"Maligayang kaarawan, Liana!" Tumawa ako habang pinagmamasdan si Ronald na tumatakbo palapit sa akin. May dala siyang isnag maliit na bouquet na halos masira na dahil sa pagtakbo niya. Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap nang makalapit. Napasigaw ako nang buhatin niya ako bigla at ikutin. "Teka napagod ako." Hinihingal niyang usal nang ibaba na niya ako. "Eto bulaklak mo binili ng boyfriend ko." "Anong kaarawan sinasabi mo diyan? Pagtatapos dapat!" "Oh? Pagtatapos ba?" Nagtatakang usal niya. Tinanguan ko siya habang nakangiti. "Sige bahala na basta mahalaga maligaya!" Tinanggap ko iyong bulaklak na inaabot niya. Gaya nang binigay ni Paolo noong senior highschool graduation ko, bouquet of orchids din ang ibinigay niya ngayon. Iba nga lang ang kulay at laki dahil mas malaki ang ngay

