AUTUMN'S POV Pabagsak kong inilapag ang cellphone matapos ang tawag. Ikinuyom ko ang aking mga palad sa jogging pants na suot at matalim ang mata na nagbaba tingin sa platong nasa aking harapan. Ilang ulit akong napamura sa isip, inaalala ang bawat salitang binitawan ng tao sa kabilang linya. Saka lamang ako naibalik sa reyalidad nang paulit-ulit na katukin ni Josiah ang parte ng lamesa sa aking harapan. "I am asking who was that, baby?" Seryosong tanong nya. My mind just went blank. Hindi ko alam kung dapat ko nga ba sa kanyang sabihin ang totoo gayong alam ko ang magiging kahihitnan non. Nanatili akong nakatitig sa kanya sa loob ng ilang minuto. Paulit-ulit na nagtalo ang puso't-isip ko sa kung ano nga ba ang tamang desisyon. Josiah will protect me, but who will protect my siblings?

