"Bili na tayong gamit mamaya." Maiingay ang mga kasama ko habang papasok kami sa coffee shop. Nagulat pa ako na bukas na iyon ngayon ngunit nang makita ang Mama ni Jealyn ay ipinagkibit bakikat ko na lang. Siya marahil ang nagbukas. "Hi, Tita!" Sigaw ni Ronald. Nakapila kami habang isa-isang nagmamano sa kaniya. "Enrolled na kayo?" "Opo." Tinapik niya ang balikat ko. "Kumain na kayo?" Nilingon niya ang babaeng trabahador nila na nasa cashier. "Ipaghanda mo sila ng pagkain. Tanungin mo anong gusto." Halos magsigawan si Ronald at Marco nang marinig iyon. Iiling-iling naman si Paolo at si Len ay tahimik na nakangiti lang. "Ang kakapal ng mukha niyo." Bulong ko habang umuupo sa tabi ni Len. "Never say no sa biyaya, Yana." Tumaas-baba pa ang kilay niya. Binigyan nga kami ng makakain ni Ti

