"Can I have your daughter for the rest of my life? Say yes, say yes 'cause I need to know. You say I'll never get your blessing 'til the day I die, Tough luck, my friend, but the answer is 'No'." Sumasabay ang bawat galaw ng mga kaibigan ko sa beat ng musika. Si Ronald at Len ay pareho pang napapapalakpak at napapasabay. Hindi ko na maalala kung anong oras kaming nag-simulang mag-inuman. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano tinungga ni Paolo ang isang bote ng alak. Maliit lang naman iyon ngunit hindi ko alam kung gaano kalakas ang tama. Ito ang pangalawang pagkakataon na uminom ako at dahil ayoko ng mangyari pa ulit ang nangyari noong graduation, dinadaya ko sila. Tinatapon ko sa gilid ang kalahati ng ibinibigay nila o 'di kaya ay pasimpleng ibinibigay iyon kay Ronald. "I hate to do

