Chapter 01
Yezra's POV
"Sumabay ka kay Gio kapag papasok ka, ihahatid ka niya sa room mo," Mama told me habang kumakain kami ng agahan.
Tumango ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain ko. Ilang minuto pa ay narinig ko ang busina ng isang sasakyan. Tumayo si Mama at tiningnan kung sino ang nasa labas.
"Uy hijo, nandito ka na pala," narinig kong sabi ni Mama sa may sala.
Binilisan ko ang pagkain ko para hindi na maghintay 'yung lalaki sa labas at baka mainip pa siya. Lumabas ako ng kusina at lumapit kay Mama.
Nasa gilid ako ni Mama habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Ang daming bilin ni Mama kaya sumingit na ako.
"Ma," alanganing tawag ko kay Mama, tumingin naman siya sa akin at napatingin na din sa akin 'yung Gio.
"Hijo, eto pala si Yezra," pagpapakilala ni Mama sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. He looks at me at inalis din ang tingin sa akin agad. I even saw him crossed his eyebrows pero ngumiti pa din ito kay Mama. Yumuko na lamang ako at hinintay silang matapos sa pag-uusap.
"Aalis na po kami Tita," pagpapaalam ni Gio kay Mama. Ngumiti naman si Mama at hinatid kami palabas ng bahay kung saan naghihintay ang sundo ni Gio.
Umupo ako sa likuran, tahimik at nakamasid lamang sa labas. Hindi din naman nagsasalita 'yung Gio at nakahead phone lang habang nakapikit.
"Don't stare," maawtoridad niyang pagkakasabi kaya natigilan ako. I flinched on his remarks kaya dali-dali akong tumingin muli sa bintana. Nahihiya ako kaya hindi na muli ako tumingin sa gawi niya.
Traffic ang nadaanan namin kaya tumingin ako sa relo ko. 6:45 pa naman kaya hindi pa siguro kami male-late nito.
"Are you sure okay ka lang na maglakad?" out of nowhere niyang tanong sa akin. Taka akong tumingin sa kaniya.
"What?" tanong niya pa ulit ng hindi ako sumagot.
"Anong ibig mong sabihin? Ayos lang naman sakin maglakad at magcommute. Kung nakakaistorbo ako, sasabihan ko si Mama mamaya pag-uwi na hindi na ako sasabay sa iyo bukas," tuloy-tuloy kong sabi.
Parang nakakaistorbo lang din kasi ako at kung tutuusin hindi niya naman ako kargo. Anak lang siya ng kaibigan ni Mama. Hindi niya din ako kaibigan, parang napipilitan nga lang siya.
"Hindi iyan ang ibig kong sabihin," he coldly said habang nagtitipa sa cellphone niya. 'Di niya pa din ako tiningnan.
"Ha? Edi ano?" nagtataka kong tanong sa kaniya.
"What I mean is your situation, if it's okay with you to walk like that knowing na there are some students who will bully you or even make fun of your defects."
I saw him looking at me in my peripheral vision pero hindi ko siya tiningnan. Nanatili akong nakatingin sa labas ng kotse.
Kanina ko pa ramdam 'yung takot at kaba. Natatakot akong maulit muli 'yung nangyari sa akin dati na naging rason upang magtransfer ako.
Natatakot akong pagtawanan at pagkaisahan. 'Yung takot at kaba ko ay hindi nawala. Parang trauma na nga 'to eh. Pero I am hoping pa din naman na I'll be okay and my classmates will be nice to me.
"Okay lang naman ako," walang ganang sagot ko sa kaniya. Nakita ko siyang natigilan sa sagot ko at nakabawi din naman agad.
"Sanay na ako," dugtong ko pa.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Nabigla siya sa inasta ko kaya agad niyang binaling sa harap ang tingin niya.
Hindi na siya muling nagtanong. Binalik na din niya ang head phone sa tenga niya. Ilang minuto pa ay lumiko ang sasakyan at pumasok kami sa isang gate. Pumarada sa isang bakanteng lote ang sasakyan.
Lumabas si Gio kaya binuksan ko na din ang pinto ng kotse sa may banda ko.
"Mag-ingat ka Ineng," rinig kong paalala ni Manong Driver sa harap kaya ngumiti ako sa kaniya.
"Ayos lang po ako. Salamat po," tugon ko naman.
Pagkababa ko ay nakita kong nakatayo sa may gilid si Gio bitbit ang bag niya. Hinintay niya akong tuluyang maisara ang pinto ng kotse. Akala ko aalis na siya nang naisara ko na ang pinto ng kotse pero nanatili pa din siyang nakatayo sa gilid.
"Hindi ka pa ba papasok sa room mo?" tanong ko sa kaniya ng naramdaman kong wala nga itong balak umalis.
"Ihahatid muna kita sa room niyo," kamot-batok niyang sagot.
"Huwag na, masyado na kitang naaabala. Ituro mo na lang sa akin kung saan ang room ng HUMSS-B."
Nakayuko lamang ako habang nilalaro ang mga daliri ko. Madami na din ang mga estudyanteng dumadating at 'yung iba pa ay hindi maiwasang tumingin sa amin.
"Nagpromise ako sa Mama mo na ihahatid kita," pagpupumilit niya pa.
"Naihatid mo na naman ako," nahihiya ko pa ding saad. 'Di ko din maiwasang maconscious sa sitwasyon ko lalo na at pinagtitinginan kaming dalawa.
"Look Yezra, kailangan kitang ihatid okay? Huwag ka ng tumanggi diyan. Aalis din naman ako agad kapag naihatid na kita sa room niyo."
Parang naubusan na ng pasensya si Gio sa akin kaya pumayag na lang ako. Habang naglalakad kami ay mas dumami pa ang mga taong tumitingin sa amin.
Maybe because of how I walk? This is only the reason why everyone's attentions are on us. Tumingin ako kay Gio at nakita ko itong seryoso lamang na naglalakad. Yumuko ako ulit para maiwasan ang titig ng mga estudyante.
"Don't mind them," Gio uttered. Nakita ko din kung paano gumalaw ang adams apple niya.
"Sanay na ako sa ganito, huwag kang mag-alala," sagot ko naman agad sa kaniya.
Lumiko pa kami at ilang saglit pa ay huminto siya sa may nakabukas na pinto. Nanatili lamang akong nakatayo sa labas habang siya naman ay pumasok. Tiningnan ko siya sa may bintana at nakita ko itong may kausap na babae. Lumabas din naman agad siya kaya lumapit na ako sa kaniya.
"You okay?" tanong niya sa akin ng napansin niyang hinihingal ako.
Tumango ako at humawak sa may veranda na pinagpapatungan ng mga pasong may bulaklak.
"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong niya pa. Ngumiti ako sa kaniya para ipahiwatig na okay lang ako.
"This is your room," iminuwestra niya ang kanyang kamay sa pintong nasa harap namin.
"And the third room is STEM-A. Diyan ang room namin," turo niya sa isang room. Tiningnan ko naman ito at nakita ko ang ibang estudyante na nakatingin sa direksyon namin.
"Pasok ka na at papasok na ako. Salamat pala Gio."
"Sabihin mo sa akin if may nang bully sa iyo." Hindi siya nakatingin sa gawi ko pero ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.
"Luh? Hindi na. I will be okay naman tiyaka sanay na ako," tumalikod na ako sa kaniya at akmang papasok na.
"Hindi dahil sanay ka na ay hahayaan mo na lang," makahulugang saad niya. Muli kong tiningnan ang gawi niya pero nakatalikod na ito sa akin. Naglalakad na din ito papuntang room niya.
Buong umaga ay pinapakilala ko sarili ko. Kada subject kasi ay ibang teacher kaya kinakailangan daw na ipakilala ko kung sino ako for them to be informed. Pinatayo lang ako sa pwesto ko pero hindi na ako pinapunta sa harapan considering of my situation.
May mga tumawa dahil sa disability ko pero may iilan namang pinapatigil ang mga kaklase kong tumatawa.
Nang lunchbreak na ay kinuha ko ang baon ko. Kakain na sana ako ng may pumasok sa room at hinanap ako. Pagtingin ko ay si Gio lang pala.
"Sabay na tayo." Kumuha siya ng upuan at nilagay sa harap ko. Natigilan pa ako dahil sa ginagawa niya.
"Kain na tayo," tawag-pansin niya sa akin. Nabigla man ay sinimulan ko na lang din ang pag kain ko. Habang nginunguya ko ang ulam ko ay 'di ko maiwasang tingnan ang paligid. May ibang tumitingin sa amin at may iba namang walang pake.
Nang matapos kaming kumain ay akala ko aalis na si Gio pero natigilan ako ng naglakad siya sa harap at umupo sa may teacher's chair.
"Uy kaibiganin niyo si Yezra ah," biglang sambit ni Gio sa harap. Gulat ko siyang tiningnan pero tumatawa lang itong nakatingin sa akin.
"Oo naman!" rinig kong sagot nung isa kong kaklase.
"Magkaibigan na kami niyan." sabi pa ng isa.
Ang iba naman ay tumatawa. Umupo ulit siya sa tabi ko.
"May nang-asar ba sa iyo?" tanong niya sa akin.
"Wala naman. Ang babait nga nila eh," sagot ko naman.
"Mabuti naman kung ganon."
Kinuha niya ang ballpen sa may mesa ko habang pinunit naman niya ang isang pahina ng notebook ko.
"Anong gagawin mo diyan?" takang tanong ko.
"Lalabhan," sagot niya naman agad kaya napakunot ang noo ko.
"Ha?" tanong ko ng 'di ko makuha ang sagot niya
"Edi susulatan alangan namang lalabhan," sarkastiko niyang saad. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya kaya umiling na lang ako.
Sinandal ko ang likod ko sa upuan at hinahayaan ko na lamang si Gio sa ginagawa niya. Balak ko sanang matulog pero 'di ako makakatulog kapag nandito 'to. Hindi pa ba ito babalik sa room nila?
"Bumalik ka na sa room niyo. Pinagtitinginan na tayo ng mga kaklase ko," mahinang sambit ko sa kaniya.
Tumingin siya sa paligid at binalik muli ang paningin sa ginagawa niya.
"Uncomfortable ba para sa iyo?"
"Oo," honest kong sagot sa kaniya.
"I hate attention so much even though I've experienced it many times," dagdag ko pa.
Tumigil si Gio sa ginagawa niya at tumingin sa akin.
"Don't let them bother you. Their judgments are not valid to justify your worth Yez. You are beyond worth it." I even saw sincerity in Gio's eyes.
Umatras ang dila ko. Hindi ko inaasahang makakatanggap ako ng ganon mula sa kaniya. Ngayong araw lang naman kami nagkakilala but the action that this man gave to me is uncomaprable.
He is just a mere stranger for me kanina and I cannot imagine that this man will gave me those words.
"Let me tell you this Yez. When you're thinking about others words, expectations or feelings for you, you will be living your life on the state of trying to fit in and pleasing them. And by that you will see yourself by their eyes and you will lose sight of who you are."
Natigilan ako sa huling sinabi ni Gio. His words are firm. His encouragements cannot be explained. His words of affirmations will surely make someone to be alive again.
Tumayo si Gio at lumabas ng room.
Nanatili lamang akong nakatunganga habang isa-isang pinapasok sa utak ang sinasabi ni Gio.
I was living most of my life being insecured. I always hate myself because of how it looks. I always wished to be someone who don't have a disability.
When I was 6 years old, I cried because one of my classmates teased me. He said that I walk like a duck and when I got home, I looked at my reflection on the mirror. And when I realized that he was right, I hated myself more.
My inability to walk properly is always the reason why I was bullied and being hated by everyone.
And now, because of Gio I realized one thing.
If I would be living all my life thinking about others remarks then when would be the time that I would be living my life understanding my worth and embracing my insecurities?
In order for them to accept me, I need to accept my self.
And in order for them to love me, I need to love myself.