"Autumn, dinner is ready." Anunsyo ni Josiah mula sa labas ng silid kung saan nagkukulong ang nobya. Inayos niya ang suit na suot saka inayos ang isang bungkos ng bulaklak na pinabili nya pa kani-kanila lang. He wanted to surprise Autumn para kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam nito and a surprise dinner was suggested by his less romantic mind. Alam nyang paulit-ulit na eksena lamang ang ganito but he can't think of anything than this dahil alam nyang kapag nagyaya sya sa ibang bansa, Autumn will automatically turn down the offer. "Sure ka bang lalabas si Ms. Autumn? Baka naman mapahiya ka lang." Nakangiwing salita ni Lance habang pinanunuod si Josiah na lingunin ang buong paligid kung maayos na ang lahat. He was actually hesitant to push through with this dahil alam nyang h

