bc

HATE THAT I LOVE YOU

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.1K
READ
love-triangle
one-night stand
family
powerful
decisive
drama
comedy
bxg
enimies to lovers
secrets
like
intro-logo
Blurb

Kim Sujin o sa tunay na pangalan ay Alexandra is a single mom.

Magha- higschool si Alex ng tumira sila magkapatid sa Korea.

Nakapag-asawa ang Mama nila doon kaya nagdesisyon itong kunin sila.

Naging maganda naman ang buhay nila ng hindi inaasahang masawi ang kanilang step-dad sa sunog sa pinapasukan nitong factory.

Nagsimula silang maghirap.

Nagsimula siyang ireto ng mama niya kung kani-kaninong Koreano.

Nawalan siya ng oras sa sarili niya, sa anak niya at maging sa pag-ibig.

Ngunit mapaglaro ang panahon.

Muling mabubuksan ang nakasara na niyang puso.

chap-preview
Free preview
HTILY Episode 1
        “And I hate that I love you so~” Malakas na nagpalakpakan ang mga manunuod sa ganda ng boses ni Alex. “Kamsahamnida! Thank you so much”. Mabilis siyang tumungo sa back stage pagkatapos niya magperform. Mabilis niyang kinuha ang kanyang gamit at isinuot ang kanyang coat. “Sir Chris I need to go” Nagmamadaling sigaw niya. Mabilis siyang lumabas ng muli siyang tinawag ni Chris, ang owner ng Bar na tinutugtugan niya. “Wait!” malakas na sigaw nito. Halos hingalin ito maabutan lang siya. “Why you run so fast? Whoa!” “Mianheyo. My friend is waiting for me” Napilitang ngumiti si Chris para bang hindi naniniwala sa sinabi niya. Dumukot ito sa kanyang jacket at inabot sa kanya ang puting sobre. “Your bonus. Come back again” Nakangiting sabi nito. Nanlaki ang kanyang mga mata. ‘May bonus ako? Kung sinuswerta nga naman’ “Kamsahamnida” masaya niyang tinanggap ito at nagpaalam na ng tuluyan.                    Hindi lang boss ang turing niya kay Chris, itinuturing niya din itong kuya. Kahit minsan nahihirapan siyang makipag-usap dito. Korean si Chris kaya madalas hindi niya ito naiintindihan. Matagal na din silang mag-kaibigan. Pag kailangan niya ng pera, umi-extra siya mag-perform sa bar nito. “Buti na lang binigyan niya ko ng bonus”. Hinalikan niya pa ang sobre bago pinasok sa bag niya. Mabilis siyang tumungo sa sakayan ng bus. Nanginginig na siya sa lamig. Malapit na mag spring pero hindi parin nawawala ang lamig. Buti na lang at makapal ang jacket niya kundi uubohin na naman siya ng di oras. Naka skirt lang siya kaya ramdam na ramdam niya ang lamig.                    “Asan kana? Andito na ako sa downtown”. Halos nanginginig niyang tanong kay Yuna. “Malapit na. Stayfoot ka lang diyan” biro nito. Si Yuna ang bff niyang koreana. Matagal na din silang magkaibigan. Halos lahat ng sekreto niya ay alam nito. Marunong din itong mag-tagalog. Mas magaling pa nga itong magtagalog kesa sa kanya. May business sa Pilipinas ang family nila Yuna, kaya matagal siyang nag-stay sa Pilipinas. Doon na rin ito nagtapos ng kolehiyo. “Bilisan mo nilalamig na ‘ko”. “Araso (okay)”.                First year highschool si Alex ng pumunta dito sa Korea kasama ang kanyang kapatid na lalaki, si Jude. Matapos maghiwalay ng kanyang magulang, nakapag-asawa ang mama niya ng koreano. Nagkaroon ito ng anak dito kaya napilitan itong manirahan dito sa Korea. Mabait ang napangasawa nito kaya kahit silang magkapatid ay inampon nito para makasama nila ang mama nila.            “Alex!” malakas na sigaw ni Yuna. Halos pagtinginan siya ng mga tao sa ingay nito. “Ano kaba! Alam mo ikaw, Pilipino ka na talaga. Ang layo-layo mo pa sumisigaw ka na agad” Inirapan niya ito. “Mianheyo oennie(ate)” maypapikit-pikit pa ito ng mata na humawak sa braso niya. “Kaja (let’s go) may good news ako sayo” hinila siya nito at pumasok silang dalawa sa malapit na coffee shop.            “Siguraduhin mo na good news yan ha” “Ofcourse” mabilis na sagot ni Yuna. Uminom muna ito ng kape bago nagsalita. “So remember mr. stalker?” Nakanuot ang nuo ni Alex na nakikinig kay Yuna. “Stalker? Yung pinoy na patay na patay sayo?” “Yes!” Kumindat pa ito sa kanya. “Alam mo ikaw kung ayaw mo diyan kay mr. stalker sabihin mo na. Pinapaasa mo yung tao. May karma yan sige ka” “Ayaw mo ba o gusto mo?” malakas na sambit nito. Biglang napatingin si Alex sa katabi nila. Nagulat ata ito sa lakas ng boses ni Yuna. “Pwede ba hinaan mo yang boses mo. Iti-tape ko yan” “Ayaw mo nga o gusto mo?” ulit na tanong ni Yuna. “Fine!” Umiling-iling lang si Alex. “Listen carefully oennie (ate)” Tumango lang si Alex. “So yung boss ni mr. stalker ay naghahanap ng makaka-date para sa isang party. Im not sure what party it is, anyway he is willing to pay 500 thousand won for that event only” Nanlaki ang mata ni Alex sa narinig niya. ‘500 thousand won? Kalahating sahod ko na yun sa isang buwan’. “Sure bayan o scam? Para lang sa araw na yun magbabayad siya ng ganun kalaki?” Hindi pa rin siya makapaniwala. ‘Napaka panget siguro ng boss ni mr. stalker para magbayad ng ganoong kalaking pera’. Nasabi niya sa sarili niya. “Well believe it or not nasa akin na ang bayad”. Kinuha nito ang puting sobre sa bag niya at iniabot kay Alex. “So oennie (ate), are you in or out?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S SECRET AFFAIR

read
751.2K
bc

Pain(Tagalog)

read
353.9K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
717.6K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.2K
bc

Taz Ezra Westaria

read
110.9K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
113.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook