After two years~ Kahit papaano ay masaya na silang naninirahan sa Pilipinas. Pagkatapos magtapos sa kolehiyo ni Jude ay napilit na din nila ang mama nilang bumalik sa Pilipinas. Sa una ay mahirap dahil matagal din silang nawala pero kalaunan ay nakakasabay at nasasanay na din sila. Kahit papaano ay nakabili din sila ng maliit na bahay galing sa ipon niya kaya pang araw-araw na lang na gastusin ang iniisip nila. Sa malaking Hotel din sa Pilipinas nagtatrabaho si Jude kaya kahit papaano ay may katulong na siya sa mga gastusin sa bahay. Si Bomi naman ay magsisimula na sa kolehiyo sa susunod na taon. Nasanay na din silang wala si Hana pero hindi nila nakakalimutan mag celebrate tuwing birthday nito. Mahabang panahon na din ang lumipas pero umaasa parin siya na balang a

