Chapter 44 Kino's PoV Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang ibinigay na envelope ni Kandice. Parang pinag sukluban ako ng langit at lupa nang mabasa ko ang sinasabi niyang tunay kong birth certificate. 'Vincent Villegas' ang totoo kong pangalan? Ayokong makita ang pangalan ng ama ko na naka register sa kapirasong papel na ito. Villegas? Ang kinasusuklaman kong apelyido buong buhay ko, ay siya rin palang apelyido ko? Higit sa lahat, paano ko matatanggap na ang pinaka susuklaman kong tao sa mundo na si Pancho, ay walang iba kundi ang totoo kong ama? What's this? My whole life is a lie. Pinikit ko ang aking mga mata para pigilan ang aking sarili na huwag sana itong tignan. Pero pilit akong tinutulak ng aking puso na tignan ang papel. Kailangan kong makita kung ano ang

