“Good morning Alex!” Halos mabitawan niya ang dala-dalang tray na may mga plato sa sobrang gulat. “Chris? Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong niya. Simula ng malaman nito na sa RAFEL siya nagtatrabaho ay lagi na itong dumadalaw hindi para makita ang kapatid niya kundi para makita siya. Kaya lagi din siyang pinag-iinitan ni Migs. “Pwede ba umalis kana mapapagalitan na naman ako ni Chef” Luminga linga pa si Alex sa paligid to make sure na wala si Migs sa paligid bago niya ito hinila palabas ng kusina. “May sasabihin ka ba?” “I just want to invite you” “Invite me? Saan?” “Birthday ni Mommy sa Friday gusto sana kita isama” “Ha? Pag-iisi-“ “She can’t come” Parehas silang napatingin sa likod niya. “Chef?” Mas lalo siyang nataranta. Malamang sa ma

