CHAPTER 1
'MILLION OF BOYS FALLING FOR YOU'
- Maaari kayong makabasa ng mga hindi kaaya-ayang salita o mga pangyayari sa kwentong ito. Kaya kung sensitive ka... lipat ka na lang muna ng babasahin. Maraming salamat sa mga mag iistay sa story na ito. Pangakong hindi kayo mapapako sa storya na ito. -
..
..
CHAPTER 1
"Isabel! Anak." Tawag ng ina ni Isabel. "Aalis na kami ng papa mo! Umutang na lang muna kayo ng kakainin nyo mamayang tanghali dahil gagabihin kami sa lakad namin." malakas na sabi ng mama ni Isabel.
Nag pakawala ng malakas na buntong hininga si Isabel bago sumagot sa mama niya. "Sige, Ma." Napa buntong hininga siya hindi dahil sa inutusan siya ng mama niya, kundi dahil sa pupuntahang 'lakad' na sinasabi ng kanyang ina.
..
..
..
Kasalukayang pinapaliguan ni isabel ang kanyang bunsong kapatid.
Si Isabel ang nag babantay ng maliit niyang kapatid siya na rin ang ang nag aasikaso madalas sa bahay nila.
Pang lima sa siyam na mag kakapatid si Isabel, at siya ang nag iisang babae sa anak nina Jonathan at Dimple.
Kaya bilang babae ay, siya ang nag aasikaso sa bunsong kapatid niya.
Binihisan niya na ang bunsong kapatid na si Alas, 4 years old lamang ito kaya si alas ang mas tinututukan niyang bantayan at asikasuhin.
..
..
..
NANG MATAPOS niyang asikasuhin ang kanyang bunsong kapatid ay nag linis na muna siya ng kanilang munting bahay.
Siya naman palagi ang madalas pinag lilinis ng bahay. Dahil si Isabel lamang ang hindi makatulong sa business ng pamilya niya. Ang mga kuya niya ay minsan wala dito sa bahay nila at kung pupunta man ay palaging may mga kalat na na iiwan kaya todo ang linis niya ng bahay nila.
Mahirap man sila pero ayaw naman ni Isabel na ipahalatang pangit ang bahay na tinitirhan nila.
Gusto niya ay kahit papaano ay kaaya-aya sa paningin at maaliwalas ang bahay na tinitirhan nila.
Nilinisan niya ang higaan ng kanyang mga magulang. Tinupi ang mga kumot at pinagpagan ang kutson, after nun ay tumungo siya sa mga lababan at pinag hiwalay ang decolor sa puti.
..
..
INABOT na siya ng hapon sa paglilinis dahil sa matinding kalat na naiwan ng mga kapatid nitong lalaki. Biglang sumagi sa isip niya na kailangan niya nang pakainin ang kanyang mga kapatid. Kaya nag saing muna siya ng kanin nila at dali-dali siyang pumunta sa mga kapatid niya na naka tambay sa sala.
"Macoy, dito lamang muna kayo hah. Mangungutang muna ako nang makakain natin."
"Sige te."
..
..
..
AGAD na tumungo sa tindahan si Isabel para mangutang ng uulamin nilang magkakapatid.
"Tao po?..." tawag ng dalaga sa may tindahan.
Lumabas ang matandang babae na tindera. "Ay, ate Mercy pautang daw po ng dalawang 555 tuna. Paki lista na lang po muna sa utang ni mama." Nahihiyang sabi ng dalaga.
"Tsk, puro na lang kayo utang! utang kayo nang utang! Sabihin mo diyan sa magaling mong ina! na nalulugi na ang paninda ko sa kakautang ninyo! Pambihira!" galit na ani nung tindera.
Nilista muna nung tindera ang kinuhang de lata ni Isabel. At kinuha naman ni ate mercy ang dalawang 555 tuna na nasa likuran niya at iniabot sa maliit na butas ng tindahan.
_______________________
A/N:
Wala sanang iwanan hanggang dulo. Paki pa follow na rin po ako dito para kahit papaano ay dumami ang followers at madami din ang maka basa ng libreng novels na gawa ko. At dahil free lang din naman ang mga sulat ko, ako ay nakiki-usap na palagi po kayong mag iwan ng comment about sa mga thoughts nyo at kung ano pang gusto nyong icomment. Mas maaappreciate ko ang comment ninyo at mas gaganahan akong gumawa at sumulat ng maraming nobela kapag marami akong mababasang nakakatawang comment.
HAHAHA I LOVE YOU GUYS!!
SALAMAT PO!