Isn't frustrating how time flies so fast when we're so happy and it stops when we are sad and devastated? Akala ko tao lang ang makakapanira ng moment, oras din pala. Nakakainis na kung kailan feel na feel mo ang mga nangyayari, saka naman biglang natatapos agad ang bawat araw. Naging madalas ang pagsasama namin ni Wendy. Karamihan ay puro study sessions. Tinutulungan niya ako sa mga hindi ko alam at ganoon din ako sa kaniya. Madalas ay nagtutugma naman ang mga activity namin lalo na kapag tungkol sa laboratory dahil na rin siguro medyo in line ang courses namin. Parehong science course. "I like you." Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ko madaling araw ng university days namin. Pareho kaming nakipag participate sa foam run, isang uri ng funrun na ginagawa taon-taon, tuwing anibersaryo

