HTILY Episode 8

1045 Words
        Tinanggal na ni Migs ang coat niya at naupo na sa upuan nito. Hinilot-hilot niya ang kanyang ulo dahil sa stress na nararamdaman niya ngayon. Nawalan na naman siya ng Chef. Sa totoo lang walang nagtatagal na Chef sa kanya dahil sa ugali niya. Hindi sila palaging nagkakasundo. Hindi na rin siya magtataka kung isang araw iiwanan na din siya ni Ryan.  Naisipan niyang tawagan ang mommy niya.         “Mom pwede bang hiramin ko muna si Paolo?” “Wala ka na naman Chef?” Hindi siya nakasagot sa mommy niya. “Ipapahiram ko sayo si Alex not Paolo". "Alex? your new waitress?” "Yup. Dont worry masarap din siya magluto. Mabilis lang din siya turuan. For sure magkakasundo kayo”. Hindi na siya umangal, wala na din siya magagawa. "Fine. Tell her I’ll pick her up tomorrow" "Okay. Please be nice to her" Hindi siya sumagot. Alam niya na hindi niya magagawa yun. “Migs?” "I’ll be nice to her I promise”         "Alex pwede bang ireceive mo muna ung deliver sa baba?" tanong ni Paolo habang nagluluto. "Ha? Baka dumating na yung anak ni ms. Ellen" "ako na lang magsasabi na inutusan muna kita. Kailangan ko na tapusin tong niluluto ko e" "Sige na nga". Hindi niya na rin natanggihan si Paolo. Busy ito sa pagluluto. Wala din naman ibang gagawa kundi siya. Kinuha niya ang kanyang coat at mabilis na lumabas. Nasanay na siyang sa hagdan dumadaan. Nakatingin siya sa cellphone niya kaya hindi niya napansin si Migs. Hindi din siya napansin ni Migs dahil nakatingin din ito sa cellphone nito. “Aray” sabay nilang nasambit. Napatingin sa kanya si Migs. “Ikaw na naman?” magkasalubong ang kilay nitong sabi sa kanya. “Nananadya ka ba talaga?” sigaw nito. ‘Siya na naman?’ mahinang bulong ni Alex. “Stalker ka no?” inis na sambit ni Migs. “Ako? Stalker? At bakit naman ako magiging stalker mo? Gwapo ka ba? Tumabi ka nga dyan”. Hindi niya napigilang sikohin si Migs sa sobrang inis. “Ah” Napasigaw si Migs sa sobrang sakit. “You freak!” mabilis na tumakbo si Alex. “May araw ka din saking babae ka”.           Nakahawak parin si Migs sa tiyan niya ng pumasok sa restaurant ng mommy niya. “What happened? Sinalubong kaagad siya ni ms. Ellen. “Im fine mom” “are you sure?” Tumango lang si Migs. “Umupo ka dito ikukuha kita ng gamot”. Bago niya pa ito maawat ay mabilis na itong tumungo sa kusina. Sakto naman ang pagdating ni Alex. Napatingin si Migs ng binuksan niya ang pinto. Halos matulala siya ng makita niya si Migs. "Ikaw na naman?" Sambit nilang dalawa. "What are you doing here?" Parang lalamunin siya ni Migs sa mga tingin nito. Hindi siya makakibo. Lumabas na ng kusina si ms. Ellen. "Oh ito na pala si Alex eh" lumapit ito kay Migs. "This is miguel my son. We call him Migs." Nakangiting sabi nito. "And this is Alex" tinuro nito si Alex. "G-good m-morning s-sir" hindi siya makapaniwala sa nangyayari. 'Si mr. Bean ang anak ni ms. Ellen?’ Parang gusto niyang umiyak. Naalala niya kung paano niya siniko si Migs kanina. ‘Lord naman why itong halimaw pa na to’ . Naiiyak niyang sabi sa sarili. Hindi naman maipinta ang mukha ni Migs. Napapikit siya sa sobrang inis. Huminga muna siya ng malalim. Naalala niyang nangako siya sa mommy niya na magiging mabait siya dito. "We need to go mom" "inumin mo muna tong gamot" “Later" Kinuha niya ang gamot at mabilis ng lumabas. Lumapit si ms. Ellen kay Alex. "Akin na yan. Kunin mo na yung mga gamit mo. Intindihin mo na lang si Migs. Maiinitin lang talaga ulo nun pero mabait yun. Nakangiting sabi nito. ‘Mabait? E kulang na lang isako niya ko sa mga tingin niya’. Gusto niyang isagot dito. Ngumiti na lang siya         Naunang sumakay ng sasakyan si Migs. Hindi naman alam ni Alex kung sasakay siya o hindi pagkatapos ng ginawa niya kanina. 'Bakit ko ba kasi siya siniko'. Hindi siya mapakale sa kinatatayuan niya. Binuksan ni Migs ang bintana. "Sasakay ka ba o iiwanan kita?" Malakas nitong sigaw. Nagmamaktol siyang sumakay ng sasakyan.            Sa Suseong-gu located ang Resto ni Migs. One of the most prosperous and high-density areas of Daegu. Halos lahat ng nakatira dito ay mga Doctors, Professors, Judges and other high valued careers in Korea. Sa labas pa lang ng Resto niya ay masasabi mo ng pang mayaman ito. Vintage ang style ng Resto ni Migs.         “RAFEL?” Binasa niya ang signage ng resto ni Migs. ‘bakit kaya RAFEL?’ nasa isip niya. Pagbaba nila ng sasakyan ay mabilis silang sinalubong ni Ryan. “Good morning Chef. Good morning?” tumingin ito kay Alex. “Alex” Mabilis niyang sagot. “Hi Alex call me Ryan the handsome” Biro nito. Natawa lang silang dalawa. Mabilis namang pumasok sa loob si Migs. Hindi parin maipinta ang mukha nito. Sumunod na din sa kanya ang dalawa. Pagpasok pa lang ni Alex ay naagaw agad ang atensyon niya sa mga wine na naka display sa padir. “Wow” Natawa naman si Ryan sa reaksyon niya. “Mamaya ka na ma amaze” Tapik nito sa braso niya. “Sorry hehehe”. Pumasok na din sila sa office ni Migs. Nakasimangot parin ang mukha nito. “Samahan mo na siya sa locker room at ituro ang mga gagawin niya” “Yes Chef”.         “Itong magiging locker mo” “Salamat” Parehas silang nag aayos ng gamit nila sa locker ng hindi mapigilang magtanong ni Alex. “Ryan” “Yes darling?” biro nito. Nangiti lang si Alex. “Ganun ba talaga si Chef? Laging nakasimangot. Para kang kakainin ng buhay palagi. Nakakatakot” Yumakap pa siya sa sarili niya na parang nanginginig. Natawa lang si Ryan sa kanya. “Marunong bang tumawa yun? O alam niya lang manigaw. Siguro walang jowa si Chef no? Sabagay sa ugali niya sino bang magkakagusto sa kanya” sabay tawa ng malakas. Napatulala naman si Ryan ng mapatingin ito sa likod nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD