That day, Josiah left full of anger in his heart at iyon na rin ang huli naming pagkikita. Nang mga sumunod na araw ay ginawa ko ang lahat para maging maayos ang kalagayan ko. Unti-unti, sinubukan muli naming magsimula. "Magandang umaga, Autumn! Hindi ko alam na bumalik na pala kayo? Noong nakaraan lang ay naka-for sale na itong bahay nyo, a." Puna ng kapit-bahay namin. Nilingon ko ang bahay. Bumalik na kami sa squatters area kung saan kami nakatira. Magsasalita pa lamang sana ako nang mapansin ang pagtapik ng katabi nito sa kanyang balikat. "Baka hiniwalayan na nung mayaman na nobyo at nakahanap ng iba," anang matanda na saka sila nagtawanan ng malakas. Matipid lamang akong ngumiti. Kung hindi lang siguro matatanda ang mga ito ay baka sinagot ko na sila. Bakit ba nakakatawa para sa

