CHAPTER 45 Kino's PoV [Patawarin mo ako. Pinatay ko ang nanay mo.] Para akong binabangungot dahil sa inamin ni Mama Klaire. Sana nga panaginip lang ang lahat. Sanay na akong binabangungot sa gabi dahil sa krimen na 'yon noong 2003. Ipinangako ko pa naman sa aking sanli at sa ngalan ng aking ina na pananagutin ko ang pumatay sa kanya, at doon ko mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Madilim na nang bumalik ako sa bahay. Pagtingin ko sa aking cellphone, napakaraming messages at missed calls mala Kay Roxy, Mama Klaire, Kandice, at pati na rin kay Louie. Ilang oras din palang nalugmok ako sa kalungkutan at miserableng buhay. Maganda talaga sa beach, kahit pa paano ay nakakalimutan ko ang masaklap kong buhay. Kaya naisipan kong mamuhay muna sa tabing-dagat. Napapayapa ang aking puso

