Papunta na sila sa hotel nila Alex ng matanaw nito ang Namsan Tower. Napansin ni Migs na kanina pa din nakatingin dito si Alex. “You want to go there?” Nakangiting tanong niya kay Alex. “Ha? Uhmm. I-it’s okay. My friend is waiting for me.” Nag-aalangang sagot nito. Sa totoo lang gusto niya talaga pumunta dito. Matagal na ng huli siyang makapunta dito. Nabubuhay pa noon ang kanyang step-father. Nahihiya lang siya baka kung anong isipin ni Migs.
Mabilis naman nag u-turn si Migs na ikinagulat ni Alex. “W-Where are we going Sir?” “Namsan Tower” Nakangiting sabi niya kay Alex. Halata naman na natuwa ito sa sinabi niya.
Malapit na din magsara kaya mangilan ngilan na lang din sila sa loob. Halos puro couple na lang din ang nakikita nila. Feeling tuloy ni Alex mag-jowa din sila ni Migs dahil kanina pa sila pinagtitinginan.
Hindi mawala ang tuwa sa mukha ni Alex. Matagal niya ng gustong pumunta dito. At ngayon nga ay natupad na, thanks to Migs. Natanaw niya kaagad ang mga padlocks na hindi mo na mabilang sa sobrang daming nakasabit. Para siyang bata na tumakbo papunta rito. Nawala na din sa isip niya naka heels siya. Hindi niya na din napansin na kasama niya si Migs.
“Wow” Yun ang unang salita na lumabas sa kanyang bibig. Napakaganda ng tanawin. Mula dito ay matatanaw mo ang buong Seoul. Ang mga naggagandahang ilaw dulot ng mga buildings mula sa baba at mga sasakyan na parang mga laruan sa sobrang liit.
"Are you happy?" Marahang tanong ni Migs na hindi niya na namalayan na nasa tabi na niya. Tumango lang si Alex. “I’m happy, very happy” Gusto niyang sabihin kay Migs. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga ng napakalalim. Feeling niya ay nakatakas siya sa pagkakakulong. Malaya siyang nakakahinga. Wala siyang iniisip. Malayo siya sa problema. She just want to be happy kahit ngayon lang, kahit ngayong oras lang na 'to. Maramdaman niya na malaya siya. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. She's tired. Gusto niya ng magpahinga pero hindi pwede. Kung pwede lang sumigaw ay kanina niya pa ginawa. Saglit pa ay tuluyan ng pumatak ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. Naaalala niya lahat ng hirap na dinanas niya, na dinadanas ng pamilya niya. Lahat ng oras na ninakaw sa kanya dala ng hirap sa buhay. Bakit kasi meron pang mayaman at mahirap. Maganda at panget, kung pwede namang pantay lang.
Inabutan siya ng panyo ni Migs. "You're not alone keep that in your mind" nakangiting sabi nito sa kanya. "Thank you Sir". Nagsalubong naman ang kilay nito sa sinabi niya. "Im still your boyfriend should you call me babe or honey instead of sir?” natawa naman si Alex sa sinabi nito. “Bolero ka din pala, Paano kaya kung malaman mong ako to si Alex” nasa isip niya. "Sorry babe?" Pilyong sabi niya. Natawa na lang si Migs sa kanya. Nabawasan ang bigat na nararamdaman ni Alex dahil sa ipinaparamdam sa kanya ni Migs.
“Would you mind if I ask?” Marahan niyang tanong kay Migs. “Go on” “Why do you have to pay a woman to pretend your girlfriend? You’re handsome and rich” Nagaalangang tanong niya dito. Saglit na nanahimik si Migs. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa bulsa ng coat na suot niya. Nakatingin ito sa langit na para bang may hinahanap na bituin. “My fiancé died five years ago. Since then I have lost interest in women.” Namumungay ang mga mata ni Migs na tumingin kay Alex. “Not anymore” Sambit ni Migs sa kanyang sarili. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Alex dahil sa mga tingin ni Migs sa kanya. Hindi niya naiwasang umiwas ng tingin kay Migs. “Sorry if I asked” “You don’t need to”.
Migs has been alone for a long time, and now he just experienced being happy again. With her. He could’nt help himself to like her. Humarap siya kay Alex. "Sujin" "hmm?" Humarap ito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Nangungusap ang kanilang mga mata. They’re heart is starting to beat so fast that they could listen to it. "Would you mind if i kiss you?" "Wha-" bago pa siya nakasagot ay hinapit na nito ang kanyang bewang at siniil na siya ng halik. Nanlaki ang mga mata ni Alex sa ginawa nito. Pakiramdam niya ay may mga kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan.
His kiss is so soft and passionate. Inilagay ni Migs ang isa niya pang kamay sa batok ni Alex at nilaliman pa ang paghalik nito. Ang mga puso nila ay naglulundagan sa sobrang saya. Wala na silang pakialam sa mga taong nasa paligid nila. Inilagay niya ang kanyang mga kamay at iniyakap sa leeg nito. Hindi niya na din kinaya at sinabayan niya na din ang nakakabaliw nitong halik.
Saglit pa ay kumalas si Alex sa pagkakayakap ni Migs ng may biglang sumagi sa isip niya mula sa nakaraan. "It cant be him" bulong niya sa kanyang sarili. Nagulat naman si Migs sa ginawa niya. "Sorry" Sambit ni Alex. Hindi siya makatingin dito. “Ano bang ginagawa ko? Boss mo siya Alex” Naiiyak niyang sigaw sa sarili. Nakangisi lang si Migs na nakatingin sa kanya. Muli siyang hinapit ni Migs sa bewang at inilapit sa kanya. Napalunok si Alex. Nakayakap si Migs sa bewang niya habang ang mga kamay niya ay nasa mga braso nito. Muli siya nitong hinalikan sa labi. "Lets go" nakangiting sabi ni Migs sa kanya. Tumango lang siya. Maloloka na ata siya dahil sa mga tingin ni Migs.
Habang papalapit na ng papalapit sa hotel nila ay nararamdaman niya na ang lungkot. Babalik na uli sila sa reyalidad ni Migs. Hindi maiwasang tumingin ni Alex kay Migs. Hindi na niya muling makikita ang Migs na nasa harapan niya ngayon. Kung pwede niya lang itigil ang oras para makasama niya pa si Migs kahit saglit gagawin niya. Mahinang nagbuntong hininga si Alex
Napansin naman ito ni Migs. "What's wrong?" "Ha? Nothing" umiling lang si Alex at simpleng ngumiti. "Where here" mahinang sambit ni Migs.
Hindi naman alam ni Alex kung paano siya magpapaalam. Parang nakadikit na ang pwet niya sa upuan. Gusto niya pang makasama si Migs. Ganun din ang nararamdaman ni Migs. But they need to say goodbye.
"Huminga muna ng malalim si Alex bago tuluyang nagpaalam kay Migs. "T-thank you. Uhmm I need to go" pinilit niyang ngumiti kahit nahihirapan siya. Nakangiti lang na tumango si Migs sa kanya. Binuksan niya na ang pinto. Bago pa siya bumaba ay muli niyang hinagkan si Migs sa labi "I'm sorry". Hindi niya na nilingon si Migs at mabilis na pumasok sa hotel
Nadatnan ni Alex si Yuna na mahimbing ng natutulog. Minabuti niyang dumiretso na sa banyo para maghilamos at magbihis ng damit. Paglabas niya ay nakaupo na si Yuna sa kama. Napakalaki ng ngiti nito. Parang galing ito sa inuman hindi sa pagtulog. "How's the party sister?" Pilyong tanong nito kay Alex. Nilapitan naman ni Alex si Yuna at inamoy amoy. "Are you drunk?" "Dah! Alangan naman magmukmok ako dito habang ikaw nag eenjoy sa party. Ofcourse! dapat ako din hahahA" Napailing na lang si Alex sa sagot nito.
Humiga na si Alex at nagtakip ng kumot ng bigla siyang daganan ni Yuna. Amoy na amoy niya ang alak dahil sa lapit ng mukha nito sa kanya. "Sleep Yuna you’re drunk" pagpupumiglas niya. Pinakatitigan siya ni Yuna na parang naghahanap ng sagot sa hindi niya malaman na tanong.
"Something happened right?" "Nothing happened let’s sleep you’re drunk" "im not drunk Alexandra" ang mga ngiti nito ay mas lalong nagiging pilyo. Umiiwas naman ng tingin si Alex dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Yuna. "Did you two kiss?" Hindi sumagot si Alex. Hinawakan ni Yuna ang kanyang mukha at hinarap sa mukha nito. "Did he kissed you or you did kissed him or you both?". "We kissed" Hindi na napigilan ni Alex. Hindi niya na kaya pang tiisin ang amoy alak na si Yuna. "Oh my god" niyakap siya ni Yuna sa sobrang tuwa. "Stop it Yuna hindi na ko makahinga you’re so heavy" "sorry" umalis na ito sa pagkakadagan sa kanya. Naghahabol naman ng hininga si Alex dahil sa pagkakadagan ni Yuna sa kanya.
Umayos na sila ng upo parehas. "So how was it sister?" Pang aasar nito. "Ummm" "ummm?" natawa si Alex sa panggagaya nito sa kanya. "Actually its weird" “weird? how?" Nagtatakang tanong ni Yuna. "When we’re kissing biglang sumagi sa isip ko si M". "M? Ang daddy ni Hana?" Tinanguan niya lang ito. "you remember his face na?" "no i still dont remember his face"