala ako sa basketball girls! Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tignan ang oras. "Five minutes late ka na" "Paano mo nalaman" "We have a list ng players for some interview and whatnots. Kanina ko lang din nalaman kasi kanina lang binigay list ng basketball girls players" Tumigil kami sa harap ng isang pintuan. It's an empty room na nagagamit lang kapag intrams o may laro ang mga players. Ito na ang ginawang headquarters ng mga players ng school.  Bumukas ang pintuan at doon, bumungad ang nakasimangot na mukha ni Ma'am Alicia, ang teacher na may hawak ng basketball girls. "Akala ko hindi ka na dadating" aniya sa akin. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at doon ko lang narealise na hawak pa pala iyon ni Jealyn dahil sa paghatak niya sa'kin kanina.  Mabilis kong hinatak ang kamay ko at nag iwas ng tingin. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. "Kinailangan po kasi siya sa journalism kanina, ma'am kaya nalate" ani Jealyn.    "Okay. Pasok na, Yana. Kanina pa nag start ang meeting eh" tumango ako at mabilis na pumasok. Sumunod sa akin si Ma'am Alicia at bago pa niya masara ang pintuan, nakita ko ang malaking ngisi sa mukha ni Jealyn na sinabayan pa niya ng kindat. Hindi ko alam kung anong oras na natapos ang meeting. Nag iiba na ang kulay ng langit dahil sa sunset at kakaunti nalang ang mga estudyanteng nandito sa school. Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Agad akong humiga at chineck ang mga social media accounts ko for about thirty minutes before deciding whether maliligo ako o mag hihilamos nalang. But them I remembered na tumakbo nga pala ako ngayong araw at medyo pinagpawisan ako kaya naman naligo nalang ako. It took me almost half an hour bago natapos dahil nag concert pa ako sa banyo. I need to sing and dance everyday para ma practice ako para naman kapag naging singer na ako, medyo magaling na at kaunting training nalang ang kakailanganin. I was brushing my hair when my phone beeped for a text message. Tumalon ako padapa sa kama at saka mabilis na inopen iyon. It's an unknown number. Unknown number: Hi, crush  I don't know if I'll reply or not because it looks like a text prank that has been going around recently. But then, I ended up replying and going along with whoever is this because I'm bored. Ako: Who are you? Ilang segundo pa lang ang nakalipas ay nag reply na siya agad. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba habang binubuksan ng message niya kahit na hindi ko pa naman alam kung sino siya. Unknown Number: Guess who :) ;) "Guess who with a smiley emoji and smirk emoji? What the hell?" I'm not a manghuhula. I was about to put my phone down when another text came in. It's the unknown number again. Unknown number: Wag na pala baka mainis ka. Mainipin ka pa naman yata haha I'm one hundred and one sure na kilalang kilala ako nito. Siguraduhin lang nito na hindi siya isa sa mga nang paprank kung hindi ay irereport ko siya sa school bukas if ever na school mate ko siya. Even though I'm not sure if may magagawa ang school sa mga ganitong bagay. Ako: Stop playing around. Spill your name. Unknown number: J Unknown number: E Unknown number: A Unknown number: L Unknown number: Y Unknown number: N What the freakin' hell? Hindi pa man ako nakakapag type ng irereply ay nag text nanaman ulit siya. Unknown number: Ay wrong read. Akala ko 'spell your name', 'spill' pala hehe sorry :) Ako: I told you to stop playing around.    Unknown number: Sungit. Jealyn 'to. Wag na magalit, pauwi na ako. <3  Unknown number: Matulog ka na. Mamahalin pa kita bukas ;) My heart skipped a beat. What the hell? Is she flirting with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD