"Let her go," mahinahong rinig kong saad ni Paisley. Unti-unti ay naramdaman ko ang pagluwag ng mga tali sa aking kamay. Bagaman ramdam ko ang sakit sa buong katawan ay gumapang ako patungo sa aking mga kapatid. Isa-isa kong tinanggal ang busal sa kanilang bibig saka mahigpit na niyakap ang mga ito. "A-ate." Lumuluhang pagtawag sa akin ni Summer. "Ayos lang ako." Nakangiting tugon ko saka hinaplos ang kanyang pisngi. "May masakit ba pa ba sa'yo?" Paulit-ulit syang umiling bilang tugon saka lumuluhang nilingon ang dalawa. "A-Autumn, ayos ka lang ba—" "Ayos lang ako, wag nyo akong alalahanin," saad ko. Kita ang alinlangan sa kanilang mga mata habang inaalis ko ang mga tali sa kanilang kamay ngunit ganoon na lang nagwala ang mga kapatid ko nang bigla ay hilain muli ang aking buhok sak

