THIRD PERSON'S POV Ilang ulit na ikinurap ni Autumn ang kanyang mga mata nang magdilat ito. Sapo ang noo na dahan-dahan syang bumangon. Umaasa syang sasalubungin sya ng tao sa kanyang paggising ngunit ang hindi pamilyar na kulay krema ng dingding ang una nyang nabungaran sa tuluyang pag-upo. Sinipat nya ang kamay at paa ngunit wala itong tali tulad ng kanyang inaasahan. Sino nga ba ang lalaking dumating kanina? Iyon ang paulit-ulit na naging tanong nya sa kanyang isipin. Ang tanging huling ala-ala nya lamang bago tuluyang lamunin ng dilim ay ang pigura ng lalaking naglalakad palapit sa kanilang gawi. Nayakap nya ang sarili nang maramdaman ang patindi nang patinding pagsakit ng kanyang ulo habang pilit na inaalala ang nangyari. Hindi man nya gustuhin ay tuluyan syang napadaing at nak

