Chapter 2

1857 Words
"Sabay ulit tayong magtanghalian mamaya ah," paalala ni Gio sa akin ng maihatid niya ako sa room. Tumango naman ako sa kaniya. Umupo ako sa upuan ko habang hinihintay ang teacher namin sa Soc. Sci. May mga naging kaclose din naman ako kahit papaano. Pero may iilan pa ding pinagtatawanan at pinagkakaisahan ako. May iba ding kinakausap ako pero tungkol kay Gio ang lahat ng tanong nila. They are open about having a crush on Gio na hindi naman nakakapagtaka. He's a good guy. Masasabi ko talagang mabuti siyang tao. The first time we met, he never judged me. Pinagtanggol niya pa ako and he even tried to uplift my confidence. Akala ko nga he's like those guys who will bully someone. Hindi niyo din ako masisisi if ganoon ang naging unang tingin ko sa kaniya. I've experienced too much sa dating pinapasukan ko. The pain of being discarded and the pain of being the one who always left behind always scared me, up until now. "Sino ka?" tanong ng isang lalaking nakatayo sa harap ko. May isa pa din palang transferee? Pero bakit ngayon lang siya pumasok? Tumingin ako sa kaniya na nagtataka pero sinagot ko pa din ang tanong niya. "I am Yezra Carillo," pagpapakilala ko pa. I offered my hands to him hoping he would take it. Hindi ba ganoon ang tamang gagawin kapag nagpapakilala? Dapat may handshake for formality. "The hell? I am not asking your name," he grumbled. Natigilan ako sa sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. Tumitingin na din sa amin ang iba naming kaklase. "Akala ko kasi tinatanong mo pangalan ko," mahina kong saad sa kaniya. Narinig ko siyang tumawa kaya tumingin ulit ako sa kaniya. Nakatayo pa din siya sa harap ko. Bukas ang dalawang butones ng polo niya at kita ang kulay puting sando niya. May hikaw din siya sa tenga. "Humanap ka ng ibang mauupuan. Ayokong may katabi," maawtoridad niyang utos sa akin. "Dito kaya ako nakaupo! Ako nauna dito eh," pagmamatigas ko pa. Sa totoo lang, natatakot ako sa lalaking ito. 'Yung mukha niya kasi ngayon parang leon na handa ng lapain ang kunehong nasa harap niya. "Yezra, tabi na lang tayo," rinig kong sabi ng isang kaklase ko na sinundan naman ng iba. Daming nag-offer sa akin ng upuan na siya namang ipinagtataka ko pa. May iilan din akong kaklase na nanonood lang at para bang isang pelikula ang pinapanood nila. "Move," utos niya pa, "or else itutulak kita." Inayos niya pa ang kaniyang pagkakatayo at masama akong tiningnan. Kinakabahan na ako kaya tatayo na sana ako ng sumigaw ang isa naming kaklase. "Nandiyan na si Ma'am," malakas niyang sigaw habang nagmamadaling umupo sa upuan niya. Dali-dali namang nagsibalikan ang iba. Pero ang lalaking ito ay nanatili pa ding nakatayo sa harap ko. "Oh Mr. Fernandez, long time no see. Pumasok ka na pala," bungad agad ni Ma'am sa amin ng pumasok siya. She is pertaining to this guy who is standing in front of me kasi dito naman siya nakatingin. I saw how his forehead creased. His expression also turns darker than it was. Pero hindi ito kita ni Ma'am kasi nakatalikod naman siya dito. Hindi niya sinagot si Ma'am. Akala ko hahanap siya ng ibang upuan pero lumiko lang pala ito sa likod ko para makadaan at makaupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Akala mo naman kagustuhan kong pumasok," he mumbled habang nakaupo sa tabi ko. Iniiwasan kong tumingin sa gawi niya baka sungitan niya na naman ako. His aura is dark na siyang mas nakakatakot sa kaniya. Kinuha niya ang bag niya at nilagay ito sa mesa. I thought magsusulat siya pero 'di ko inaasahang gagawin niya pala itong unan. Oo, natulog siya. Natutulog siya habang nagdidiscuss si Ma'am sa harap. Tapos na lahat ng morning subjects namin pero itong katabi ko ay tulog pa din. Naglalabasan na din ang ilan sa mga kaklase ko habang hinihintay ko naman si Gio kasi sabi niya sabay na daw kaming magtanghalian. "Yezra," tawag ng isang kaklase kong babae. Lumapit ito sa akin at nagaalalang tumingin sa akin. "Are you sure you're fine na katabi iyan?" she asked me at tinuro niya ang lalaking katabi ko. "Ayos lang naman sa akin," nahihiya kong sagot sa kaniya. Hilaw siyang ngumiti sa akin at ganoon pa din ang tingin niya. "You know what? He is Magnus Renz Fernandez. Kilala siya sa campus not because of his looks but because of his bad image," she stated in her low-tone voice. Iniiwasan niya ding lakasan ang boses niya sapagkat iniisip nitong baka marinig ng katabi ko ang sinasabi niya. Gulat akong tumingin sa kaniya at pinoproseso ang mga impormasyong sinabi niya. "He is a bully. Nasuspend siya last week kasi nakita siyang nagdala at umiinom ng alak sa may old computer building. Tiyaka, may nagsumbong din sa principal na may pinagkaisahan daw ang grupo nila na isang junior high student," dugtong niya pa. "Kung ako sa'yo lumipat ka na baka kasi ikaw 'yung pagtrippan niya." Pagkatapos niyang masabi iyon ay umalis na din siya. Ilang minuto pa ay dumating na si Gio. "Sorry at pinaghintay pa kita," bungad niya sa akin ng makapasok siya ng room. Nang nakaupo siya sa harap ko ay taka niyang tiningnan ang katabi ko. "May transferee kayo?" tanong niya pa habang nginunguso ang katabi ko. "Hindi siya transferee. Nasuspend daw iyan last week kaya ngayon lang pumasok ulit," sagot ko naman habang nginunguya ko ang pagkain na nasa bibig ko. Kanina ko pa sana gustong gisingin to pero baka kasi singhalan ako. Dahil na din sa mga nalaman ko tungkol sa kaniya, mas nadagdagan pa ang takot ko sa lalaking 'to. "Magnus daw pangalan," muli kong saad nang tumingin sa akin si Gio ng nagtataka. Hindi naman nagulat si Gio ng sinabi ko ang pangalan ng lalaking ito. Ngunit ilang minuto pa ay biglang gumalaw ang katabi ko. Gising na ata 'to. Sumandal siya sa upuan niya habang tumitingin sa loob ng room namin. "Lunch break na Renz," imporma ni Gio sa katabi kong kakagising lang. "Gago, seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Nanatili lamang akong nakayuko habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. "Tanghalian na tapos hindi man lang ako ginising nitong katabi ko." I think he's pertaining to me kaya tiningnan ko ito na nagtataka. "You didn't tell me," depensa ko pa sa sarili ko. "Kailangan pa talaga kitang sabihan?" iritadong tanong niya sa akin. Yumuko nalang ako ulit at hindi na siya sinagot. Ipinagpatuloy ko ulit ang pagkain ko. Maya-maya pa ay may narinig akong tunog ng tiyan. Tiyan na nagugutom. Tiningnan ko ang katabi ko at mabilis naman nitong binaling sa ibang direksyon ang tingin niya. Gio chuckled habang umiiling pa. Natatawa na din ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Kasalanan mo 'to. Tinatamad akong pumunta ng cafeteria kaya bilhan mo ako ng makakain dun," bintang niya pa sa akin. He even gave me his pocket habang umiiwas pa din ng tingin sa akin. Ayokong pumunta ng cafeteria. Kaya nga nagdadala ako ng baon para maiwasan ang makipagsiksikan sa mga estudyante kapag bumibili ng pagkain. Knowing na cafeteria is a crowded place, sigurado akong pagtatawanan lang ako dun. Mas mabuti ng umiwas na lang. "She cannot Renz. Ikaw na lang bumili," saad naman ni Gio habang nililigpit ang baunan niya. "Bakit hindi pwede? Alam mo Gio kung ano ang ginagawa ko sa mga estudyanteng hindi sumusunod sa utos ko," Magnus stated. Tumigil ako sa pagnguya at tiningnan si Gio na kaswal lamang na nakaupo. Nilalabanan niya ang titig ni Magnus. "Kung ano man 'yang iniisip mo, spare her. Huwag mo siyang isali sa kalokohan mo. And please, don't make fun of her," Gio answered. Tumawa si Magnus pero hindi natinag si Gio. Nanatili lamang akong nakaupo. Afraid of what will happen. I cannot defend myself in a situation like this. "Don't make me start Gio. Sino ba ang babeng iyan ha? Bakit ganiyan ka kung makaasta?" panghahamon ni Magnus. Tumayo siya at lumapit sa likod ko. Nabigla ako ng hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang pinipilit niya akong itayo mula sa pagkakaupo ko. "Aray, " I gasped ng maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya. "Don't make me start Renz. Bitawan mo siya," maawtoridad na sambit ni Gio. Tumayo na din ito at akmang lalapitan ako ng bigla akong tinulak ni Magnus sa sahig. Napasigaw ang ilang kaklase ko. Nakita ko pa kung paano sinuntok ni Gio si Magnus bago tuluyang nanlabo ang paningin ko dahil sa mga luhang bigla na lanh nagsilabasan. Bigla kong naramdaman muli ang sakit. Hindi mula sa pagkakatulak ni Magnus kundi dahil sa mga alaalang bumabalik. Memories of me being bullied. Mga alaalang gusto ko ng kalimutan ngunit hindi ko magawa sapagkat palagi namang binabalik ng mga taong nakapaligid sa akin. I only wished one thing and that is to be accepted. Pagod na akong umiiyak kapag tinutukso. Pagod na ang mga mata ko. Napapagod na ako. "Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ni Gio sa akin. Tinulungan niya din akong tumayo habang tahimik akong umiiyak. Nang nakatayo na ako ay tiningnan ko si Magnus na nakaupo sa sahig habang hawak ang labing sinuntok kanina ni Gio. Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakad papalapit sa upuan ko. Madami na din kasing nanonood at ayoko ng ganito. Para kasi sa iba, entertaining panoorin kapag may nag-aaway o kapag may pinagkakaisahan. Nakakatuwa sa kanila ang makakita ng umiiyak. Nang nakaupo na ako ay muling nagsalita si Magnus. "Really? Is that the reason why ayaw kang palabasin at papuntahin ni Gio sa cafeteria? Kasi ayaw mong pagtawanan ka ng iba? Hahahaha... 'di mo naman sinabi agad, sa cafeteria na lang pala sana kita tinulak," mapang-asar niyang saad. Tumawa pa siya na sinundan naman ng iba. "Shut up Renz!" galit na sigaw ni Gio. Susuntukin niya sana ulit si Magnus pero hinawakan ko ang laylayan ng uniform niya. "Gusto kong umuwi," I mumbled softly. Pinipigilan ko din ang sarili kong umiyak ulit. Kung iiyak man ako ulit, sa bahay ko nalang gagawin. Masakit na. 'Di ko na kaya. Gusto ko munang magpahinga. Akala ko matatakasan ko na 'yung pangaasar ng mga dati kong kaklase. I thought transferring here is a good idea. Pero mali pala ako. Ipinasundo ako ni Gio sa driver nila. Gusto niyang samahan akong umuwi pero sinabihan ko na lamang siyang ayos lang ako at kaya ko ang sarili ko. May klase pa din naman kasi siya. Ayokong magcutting class siya dahil sa akin. Nakakulong lamang ako sa kwarto ko at 'di ko namalayang nakatulog pala ako. Natulugan ko ang pagiyak. Tumayo ako at naghilamos. Nang kunin ko ang phone ko ay nakita kong may nagtext sa akin pero unknown number naman. [ 0945*******: Hey, r u ok? ] 5:32 PM [ 0945*******: Don't overthink everything. Don't let Magnus words destroy you okay? ] 5:35 PM I smiled after reading those messages. The number may be unknown, but those words of affirmation is familiar. I know that was Gio. That guy never failed to remind me of how worthy I am despite of my disability. Gio, bakit ka ganito sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD