"Alex?" Lahat sila ay napatingin dito. Para naman pinanghinaan si Alex ng makita niya ang tumawag sa kanya. 'Chris? What are you doing here?' Gusto niya itanong dito. Pakiramdam niya ay aatakihin na siya sa puso sa sobrang lakas ng pintig ng puso niya. Hindi siya makatingin ng maayos kay Chris. Napayuko siya at pilit tinatakpang ang mukha ng wig na suot niya.
"Sorry i thought you’re the person i know" paumanhin nito. 'Thanks God' Nakahinga naman ng maluwag si Alex kahit papano.
“You’re so crazy with that Alex" nakangising sabi ni Migs. Napalunok naman si Alex dahil siya ang Alex na tinutukoy nito.
"Anyway this is Jimin my brother" "Brother?" Hindi niya napigilang masambit. Ang singkit niyang mata ay parang nagdoble sa laki sa sobrang gulat. Natawa naman sa reaksyon niya si Chris. "Call me Chris" Nakipagkamay ito sa kanya na hindi naman niya natanggihan. 'Magkapatid kayo?' Gusto niya ng maiyak sa mga nangyayari. Umupo si Chris sa tabi niya. Pinagpagitnaan siya ng magkapatid. Pakiramdam niya ay napaka haba ng buhok niya dahil sa mga katabi niya.
“Saan mo naman nakilala ang magandang babae na ‘to?” Nanlaki muli ang mata ni Alex ng marinig niyang magtagalog si Chris. ‘Marunong kang magtagalog tas pinapahirapan mo ko mag english’ Gusto niyang sabunutan si Chris sa inis. Pero hindi siya nagpahalata dahil alam nila na Korean siya. Ngumiti lang siya na parang walang naintindihan. ‘Patay ka sakin’ Gusto niyang sabihin dito.
May pagkapilyo siyang tiningnan ni Chris. “Be careful with my brother, he doesn’t know how to love”. “Stop it Chris” Hinawakan siya sa kamay ni Migs. “Don’t listen to him” tumango lang siya. Alam niyang biro lang to pero parang nasaktan siya sa sinabi ni Chris. Naalala niya ang sinabi ni Ryan tungkol sa fiancé nito. Simula ng pumanaw ito ay wala na itong interest sa mga babae. Nandito lang siya para magpanggap. Napabuntong hininga na lang siya.
Matapos magbigay ng speech ng daddy ni Migs ay nagpaalam ito sa kanya. "Stay her i'll be back". Tumango lang siya. Ibang-iba ang pakikitungo nito sa kanya. Napaka gentleman nito. Kahit ilang oras pa lang sila nagkakasama ramdam niya ang pagka sweet nito sa babae. Para silang expectation vs. reality. Si Jihu at Sujin ang expectation. Si Alex at Migs naman ang reality. At ang nakakalungkot ay malapit na silang bumalik sa reality. Napabuntong hininga na lang muli si Alex.
Naisipan niyang kumuha ng pagkain. Nagugutom na din siya dahil sa sobrang haba ng speech ng daddy ni Migs. Hindi niya rin ito gaanong maintindihan dahil puro Korean lang ang sinasabi nito. Puro palakpak lang ang ginagawa niya.
Lumapit siya sa table kung saan nakalagay ang mga cakes ng may lumapit sa kanyang tatlong babae. "Hi" sabi ng isa sa kanila. Magaganda ito. Kitang kita ang mga kaseksihan nito sa mga suot nilang damit na halos kita na ang mga kaluluwa. Hindi rin ito mga korean. Nagulat si Alex ng tiningnan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa. Pero hindi siya nagpa-apekto, ayaw niyang masira ang gabi niya dahil lang sa mga ‘to. Nginitian niya lang ito. "So you’re Migs girlfriend or rented girl?". Pang asar ang mga ngiti nito. Nagtawanan naman ang dalawa pa nitong kasama. Tumaas agad ang kilay ni Alex. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Don’t worry girl you’re not the first girl he rented and for sure not the last". Sabat ng isa pa nitong kasama. Nakaramdam si Alex ng inis hindi lang dahil sa mga sinabi nito kundi sa nalaman niyang isa siya sa mga binabayaran ni Migs para magpanggap bilang girlfriend niya.
"You look so surprise darling" “Poor girl” Dagdag pa ng dalawa niyang kasama at sabay na nagtawanan. Hindi na rin siya nakapagtimpi at sinagot niya na rin ito. “Whether im his girlfriend or not it’s none of your business”. Mataray niyang sabi dito. Gusto niyang kunin ang bote ng wine na nasa gilid niya at ibuhos sa mga ‘to. ‘Naturingan pang magaganda panget naman ng mga ugali’ nasa isip niya. Tinalikuran niya na ito at baka kung ano pa ang magawa niya. Ngunit sinundan parin siya ng mga ‘to. "Dont expect him to love you. He is just using you. You’re one of those slut he’s playing with". "She’s not a slut”. Nagulat silang apat ng marinig nila ang malamig na boses ni Migs mula sa likuran. Lumapit ito kay Alex at hinawakan siya sa kanyang bewang. "She is my girlfriend so leave her alone Sarah". Tumawa lang ang tatlo. "Oh miguel I have heard that a thousand time" mataray na sabi nito. "I mean it, so leave her alone". Yes he mean it. Mahirap man isipin pero gusto niya ito. Maging siya ay hindi alam kung bakit o papaano. But his hearts want Sujin that’s for sure.
Hinawakan ni Migs ng mahigpit ang kamay ni Alex. "Dont let go of my hands". Nakangiting sabi nito sa kanya. Tumango lang si Alex. Lahat ng kaba at inis na naramdaman niya ay napalitan ng kilig at saya.
Sa wakas natapos na din ang party. Nag-enjoy ng husto si Alex kahit hindi niya parin mapigilan kabahan kapag kinakausap siya ni Ms. Ellen at Chris.
Naging masaya din siya sa pakikitungo sa kanya ni Migs. Feeling niya napaka special niya para dito. Finally she can tell to herself she likes Migs. Hindi nito binitawan ang kanyang kamay. Migs was in her side throughout the party. She was so happy to be with Migs kahit sa maikling oras lang. Pero alam niya sa sarili niya na hindi ito ang tunay na reality. Babalik uli sila sa dati. Babalik uli sila sa pagiging aso’t pusa.
Gusto niyang umalis ng hindi nagpapaalam kay Migs. Sa ganoong paraan hindi siya mahihirapan. Iisipin niya na lang na isang panaginip lang ang lahat ng ito.
Palabas na ng hotel si Alex ng may humawak sa kamay niya. Napalingon siya dito. “Migs?”. Kumunot ang nuo ni Migs ng tinawag niya ito sa pangalan niya. “How did you know my name?” Napalunok siya sa sobrang kaba. “Oo nga pala nakalimutan ko Jihu pala pangalan niya”. Hindi niya alam kung anong idadahilan niya.
“Do I know you?” “Ofcourse not. I-uhm. Sara told me your name” mabilis niyang palusot. Buti na lang at naniwala ito sa kanya. Ngumiti lang ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay “Let me drive you to your hotel” “No Sir I’m fine, my friend will pick me here” Mabilis niyang tanggi at pumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Migs. Ngunit muli itong hinawakan ni Migs na ikinagulat niya. “You’re still mine” Nanlaki naman ang mata ni Alex sa sinabi nito. “Sir” “I paid you for tonight and I still have one hour left. So your still mine if I’m not mistaken” Seryosong sabi nito sa kanya. Napalunok na lang siya sa sinabi nito. But deep inside ay kinikilig ang puso niya. “Kahit forever pa I will be yours” kinikilig na sambit niya sa kanyang sarili.